Chapter 9
UnrequitedChapter 9
I'm positive na isa to sa maraming moments na hindi ko malilimutan. Ang daming kailangan pag usapan. Hindi na din kasi ako sigurado kung paano kami ni Jennie after what happened between us. What do we tell our friends? Do we keep it as a secret? Pano si Tzuyu? Anong sasabihin ko sakanya? Sobrang daming tanong sa utak ko. Bakit kasi ang rupok ko? Nung nagpaulan siguro ang diyos ng karupokan, sinalo ko lahat.
Mahimbing ang pagtulog mo sa tabi ko. Hindi ko ma-explain kung ano ba ang dapat kong maramdaman because finally, you looked at me the way I've always wanted you to look at me. Sobrang tagal kong inintay to.I was waiting for it both consciously and unconsciously.
Akala ko din kasi hindi na darating pa. But you came in like a storm and I will never be the same. You and I will never be the same. Our friendship, that one thing na sinubukan nating isalba, wala na.
We went against everything that we're supposed to do and there's no turning back. Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan nang nagpakuha sa antok. Bukas pag gising ko, nandito ka parin kaya?
It's already eight in the morning.
Dahil tapos na ang midterms, usually, wala na masyadong ginagawa the next day. Ito ang araw na tamad din pumasok ang mga prof. Pag 15 minutes na silang wala, considered ng cancelled ang class. Wala rin naman akong balak pasukan ang mga class ko today dahil wala rin namang gagawin.
Madalas, pag ganitong mga panahon, tumatambay lang ako kasama nila Seul. Minsan, umaga palang pumupunta na kami ng garahe para uminom. Tanghaling tapat palang, andun na ang mga estudyanteng katulad namin na may ibat- ibang rason sa pag-inom.
Merong maglabas ng sama ng loob dahil sa mga nakuha nilang marka, iniwan ng girlfriend o ng boyfriend at problema sa mga magulang. Meron ding mga katulad namin na nagpapaka alien para sa alak. It's redhorse against the world kahit lasang ihi.
Seulgi: Balak mo mamaya?
Lisa: Di ko pa alam eh, bahala na
Seulgi: Kasama mo nanaman Tzuyu no? landi mo
Lisa:Utang na loob wag ka mang asar, ang aga pa
Seulgi: Sus kunwari kapa alam naman namin na may something sa inyo.
Napaka aga pa. Para ibato sakin ang usapang to. Hindi ako nag reply kay Tzuyu kagabi. Hindi parin natin napapagusapan kung ano na ang meron sa'ting dalawa. At speaking of, wala ka na sa tabi ko pag gising ko. Hindi ko magawang bumangon sa pagkakahiga. Parang ayokong harapin ang araw na to. Pakiramdam ko maraming kailangan ayusin, linawin at komprontahin.Parang ayoko nalang gumalaw.
Hindi rin nagtagal, bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Ikaw pala. Akala ko umalis ka. You were wearing my oversized shirt with no shorts underneath.
"Lumabas ka ng room ko ng nakaganyan?" Tinanong kita.
"Wala naman si Jisoo dito." Sabi mo ng natatawa.
"Kala ko umalis kana." Sabi ko sayo at agad ka namang lumapit papunta sa'kin at nahigang muli sa aking tabi.
Siniksik mo ang sarili mo sa'kin and you wrapped your arms around me.
"Bakit naman ako aalis eh nandito ka? Dito lang ako." Sabi mo.
Ang sarap sa pakiramdam na ganito tayong dalawa. Medyo weird pero not in a bad way. Hindi kasi ako sanay ng ganito.
"Jennie, yung kagabi." Sinabi ko ng may pag aalinlangan.
"Anong ibig sabihin nito? Where do we go from here?" Tanong kita.
"I want to be with you." Sabi mo sakin.
"Nakipag break ka ba talaga kay Hanbin?" Tinanong kita.
Gusto ko lang naman din linawin dahil hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon, nandito ka sa'kin, sa tabi ko.
Tumango ka naman. Ganun kabilis ang naging relasyon niyo. Ganun ka kabilis bumitaw. Paano kung tayong dalawa na talaga? Pag sawa kana o kapag may iba kang magustuhan? Ganun din kaya ang gagawin mo sa'kin?
Alam ko din naman na maling isipin pero kilala kasi kita. Kahit naman madalas, puro tarantado ang mga nagiging boyfriend mo, iiyakan mo ngayon pero the next day okay ka na. Parang walang nangyari at hindi mag tatagal, may bago ka nanaman ulit. Nakakatakot.
Isa pa sa mga iniisip ko ay ang usapang Tzuyu. Facing the inevitable . Umupo na rin ako habang inaayos ang aking sarili. Tinignan kita. nagtataka ka. Alam mong may sasabihin ako. Hindi ko alam kung papano ka mag rereact pero dapat mo rin namang malaman since we still need to figure out kung ano tayo aside from being best of friends.
"Sabi sakin ni Tzuyu kahapon she likes me." Nagsalubong ang iyong mga kilay sa sinabi ko.
"Do you like her as well?" Tinanong mo ako at sinabi ko ang totoo.
"I'm beginning to."
Sinundan mo ang aking mga mata. You sat up and hugged me from behind.
"Do
Comments