Chapter 4

Unrequited
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 4

 

Maghapon akong hindi mapakali dahil sabi mo pupunta ka mamaya sa dorm at mag uusap tayo. Iniisip ko parin yung nangyari 2 weeks ago. I crossed the friendship line with you. But the thing is, hindi mo rin naman ako pinigilan. You kissed me back. Kaya nga nung mga oras na yun, pakiramdam ko gusto mo rin ako. Kahit alam kong malabo in reality. Okay nalang din sanang wala nalang nangyaring ganun sana before kaso ako tong si tangang hindi na nag isip kung anong mangyayari after. At yun na nga, umiwas ka at biglang nagka boyfriend. 

Sabi mo pa sakin ipapakilala mo dahil mabait, Eh mukha namang hindi. Ewan ko ba sayo. Hindi ko rin maintindihan yang utak mo madalas pag dating sa mga lalaki. Basta sweet at medyo bad boy, pasok na sa criteria mo kahit ultimate manloloko naman. Masyado ng malayo ang mga naiisip ko kaya I've decided na idistract nalang muna ang sarili ko. Afterall, dapat naman talaga hindi ikaw ang iniisip ko ngayon. 

"Are you okay?" Tanong sakin ni Rosé. 

"Ah, yeah. sorry, I just got distracted." Sagot ko naman. 

Mula non, pinilit kong halos buong araw na kami magkasama ni Rosé. Hindi lang din dahil tinutulungan ko siya pero nag-eenjoy din talaga akong kasama siya. May pagka tahimik pero weird din pala katulad ko at may isa pang reason, ramdam ko ding hindi siya straight katulad ko. Pag tinitignan niya ko, nararamdaman kong may something. What do I know though kung ako nga sa sarili ko hindi naman din entirely out sa friends ko maliban nalang kay Seulgi. Siya lang ang may alam ng mga sikreto ko pero baka si Rosé na ang pangalawang makakaalam nito. 

Hindi ko na napansin na ang bilis rin palang lumipas ng oras. 10pm na. Kinabahan ako. Nag punta ka kaya sa dorm? Umuwi kana kaya? I've decided to text you just in case nalang din. Kasi hindi naman din ako gagong tao at may natitira pa rin naman akong konsensya kahit ayaw kitang makita muna sana. 

L: Pabalik palang ako ng dorm. Dumaan kaba? Ok lang kung nakauwi kana. Next time nalang sorry.

J: Ok lng, dito pa ko. andito rin naman si Jisoo. Kumain ka na ba?

L:Ok, sige lapit narin naman ako. 

J: Kumain kana?

L: Di pa.

J: May dala akong food. 

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka ngayon. 2 weeks mo akong iniwasan. Tapos ngayon iniintay mo ako sa dorm, gusto mong makipag usap sakin at may dala ka pa palang food. Parang gusto ko ring maiyak sa asar kasi parang pakiramdam ko hindi mo narerealize na pinapahirapan mo ako ng ganito. Kahit ba minsan hindi mo naramdamang gusto kita? Ayoko rin sanang sumbatan ka pero naiinis ako sayo pati narin sa sarili ko kasi kahit anong gawin ko, konting lambing mo lang sakin bumibigay ako agad. 

Parang pakiramdam ko alam mong hindi kita kayang tiisin. Pero ikaw, kayang kaya mo.Kasi tuwing nagkaka boyfriend ka nawawala ka ng parang bula tapos maaalala mo ako pag nasaktan kana. Paulit-ulit lang tayo. May point rin naman yung mga sinabi sakin ni Seulgi. Kailangan din siguro natin talaga mag usap para matapos na tong kalokohan ko sayo. 

Bago ko buksan ang pintuan papasok sa loob ng dorm,Huminga ako ng malalim. Balik nanaman ako sa mga katagang Whatever will be, will be. Pagbukas ko ng pintuan, nakita kitang nakaupo sa living room, at kasama mo si Jisoo. Mukhang nag one on one pa kayo dahil nakita ko ang pitchel ng juice sa lamesa at bote ng kwadro kantos. 

Gin Pomelo

750 ml of water
2 packs of powdered 
1liter pomelo juice
250 ml of gin
Crushed ice

Pour water in a pitcher. Add the two packs of powdered 1 litro pomelo juice and stir. Add gin and stir.

Add ice, pour in glass, and enjoy!

"O, ayan na iniintay mo. Pasok na ko sa loob ng kwarto.Mag usap na kayo jan." Sabi naman ni Jisoo habang pangisi-ngisi pang nakatingin sakin. 

May alam naba siya? Sinabi mo ba sakanya? Bat kayo umiinom? Break nanaman kayo ng bago mong boyfriend? Tumingin ka naman sakin. Hindi ko maexplain pero parang may iba lang sayo. 

"Kain kana. " Sabi mo sakin sabay hila at dinala mo ako sa kitchen.

Wow may dala ka ngang food. Shet sizzling tofu masarap to. 

"Mainit pa yan kanina kaso late kana umuwi eh." Sabi mo sakin. 

"Ah, ok lang. pero sana hindi kana nag dala. May food naman dito." Sabi ko naman sakanya. 

"Eh puro noodles kaya kinakain mo dito. Kaya ang payat payat mo eh. Hindi ka kumakain ng ayos." Sabi mo naman sakin wow hindi ako na inform nanay na pala kita ngayon.

"Sorry Ma, eto na kakain na po." Pabiro kong sinabi sayo at tumawa ka naman. 

"Sira." Maikli mo lang sinabi. 

Pero bakit ganun parang pakiramdam ko ang awkward mo. Naupo ka narin sa harap ko at pinanu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Sobrang thank you sa mga nagbasa ng fic na to! Grabe natapos din!!!!! *ugly cries*

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 107: ❤️
katrinaabing #2
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #3
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #4
Chapter 84: Gulo mo lisa. Manahimik ka nalang kasi kung di ka pa ready di yung papaasahin mo si baechu. Landi kasi masyado amp
katrinaabing #5
Chapter 54: Ang unfair lang for Jen honestly. Di naman niya alam na mahal siya ni lisa before. Yung ginawa ni lis and joohyun is ever more ed up kesa sa nagawa ni jen. Hay ewan puro sakit nalang nararamdaman ko :(
katrinaabing #6
Chapter 44: Ramdam ko galit mo seul. Kung ako sumapak pako kay lisa bago umalis :/ taena ni lisa, sobrang shallow ng love. Pano ka magkakagusto sa iba kung mahal mo si jen? Haha
katrinaabing #7
Chapter 39: Lisa landi mo pati si joohyun. Sabi mo love mo si jen pero may pa feels so wrong yet right ka pa jan :/
red230 #8
Chapter 44: I hate Lisa sobrang likot sa girls 😝
abbieR_052304
#9
2018 ko pa to binabasa abang every updates nag to 2021 nalang di parin ako maka move on dito kay babahasin ko ulit potaAaaaa
JFRTxJKLM
#10
Chapter 101: ang ganda lang ng chapter ng suelrene , im a jenlisa stan pero naiyak ako sa chapter nila 😭