Chapter 8

Unrequited
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 8

 

Ilang  linggo narin ang nakalipas mula nung huli tayong magkasama ng tayong  dalawa lang. Hindi ko narin sinubukang ayain ka dahil naisip kong baka  kailangan mo rin ng space dahil sa naging agreement natin. Hindi naman  agad agad biglang okay nalang tayo diba? Parang meron ding naging  cooling period kumbaga. Nagkakasama lang tayo kapag pare-pareho tayong  nasa parking lot kasama ng mga kaibigan natin. Napansin kong hindi ka  narin pala kwento pag dating sa boyfriend mo o kung kayo pa ba o kung  may bago ka ulit. 

Pag  napapagusapan ang ganung topic, umiiwas ka. Either ayaw mo lang pag  usapan o wala naman din talagang nangyayaring worth na maikwento sa mga  kaibigan natin. Usually kasi, sa akin ka nagsasabi. Pero since hindi  tayo ganon ka-okay, hindi ka nalang din nagkukwento. Naisip ko rin kung  kanino ka nag vevent ng frustrations mo sa buhay. Parang namiss ko rin  atang maging pader mo. Yun na rin kasi ang nakasanayan ko. 

Sa  mga linggong nakalipas, narealize ko din naman na hindi rin kailangan  lagi tayong magkasama. Siguro kaya rin ako lalong na-fall sayo noon kasi  bukod sa mga kaibigan natin, lahat ng free-time ko sayo nakalaan. Even  before pa tayo mag college ganun na tayo. We had each others back. Nag  bago lang naman yun dahil sakin dahil ako yung unang nakaramdam sating  dalawa. Oh well, nangyari na ang nangyari. Wala na kong ibang magagawa  pa kundi panindigan yung pinag usapan nating dalawa. 

"Lalim  ng iniisip ah." Panukso sakin ni Tzuyu. 

Madalas na kaming nagkakasama  lately. Ang dating hindi mo makikita kahit anino eh madalas naring  tambay dito sa parking lot. Hindi rin naman surprising na nag click sila  ng mga friends ko. Gusto rin nila si Tzuyu bukod sa magaling din mang  asar, parang lahat naman ng topic na pinag uusapan eh trip din niya.  

"Pagod lang. buti tapos na midterms. makakapag relax na ulit. Musta mid  terms nyo?" Tanong ko. 

"Okay lang naman.tapos narin.Tara na, kain na  tayo. Gutom na ko." Pag aya sakin ni Tzuyu. Papunta naman kami ng great  wall ng makasalubong namin si Jennie at ng kanyang boyfriend. Si Hanbin  parin pala.

Narealize  ko, marami nga talagang nagbago saming dalawa. Hindi na yung katulad  ng dati na magmamadali siyang puntahan ako sabay lingkis sa aking mga  braso at hihilain ako papuntang greatwall para lang bumili ng favorite  drink niya. Ngayon, para nalang kaming awkward acquaintances.Parehong  unsure kung anong dapat sabihin. Pero nginitian ko nlng siya at patuloy  nalang din naglakad paloob ng cafeteria kasama ni Tzuyu. 

Pakiramdam  ko pinipiga ang puso ko. Siguro nga once na masira na yung friendship,  mahirap ng ayusin pa ulit to. Kung maaayos man, hindi na katulad ng  dati. Gusto ko nalang umuwi at bumalik ng dorm para matulog maghapon  tutal wala na kong class after lunch. Nakakawalang gana ang araw na to.  

"Huy, ok ka lng ba?" Tanong sakin ni Tzuyu habang kumakain kami. 

"Ok  lang ako baliw." Sabi ko naman 

"Sus, nagtanong pa ko no? Alam ko naman  hindi ka okay." Sabi niya sakin. 

"Ok lang yun, dami pang babae jan.  Malay mo nasa harap mo lang pala." Sabi naman ni Tzuyu. Tumawa naman  ako. 

"So,  ano, sinasabi mo ikaw?" Patawa tawa kong tanong sakanya. tumawa naman  siya.

"wala kong sinasabi, ikaw may sabi niyan." Tawa niyang sagot. 

"Eh  sabi mo harap eh. Ikaw nasa harap ko eh." Sabi ko naman sakanya. 

"Di ka  lang marunong mag take ng hint." Sabi mo naman. 

Di narin ako umimik at  ganun lang kami nhanggang matapos kumain. Bumalik narin kami sa parking  lot after. Wala pa sila Seul baka nag mimidterm pa ang mga loka kaya ang  ending kami lang ni Tzuyu ang tumambay dun. 

"I  like you." Sabi sakin ni Tzuyu. 

"Ha?" Sabi ko naman pretending na hindi  ko narinig yung sinabi niya pero narinig ko naman. Hindi ko lang alam  kung anong irereact ko. 

"Gusto mo ulitin ko pa?" Tanong niya naman sakin  ng natatawa. 

"Hindi. narinig ko naman. Nagulat lang ako." Pag eexplain  ko. 

"Bakit?" Tanong niya. 

"Wala lang, hindi ko lang inexpect na mang  galing yan sayo. Bakit naman ako? Andami naman jan. Di ako worth it  gustuhin." Sabi ko naman sakanya. 

"Bakit ang arte mo? Gusto nga kita. Hindi ba pwede?" Tanong nya naman sakin. 

"Hindi  naman. wala kong sinabi na bawal." Natatawa kong sinabi. 

"Alam ko naman  hindi ka pa  over sa best friend mo. Wala naman sakin yun, gusto ko lang  malaman mo." Sabi niya sakin. 

"Nakakainis  ka." Sabi ko sakanya. 

"Ang cute mo bat ka ganyan bigla tuloy mo pa baka  kiligin nako." Tawang tawa kong sinabi sakanya. 

"Kita mo na edi tumawa  ka rin." Sabi niya sakin. 

"Di mo naman kailangan sabihin saking you like  me too. Wala naman akong hinihinging kapalit. I like being with you."  Sabi niya naman sakin. 

"Di ko alam kung kelan ko siya makakalimutan.  Pero since we're being honest here, Gusto din kita." Sabi ko sakanya. 

Which  is true. Gusto ko din si Tzuyu. Masarap siyang kasama, magkasundo kami,  at wala pa mang nangyayari saming dalawa, may sparks.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Sobrang thank you sa mga nagbasa ng fic na to! Grabe natapos din!!!!! *ugly cries*

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 107: ❤️
katrinaabing #2
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #3
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #4
Chapter 84: Gulo mo lisa. Manahimik ka nalang kasi kung di ka pa ready di yung papaasahin mo si baechu. Landi kasi masyado amp
katrinaabing #5
Chapter 54: Ang unfair lang for Jen honestly. Di naman niya alam na mahal siya ni lisa before. Yung ginawa ni lis and joohyun is ever more ed up kesa sa nagawa ni jen. Hay ewan puro sakit nalang nararamdaman ko :(
katrinaabing #6
Chapter 44: Ramdam ko galit mo seul. Kung ako sumapak pako kay lisa bago umalis :/ taena ni lisa, sobrang shallow ng love. Pano ka magkakagusto sa iba kung mahal mo si jen? Haha
katrinaabing #7
Chapter 39: Lisa landi mo pati si joohyun. Sabi mo love mo si jen pero may pa feels so wrong yet right ka pa jan :/
red230 #8
Chapter 44: I hate Lisa sobrang likot sa girls 😝
abbieR_052304
#9
2018 ko pa to binabasa abang every updates nag to 2021 nalang di parin ako maka move on dito kay babahasin ko ulit potaAaaaa
JFRTxJKLM
#10
Chapter 101: ang ganda lang ng chapter ng suelrene , im a jenlisa stan pero naiyak ako sa chapter nila 😭