When Bear Lets the Rabbit Go
UnrequitedWhen Bear Lets the Rabbit Go
Nakita ko sa mga mata mo ang lahat.—
Every laugh, every smile, even the way your eyes twinkle kapag kasama mo siya says everything sa kung anong meron kayong dalawa ngayon. I should know. That was how you used to look at me. At ngayon, ang mga mata mo, ang mga ngiti mo, ang puso mo, hindi na sa akin.
Inaamin ko naman, nagalit ako. Hanggang ngayon siguro, meron paring galit na natitira sakin. Hindi mo rin naman ako masisisi. Bigla nalang nawala ang lahat the moment the truth was out. Dala narin siguro ng matinding emosyon kung bakit pinili mo akong iwan. I said it first. I shouldn’t have. Sana pinakinggan kita. Sana pinakinggan ko ang mga paliwanag mo. Sana naniwala ako. Sana pinaniwalaan kita na sinubukan niyong kalimutan kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa.
Pero it’s a little too late para sa lahat ng yon. Hearts have been broken and words had been said. Nasaktan mo ako, at nasaktan din kita. That day when I said those things to you, dala narin ng galit at ng sama ng loob yun. Hindi narin siguro nakatulong na magdamag kitang inintay at inabutan ko pa kayong magkasama. Hindi ako makapag isip. Tuliro, wala sa ulirat at wala sa sarili.
Nung mga panahong yun, naisip ko lahat ng mali. Lahat ng mali sa mga mata ko, nagawa mo na. Nagawa niyo na. But I should have known better. I called you names, I can’t take it back. Binastos kita, hindi ko narin mababawi yun. Para sa isang taong pinangakuan ka ng pagmamahal,hindi ko dapat sinabi yun sayo. I should have known but much has been said.
Sa four months nating nagkahiwalay, marami akong napag isip isip. Galit parin naman ako. Pero hindi sayo. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang mapunta sa iba. Galit ako sa sarili ko dahil nagkulang ako. Galit ako sa sarili ko dahil nahanap mo sa iba ang wala ako. At lalong lalong galit ako sa sarili ko dahil naging bulag ako sa mga pagkukulang ko.
Masyado siguro akong naging kampante na hindi mo ako iiwan. Akala ko kasi okay tayo. Yun pala, maraming bagay ang hindi ko napansin sa apat na taon nating magkasamang dalawa.
Hindi ko narealize na, napapagod ka na palang intindihin ako. Hindi ko rin narealize na sobrang laki pala talaga ng pagkukulang ko sayo. Hindi ko narealize na sa ating dalawa, ikaw ang palaging umiintindi sa akin. Hindi ko narealize na naging matatag ka, para sating dalawa. Hindi ko narealize na sinasaktan na pala kita pero kahit minsan hindi ka nagreklamo. Hindi ko napansin na unti-unti ko palang pinapatay ang puso mo habang tumatagal katulad ng sinabi mo.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments