Joy To The World
UnrequitedJoy To The World
“Si Sungjae nanaman? Hindi parin ba sanay dito yan?” I asked Joy. She’s been dodging me for days nadin kasi after naming mag talo tungkol dito. “Wan, bago lang siya dito, I have to look out for him, wala pa siyang friends dito.” Sagot naman ni Joy. “Eh tang ina kasi Joyie naman, ilang taon naba yang kaibigan mo? I’m sure he can handle a few days alone. “Wan, please naman, wag mong simulan. Sabi ko naman sayo, babawi ako.” Sabi niya ng may halong irita.
“You said that two weeks ago Joy, tapos ngayon, hindi ka nanaman pwede because may Sungjae duties ka nanaman, tell me, pati diaper ba niya pinapalitan mo?” I asked. “Napaka petty mo alam mo? Pag sa mga kaibigan mo hindi kita pinapakielaman, Wan, wag ka namang unfair.” Sabi niya kasi sakin, childhood friend niya raw si Sungjae at minsan lang lumuwas ng Manila. Taga Davao kasi sila Joy talaga. Yung family niya, based don kaya siya lang ang nandito sa Manila. I was okay with it at first siyempre childhood friends sila at ngayon lang ulit nagkita after a long time pero nung nalaman kong mag s-stay na pala sa Manila si Sungjae permanently, that’s where things started to change between Joy and I.
“Wan, sasamahan ko si Sungjae sa ganto, sasamahan ko siya pumunta sa ganyan, hindi niya kasi alam yung ganto yung ganyan at kung ano ano pa. Napag isip-isip ko lang, lalaki naman si Sungjae, I’m sure, he can survive Manila dahil hindi naman siya mukhang tanga. But no, alagang Joy si gago. Nakalimutan atang may girlfriend siya.
Things were great samin ni Joy before dumating si Sungjae dito sa Manila. We’d go on dates, we spent most of our times together somewhere, never siya naging ganito kabusy kahit pa nga maraming ginagawa sa school before, she finds time for me, pero mula nung dumating tong hatdog na to, madalas na siyang hindi pwede.
Wendy: Ano ba kasing gagawin nyo ngayon at hindi ka nanaman pwede?
Joy: Need kasi bumili ni Jae ng bagong damit pamasok, sasamahan ko.
Wendy: Bakit? Hindi niya kaya bumili mag isa?
Joy: Wan.
Wendy: Nagpapasama ako sayo sa BIR ksi kukuha ako tin no tapos sasamahan mo yang sungjae na yan dahil di makabili ng damit magisa tang ina Joy.
Joy:Hindi niya pa kasi kabisado Manila. Baka mawala. Ano ba.
Wendy: Ano, walang grab? Walang load? Walang internet? GPS? Ano yan bata? Di kaya umuwi mag isa? Bahala ka na nga. Tangina aalis nalang ako mag isa.
Joy: Pupunta na ko jan.
Wendy: Don’t bother. Saksak mo san gala-ngala mo yang sungjae nay an magsama kayo.
I’ve had enough. Ayokong nakikipag hatian ng oras sa ibang tao. Lalo na yung alam kong girlfriend ako tapos priority ibang tao. Nakakainis lang. Hindi na ko mag titinder ulit. Nakakadala punyeta. May age limit kaya ang pag mamadre? Pumasok nalang kaya ako sa Pink Sisters? Bagay naman ata ang Sister Wannie at your service.
Wendy: Chu, magmamadre nalang ako
Jisoo: Lokohin mo lolo mo.
Wendy: :( walang nagmamahal sakin
Jisoo: Ano nanaman yan Wendy
Wendy: Si Joy, nagpapasama ako sa BIR, sasamahan nya dw si Sungjae bumili ng damit.
Jisoo: Pakyu kamo sya. Punta ka dito, inom nalang natin yan
Wendy:May gagawin kaba? Samahan mo muna ko BIR
Jisoo: Ge ge. W8 lang. paalam lang ako kay Roje
Wendy: Owki thank you.
Buti pa talaga tong mga kaibigan ko maaasahan pag dating sa mga ganitong bagay. Though, I wonder lately. Kung makakasama pa naming sila Lis. After grad kasi medyo awkward padin kahit na ayos na naman na lahat. Nakakamiss din kasi may mga plano kami before na mag oout of town after grad. Mukhang d naman nadin matutuloy after nung gulo nila Seul. Hay. Bakit ba kasi napaka komplikado magmahal.
Comments