Chapter 7
UnrequitedChapter 7
"Uy, thank you nga pala sa dinner ha. Hehe nag enjoy ako." Sabi ko sakanya.
"No problem, you can call me Chaeng." Sabi niya sakin at nagtaka naman ako.
Ibang iba sa pangalan niya at napansin niya din.
"People that are close to me call me Chaeng and I consider you one of those people na." Pag eexplain mo naman.
"Ok, Chaeng. Cute ng name mo." Sabi ko naman habang patawa tawa.
"Wala naman akong secret name so Lisa parin. Well, Lalisa talaga, pero Lisa para mas cute." Joke ko naman sakanya at tumawa naman siya.
"Yeah, cute nga." Sagot niya sa akin at nahihiya pa siya.
Bukod sa pagiging mahiyain, mabilis rin siyang mamula kaya obvious na nag ba-blush siya. Hinatid niya ako pabalik sa dorm ko dahil siya ang may dalang sasakyan. Feeling ko naman princesa ako nung mga oras na iyon. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan buong time na nag drive siya hanggang sa makarating na kami sa dorm.
"So this is me." Sabi ko ng natatawa.
"Thank you talaga ulit ha. Nabusog ako." Sabi ko naman and without holding back, bigla siyang nag lean forward sa akin at hinalikan ako.
Naramdaman ko ang magkahalong kaba at gulat sa mga nangyari. Hindi ko inexpect.
"I've always wanted to do that." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Nagulat ako at napahawak sa'king mga labi. Tangina naman kasi aside from not seeing things through, hindi ko rin alam ang sasabihin ko after non.
Tumawa ako. Parang defense mechanism narin to lighten the mood. Pero sa kabila ng lahat, wala akong naramdamang spark at mukhang ganon din siya. Natawa nalang din ang gaga.
"I think we're better off as friends." Sabi niya naman at nakahinga ako ng maluwag.
"True that my friend." Sabi ko at tumawa nalang kaming dalawa na parang walang nangyari.
Nakaramdam na ba kayo ng ganun? Yung gandang ganda ka sa isang tao pero pag dating sa feelings hindi ka naman ganun ka-invested? Turns out, inadmire mo lang ang beauty niya. Ganun kami ni Chaeng. Hanggang admiration lang. Mabuti nalang at the feeling is mutual. Pero malambot. Hehe. Ang lambot lips niya.
Pagpasok ko ng dorm,inabutan ko naman si Jisoo na gumagawa ng project niya.
"Musta date mo lililandita?" Pang aasar ni Jisoo.
"Okay lang. Kiniss niya ko." Sabi ko naman at nanlaki ang mata nya.
"Tangina mo landi mo talaga. Agad agad?" Sabi niya.
"Tanga, oo kiniss niya nga ko pero walang spark. Kaya friends lang kami." Pag eexplain ko naman.
"Tang inang spark yan, silaban kita para mag spark ka gusto mo? Landi!" Pagsabi ni Jisoo at tumawa ng malakas.
"Kung malaman siguro ni Jennie yan mag fefreak out yon." Sabi ni Jisoo.
"Di niya malalaman kung hindi mo sasabihin saka isa pa,friends lang naman din kami ni Jennie." Sabi ko.
"Oo friends, lokohin mo sarili mo Manoban mga pautot niyo ni Jennie. Tama si Joohyun e, may masasaktan at masasaktan diyan." Seryosong sinabi ni Jisoo.
"Aba teka e bakit parang mas alam niyo pa kung anong nakakabuti samin ni Jennie? Kayo ba best friend?" Naiinis kong sinabi.
Kasi mula kanina pa sa parking ako kinokontra ng mga to.
"Sinasabi lang naman namin sayo kung anong na foforesee naming mangyayari,syempre pareho namin kayong kaibigan, ayaw namin na bandang huli, magkagulo kayong dalawa dahil jan." Pag eexplain naman ni Jisoo.
"May point naman kayo eh. Hindi ko itatanggi yon, kaso wala na akong ibang maisip na way para makabalik kami sa dati kundi subukan maging friends ulit like before bago pa mangyari yung samin. Atleast lang ngayon, alam niyang gusto ko siya. Kumbaga, the cat is out of the bag na."
"Pero ako sa sarili ko, ayaw kong magtake ng risk kasi ayaw ko rin siyang mawala sakin dahil pinilit ko ang gusto ko" pag eexplain ko.
"Hindi mo rin ba naiisip though na pwede siyang mawala sayo either way?" Pag tatanong ni Jisoo. Hindi narin ako sumagot pa. Kasi hindi ko narin alam kung anong isasagot ko.
Lahat nalang sila may opinion sa mga decisyon ko. Tama,mali,dapat,hindi dapat. Ayoko nalang munang mag isip. Kasi naman sa dinami dami ng pwedeng gustohin, bakit ikaw pa?
Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko. Nahirapan akong makatulog kakaisip sayo. Nung sinabi mo saking naguguluhan ka, ano kayang nasa isip mo nung mga oras na yon? Yung ilang taon nating friendship, yung mga memories na meron tayo, minsan mo narin ba akong tinignan katulad ng pag tingin ko sayo o nabago nalang lahat ever since that day na we shared a kiss? All I can say is that, it was long and passionate. Gaya nga nung sinabi ko before, nung mga oras na yon, pakiramdam ko, gusto mo rin ako. Was it a spur of the moment?
Ang problema kasi dito mag best friends tayo. Ikaw dapat yung sinasabihan ko pag dating sa mga bagay na to. Like kung kanino ako interesado, kung sino crush ko o kung may problema ba ako, kaso pano ko naman gagawin yun kung sayo ako interesado diba? Tapos all hell breaks loose when I crossed the line. -- When we crossed that friendship line. Naramdaman ko nalang na iba yung satin.
Nung highschool naman kasi tayo, although nagkaroon din ako ng ibang kaibigan aside from you, it was never like you and me. Pag tayo kasi, may sarili tayong mundo. Kahit minsan gusto kitang sabunutan sa sobrang pagka moody mo, yung feeling lang kapag ikaw ang kasama ko, iba. Ganun din kaya ang nafeefeel mo sakin?
Tapos ngayon parang dahil lang dun sa kiss, parang ang hirap makabalik sa dati pag dating sayo. Nag kiss din naman kami ni Chaeng. Pero iba nga. walang spark. Walang anything at pareho pa naming narealize na wala kaming mararating sa ginawa namin. Kumbaga, Parang fondness lang siguro yun or quick infatuation. Cute naman talaga kasi siya kaso wala eh. Wala akong naramdaman butterflies.
Hindi katulad mo. Nung nagkamoment tayong dalawa, parang ayaw
Comments