Black Butterflies and Déjà Vu

Please Subscribe to read further chapters

Description

Because I never thought I'd ever be able to find the right words to say—

 

Foreword

Naiinis ako. 

 

Pakiramdam ko, wala akong magawa sa tuwing papasok ka sa isip ko. Ikaw na may kakayahang magpaikot, magpatigil at sumira ng daigdig ko. You’ve always had this power over me, leaving me weak and armorless. Sa Tuwing ibabaling mo ang mga tingin mo sa akin, hindi ko mapigilang isipin kung nararamdaman mo din ba ang nararamdaman ko. Kung ilang beses mo narin ba kayang naisigaw sa isip mong gusto mo din ako. Kung naninikip din ba ang dibdib mo sa tuwing maririning mo ang pangalan mo mula sa ‘king mga labi. Kung ayaw mo narin bang bumitaw sa tuwing  yayakapin mo ako, Kasi ako, naramdaman ko. 

 

Hyun, gusto kita. Gustong gusto kita.

 

Hindi ko makalimutan ang mga gabing ikaw ang laman ng isip ko. Halos masira ang ulo ko sa kakaisip ng what if’s and instances na baka the feeling is mutual. Kaso mangilang beses ko naring dinala hanggang sa pag tulog na impossible. Alam mo yun? Kasi may mga Ilang beses mo na ring ipinaramdam saking hindi tayo hihigit pa sa pagiging magkaibigan. Ano pa nga bang magagawa kundi huminga ng malalim, ipikit ang aking mga mata at kalimutan ang nararamdaman ko kahit man lang sa pagtulog. 

 

Pakiramdam ko para kang bituwin sa langit. Maganda, kumikinang sa madilim na gabi at mahirap abutin. Sa tuwing magkasaa tayo, pakiramdam ko, hindi talaga ako paborito ng tadhana at pinaparusahan ako sa kung ano mang nagawa ko nung nakaraang buhay ko. Minsan iniisip ko din, kung nakilala na ba kita noon at kung Ganito din ba ang sinapit ng past life ko. Ang lungkot puta. Pero that’s the typical over thinker in me. 

 

Mangilang beses ko narin muntik sabihin sayong gusto kita. Pero sa tuwing susubukan ko, parang nanghihina ang mga tuhod ko at nauubusan ako ng hangin sa katawan. Pakiramdam ko, nawawala ako sa ulirat at hindi ko alam kung paano bigla sisimulan. Mangilang beses ko naring prinactice sa harap ng salamin ang hitsura ko sa tuwing babalakin kong umamin sa’yo.

 

Kung seryoso ba, kung ngingiti ba ako o kung dadaanin ko sa biro para hindi masyadong Masakit kung sakaling sabihin mong hindi mo ako gusto. Nakakaloko din kasi ang pagkakataon sa tuwing muntik muntik ko ng sabihin, parang nakakaramdam ka din at bigla mong ipag didiinan kung gaano mo vinavalue ang pagkakaibigan natin. 

 

Parang nababasa mo ang nasa isip ko at isinasagot mo sa’king hindi pwede. 

 

Wag Seulgi, wag—

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet