Unrequited *SPECIAL CHAPTER*
UnrequitedUNREQUITED
SPECIAL CHAPTER
Una sa lahat, hindi mo rin talaga masasabi kung kayo talaga ng taong mahal mo hanggang sa huli. All you can do is to keep loving them however long you can. Kasi ganun naman talaga diba? Walang permanente sa mundong ginagalawan natin. Walang nananatili habang buhay at walang kasiguraduhan ang mga bagay bagay na mayroon tayo ngayon.
Pwedeng ngayon, nasayo pa. Bukas pag gising mo, sa isang iglap, wala na ang lahat. Nagbago na ang lahat, Wala na siya sayo ng hindi mo napapansin, at hindi rin niya Nakita ang halaga mo. Bandang huli, magsisisi tayo. Doon pumapasok ang what ifs. Kung saan ka nag kulang, saan ka nagkamali, saan ka dapat nag pursigi at kung anong tama na dapat sana ginawa mo.
Magkakaroon tayo ng kanya kanyang doubts, kanya kanyang paraan how to heal and mend a broken heart, paano makakalimot, paano magsisimula at paano mag move on ng wala na sila sa atin. Ganun lang siguro talaga eh. Circle of life.
Hindi mo rin talaga masasabi who you’ll really end up with. Hindi mo masasabi kung talagang kayo in the end. Sa dinami-rami ng dumaang pagsubok samin ni Jen, sobrang dami kong natutunan, sobrang dami kong pinag sisihan at sobrang dami kong mga bagay na sana I could have dealt with better than I did before.
Pero gaya nga ng sinabi ko, ganun nga siguro talaga. Hindi mo naman din talaga agada gad marerealize ang mga pagkakamali mo kung hindi magkaka problema. Parang makina lang. Hindi mo malalaman ang defect kung hindi mo gagamitin. Hindi mo alam kung ano ang aayusin kung hindi mo naman makikita ang sira.
Parang tao din. Wala naman talagang ginawang perpekto. Lahat tayo may kanya-kanyang opinion sa mga bagay-bagay depende sa pinagdaanan at naranasan natin. May mga makakaintindi, may magagalit, at mayroon ding walang pakielam dahil hindi pa naman din talaga nila alam kung papaano ang gagawin.
At the end of the day, tayo lang din naman ang makakakilala sa mga sarili natin. Parang ako, sa dinami-rami ng kaputa-putahang pinag gagagawa ko sa buhay ko noong mga nakaraang taon, nagtataka parin ako kung bakit ngayon, pakiramdam ko, buong buo ako. Kahit na ilang beses akong bumigay, ilang beses nagkamali, ilang beses gumawa ng katarantaduhan, pakiramdam ko, nabuo ulit ako. Pero hindi dahil sakanya.
No, not because of Jennie. Kasi, hindi naman talaga isang tao ang may kakayahang bumuo sayo kundi ang sarili mo. Or maybe buo naman talaga ako all these times. Nawala lang sa sarili. Hindi ko rin alam kung sino ang pasimuno ng mga katagang kulang ako kapag wala ka. Sino ba kasi ang putang inang nagpasimuno non? Andami na tuloy gumamit.
Minsan pinagsisimulan pa ng away at sumbatan dahil pilit nating hinahanap sa iba ang sa tingin nating kulang o wala sa atin. Kahit naman buo tayo. Physically. Siguro it’s all a state of mind o kaya state of heart. Yung pakiramdam na hindi ka mapakali kasi wala yung mahal mo, hindi kayo, o di kaya mayroon siyang iba. Yung hindi ka halos maka kain kakaisip sakanya, hindi ka makatulog dahil ang utak mo, walang pahinga sa pagtakbo at pag iisip. Hanggang sa unt
Comments