Chapter 22
UnrequitedChapter 22
Nagumpisa na kaming mag intern ni Jennie. Nung makita naming pareho yung schedules naming, hindi ko maiwasang medyo malungkot. Sobrang magkaiba kasi kami ng schedule. 7am to 4pm yung schedule niya sa CCP from Mondays thru Thursdays. Ako naman, 11am to 8pm from Mondays thru Thursdays. Friday lang yung parehong day natin na nasa school. You’re probably wondering kung bakit ganun yung schedule ko.
It’s an entertainment/broadcasting company. Maraming pangyayari unlike sa CCP na wala namang ganap everyday unless meron talagang event. Most of the time, sa loob lang din naman kayo ng office. Naiinis parin ako, sana dun nalang ako nag apply.
Habang kami, feeling doctors. On call palagi lalo na kapag kulang sa production staff sa isang shoot. We, as interns are usually the ones na pinaka kawawa sa field na to. Kami kasi palagi ang nauutusan and you have to do it para maalala ka ng superior mo. Important kasi ang recommendation at review nila sayo. Dun kasi nakadepend kung papasa ka o hinde.
Importante ding hindi ka materminate sa trabaho. That means no absents, no lates and definitely no overbreaks. Sobrang higpit talaga. Buti nalang din may allowance namang binibigay kahit papano. 3 months lang naman to. Yun nalang yung inisip ko. Ano ba naman kasi yung 3 months mong titiisin para maka graduate. After ng lahat ng to, tapos na.
Konting tiis nalang gagraduate na ako. Although nakakalungkot din namang isipin na hindi narin siguro magiging ganun ka often yung meet ups namin nila Seulgi. We always hung out at the parking lot kung san sobrang daming ng nangyari. Drama, chismis, at kung ano-ano pang kalokohan. After naming grumaduate, syempre wala na kaming rason para tumambay pa dun. Kamusta naman mga itsura namin. Working ladies na sabay ang tambayan sa parking lot parin ng school kung san kami grumaduate? Muntanga lang diba?
Anyways, ayun na nga. Magkahiwalay tayo ng pinag iinternan. Hindi tayo masyadong nakakapag kita. Medyo nabawasan narin yung pag stay mo sa dorm ko. Ang reason mo, minsan pagod ka na rin or lalabas kayo ng mga fellow ka-ojt mo. Ok lang din naman, masaya akong nagkakaron ka rin ng kasundo dun. Isa kasi sa mga issue mo before yan. Ang makipag kaibigan sa ibang tao. Ang sungit mo naman kasi talaga.
Medyo kinakabahan din kasi hindi tayo magkasama. What if may magka gusto sayo? Which I’m sure, mangyayari talaga. Kahit san ka naman magpunta, meron at meron kang admirers. Although, hindi na ako masyado nagpapakain sa selos. Wala kasi akong mapapala, masstress pako. Paulit-ulit mo lang din naman sasabihin sakin na I have nothing to worry about. At malamang, tama ka. Praning lang din talaga ako.
Hindi parin nawawala sa picture si Mino as much as gusto ko nalang sana siyang matamaan ng kidlat somewhere para matapos na. Ang kulit talaga ng lalaking yun but I managed to tolerate his existence habang tumatagal kahit pa inis ako, naiintindihan ko ang situation mo. Gusto kong malaman mo na naiintindihan ko at hindi mo yun kailangan itago sakin.
Hindi ako masaya siyempre. Sino ba namang magiging masaya sa gantong set up. May girlfriend ka tapos may manliligaw ka at the same time. Hindi mo mapigilan dahil mesa abnormal yung manliligaw mo na pilit kang pinupursuade na maging kayo dahil he has something against you na alam mong hindi ka pa ready i-admit sa parents mo. Nakakabaliw but I guess this is what I signed up for nung mag decision akong mahalin ka. I have to understand. I have to be the bigger person for the sake of our relationship. Ayokong dumagdag sa problema mo kasi gusto ko ako yung nagpapasaya sayo.
Everytime hindi tayo magkasama, nabubuhay nalang tayong dalawa thru messenger. Madalas pa, hindi rin ako nakakareply agad. Sobrang higpit naman kasi ng mga bakla sa management na to. Bawal mag phone habang nasa shoot. Understandable naman din kasi baka nga naman may kumuha ng pictures at i-spoil ang projects sa public without authorization lalo na kapag heavily funded to ng mga sponsors.
May mga times na hindi mo ko rereplyan kapag nagkaron na ko ng time mag text. Sinusumpong ka din kasi ng topak mo at gusting gusto mo yung susuyuin pa kita. Kasalanan ko din eh, sinanay ko kasing ganun ako sayo kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo. It’s probably your way to get my attention and it works all the time. Kahit minsan medyo nakakapagod din, pero dahil mahal kita, okay lang.
Being in a relationship with you, I’ve realized a lot of things. I’ve realized na pwede din pala ko mabaliw sa kakaisip kung hanggang san tayo. Kung magsasawa kaba sakin, kung may magbabago ba, hindi ko rin inexpect na magkaron ng random outbursts when it comes to you. Parang pakiramdam ko minsan, hindi ko rin macontrol ang sarili ko. Believe me, hindi ako proud sa mga instances where I’ve dealt with things poorly. Yung kay Hanbin before, I never really thought na kaya kong gawin yun with anyone. Pero when it involved you, I couldn’t control myself. I feel na andami kong kaagaw sayo. Andaming hindrances and ang daming problems. Hanggang ngayon naman eh. Pero the difference is, mas naging tolerant ako.
Healthy ba yon? I don’t know. Pero I didn’t want to cause or start trouble nang hindi natin muna pinapag usapan. Mahilig ako mag assume. Dun ko narealize na talagang nakakamatay ang word na yun. Sa sobrang pag assume kasi, nandun yung mag eexpect ka, mag iisip ka ng mga bagay na wala naman talagang meaning, mag buibuild up yung insecurities mo, mapapansin mo yung mga pagkukulang mo, if you’re lacking and if you’re not doing enough para sa tao, lahat na.
Kaya I tried my best to control my emotions. Like I’ve said before, mas naging tolerant ako. Ang hirap nito Jennie. Sobrang hirap. Pero lagi ko ngang iniisip na worth it din naman siguro lahat to. Alam ko d
Comments