Chapter 58

Unrequited
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 58

 

First time ko nadala dito sila Jisoo. Dati kasi, halos every summer, madalas kami ni Jennie dito. Bukod sa tahimik, it’s like we have our own little world here back then. Naalala ko, dumating kami sa point na para kaming cast away members dahil wala si Kuya Mon para mag asikaso sa amin. That time, naalala ko nagkasakit ang anak niyang si Yeri kaya kinailangan niyang umuwi muna sakanila.

 

It was one of those times na hindi ko makakalimutan. Because back then, it was just her and I. Kahit naman hindi maganda yung nangyari samin recently, we had so many great memories. One of the many eh dito sa Batangas. Mga highschool kami noon when our section planned a summer outing. At dahil samin ang pinaka available na beach at that time, dito naisip ng mga classmates ko na magpunta.

 

Pero, that actually didn’t go as planned kasi out of 22 students sa section namin, 4 lang ang natuloy magpunta, the rest, nagsi backoutan dahil hindi pinayagan ng parents. Dahil ayaw naman namin na hindi matuloy yung outing, pinush through padin namin kahit apat lang kami. Imagine, sobrang daming pagkain ang hinanda ni Kuya Mon  tapos apat lang naman kaming nagpunta haha tangina din eh.

 

Ang kasama lang ng time na yun eh yung classmate naming mag jowa na si Solar at Moonbyul. Asan na kaya ang dalawang yun ngayon? Sila parin kaya? Wala narin kasi akong communication sakanila ever since mag college kami. Hindi kasi uso ang facebook sa dalawang yun. Most of the time may sarili silang mundo.

 

Ano kayang sasabihin nila pag nalaman ng mga yun na naging kami ni Jennie? Na pareho pala kaming mahilig sa mani after all these time. Balik sa outing namin noon, apat lang kami ang natuloy pero that didn’t stop us from having fun. Naalala ko, may dalawang litrong emperador na dala si Byul nung time na yun, sinama pa namin sa inuman ang driver nila na si Kuya Henry at ang caretaker naming si Kuya Mon para lang marami kami.

 

Buti nalang hindi KJ si Kuya Mon at hindi kami sinumbong kay lola at sa mga magulang ko dahil kung nagkataon, mayayari din siya dahil nakipag inuman din siya sa amin. Hehe.Nung lahat kami may tama na, umalis narin sila Kuya Mon at ang driver nila Byul eh natulog na sa sasakyan.

 

Merong private pool dito sa beach na exclusive lang kapag may homeowners party kaya madalas, may harang dun at may sign na no entry. Pero dahil mga lasing na kami, parepareho kaming walang pakielam kaya tahimik kaming pumasok sa private area para mag swimming. 40k ang reservation sa pool na to kaya pigil ang tawa naming apat nung mag tampisaw kami ng tahimik sa pool. Yung tipong pati yung pag langoy namin, wala ring tunog para hindi mahuli.

 

Si Solar, naka piggy back kay Byul habang si Jennie naman sa akin. Naalala ko pa kung pano ako kinabahan nung time na yun kasi unti unti, parang nag weawear off narin ang pagka tipsy ko. Hindi ko alam kung dahil sa tubig ba o dahil kay Jennie. Baka pareho. Naalala ko kung pano ako tignan ni Solar non. She was smirking subtly at me the whole time. Baka nafeel niya rin na type ko na si Jennie nung mga panahon na yon.

 

Naunang umahon samin sila Byul non habang kami n Jennie naiwan pa. Dun kami sa gilid ng pool nagsumiksik para hindi kami mahuli. Yun siguro ynug first intimate moment namin dalawa. Kasi from the piggy back, lumipat siya sa harapan ko and took my hand to wrap around her waist whilst underwater. Tangina kung alam niyo lang kung anong kaba ko nun. Platonic bestfriends pero ako, secretly lusting.

 

“Dun tayo sa malalim Li dali!” Bulong niya sakin. “Nini, hindi mo na abot dun ano kaba.” Sabi ko naman sakanya. “Eh sira ka pala no, we aren’t swimmers for nothing, saka d naman ako lulubog dun.” Sabi niya naman sabay harap sakin as she wrapped her legs around my waist. “Tara dali!” Sabi niya sabay kagat sa pisngi ko. “Alam mo, di ka tao. Bakit ka nangangagat!” Sabi ko naman sakanya sabay tawa siya.

 

God knows how much I wanted to kiss her that time. It took my entire will power not to do so. If I knew back then kung ano yung mga nalalaman ko ngayon, sana pala ginawa ko na dati pa. I should have done it noon pa. But I guess things did happen for a reason. I wondered though kung magiging okay pa kami because Jennie played a huge role in my life. My world revolved around her kaya naman it’s a little weird not really having her around like before.

 

I guess I feel this way because I never really looked at anyone else. Not until now, because now, I have Joohyun. I should stop clinging sa past if I want to keep moving forward. I didn’t want to go back to the old miserable me in between beautiful memories. I just hope someday, matutunan ko din kung pano siya kalimutan ng buong buo.  

 

 

Mga ala una nadin kami ng hapon finally pumunta sa beach. SI Kuya Mon ang nag ayos ng pwesto namin dito dahil meron din namang inuman na magaganap. Pinakita ko kela Wannie kung anong pwede gawin dito sa beach since may iba’t ibang facilities dito that they are free to use.

 

“Ay Lisa, si Chahee nga pala, sorry di ko napakilala kanina, sobrang gutom lang talaga kami.” Sabi naman ni Chaeng. Di na ko nagulat dahil palagi naman gutom ang babaeng yun. Meant to be talaga sila ni Jisoo. “Di na surprising.” Sabi ko naman ng natatawa. “Hi Chahee nice to meet you!” Pag bati ko kay Chahee and she gave me a small smile.  Anong problema nito? Moody? “Hi” Sabi niya naman as if hindi niya feel yung introduction.

 

“Um okay, enjoy lang kayo. Marami naman pwedeng gawin dito.” Sabi ko namang and she nodded. Weird. “Mahal, di ako marunong mag swim talaga.” Sabi ni Joohyun while poking me on the side. “Kasama mo naman ako, di naman kita lulunurin.” Sabi ko naman sakanya sabay tawa. “Bwisit ka.” Sabi niya naman sakin. “Joke lang mahal, dun lang tayo sa mababaw. Di kita dadalhin sa malalim.” Sabi ko naman. “Pwede bang ankle level lang?” Nakipag negotiate pa ang gaga. “Mahal, tirik na tirik yung araw, gusto mong masunog balat mo? Ankle level, mamayang gabi nalang tayo mag swim  gusto mo? Babysit nalang natin sila.” Sabi ko naman at ngumiti siya sakin. “Thank you mahal.” Sabi nya sabay kiss sa cheek ko. “Mahal, siguro 50 years old kana. Ang KJ mo.” Sabi ko ng patawa tawa sakanya. “Mas kj kapa kay kuya mon.” Sabi ko naman.

 

“Di kasi ako marunong lumangoy, nung bata kasi ako, tinapon ako ni daddy sa pool, kasi gusto daw niya ko matuto lumangoy, ang ending hindi ako lumutang, nag panic silang lahat kasi nalulunod na pala ako. Yun, after nun, nagka phobia na ko sa tubig.” Sabi niya naman. “Hindi naman kita itatapon sa dagat mahal, promise. Saka bat ka pumayag mamayang gabi nalang mag swim kung takot ka?” Tanong ko sakanya.

 

“Nahihiya kasi ako, andito pa silang lahat.” Sabi niya naman. “We have to start somewhere right?” Sabi ko naman at tumango ka. “Pero sige maya mayang konti nalang talaga, sobrang init pala, dito nalang muna tayo.” Sabi ko naman.

 

“Joyie puta ka lulunirin na talaga kita isa pa!”  Pag sigaw ni Wannie kay Joy. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang to, kanina pa sila parang aso’t pusa. Tapos maya maya sobrang sweet na nila ulit. “Yaan mo lang yang dalawa, ganyan talaga sila friend.” Sabi naman ni Jisoo.

 

“Pwede gamitin yung jetski lis?” Tanong ni Chaeng. “Ah, oo. Kunin niyo yung key dun sa information pagka log niyo ng names niyo.” Sabi ko naman. “Whooo! Thank you! Baby, let’s go!” Sabi ni Chaeng kay Jisoo habang hila hila niya ang girlfriend niya leaving me with Joohyun and Chahee.

 

“Chahee, san ka pala nag aral? Di kita nakikita s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Sobrang thank you sa mga nagbasa ng fic na to! Grabe natapos din!!!!! *ugly cries*

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 107: ❤️
katrinaabing #2
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #3
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #4
Chapter 84: Gulo mo lisa. Manahimik ka nalang kasi kung di ka pa ready di yung papaasahin mo si baechu. Landi kasi masyado amp
katrinaabing #5
Chapter 54: Ang unfair lang for Jen honestly. Di naman niya alam na mahal siya ni lisa before. Yung ginawa ni lis and joohyun is ever more ed up kesa sa nagawa ni jen. Hay ewan puro sakit nalang nararamdaman ko :(
katrinaabing #6
Chapter 44: Ramdam ko galit mo seul. Kung ako sumapak pako kay lisa bago umalis :/ taena ni lisa, sobrang shallow ng love. Pano ka magkakagusto sa iba kung mahal mo si jen? Haha
katrinaabing #7
Chapter 39: Lisa landi mo pati si joohyun. Sabi mo love mo si jen pero may pa feels so wrong yet right ka pa jan :/
red230 #8
Chapter 44: I hate Lisa sobrang likot sa girls 😝
abbieR_052304
#9
2018 ko pa to binabasa abang every updates nag to 2021 nalang di parin ako maka move on dito kay babahasin ko ulit potaAaaaa
JFRTxJKLM
#10
Chapter 101: ang ganda lang ng chapter ng suelrene , im a jenlisa stan pero naiyak ako sa chapter nila 😭