Chapter 2

Unrequited
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 2




Pag  dating natin sa dorm, agad kang pumasok  sa kwarto ko. Actually, condo  type itong dorm na to at roommate ko si Jisoo. Meron kaming shared  bathroom, living room at kitchen pero magkahiwalay kami ng room. Mabuti  narin yon para naman kahit papano, may privacy parin kami bilang  individuals. Ang sabi ko, bibili lang tayo ng milk ice-cream pero as it turns out, bumili ka rin ng pagka rami-raming pagkain. May balak ka atang mag camping sa dorm ko. Hindi ko ito gusto kasi ibig sabihin non,  mas matagal kitang makakasama at mas matagal akong magtitiis sa nararamdaman ko para sayo.

Nilagay ko muna ang ice-cream na binili natin sa ref. Mainit din kasi sa labas  baka tunaw na. At the same time, inayos ko narin ang mga binili nating  pagkain at sumunod sayo sa kwarto. nakahiga ka lang at tila walang imik.  Hinayaan nalang din kita baka kasi ayaw mo rin ng kausap. Baka tarayan  mo lang ako. Umupo ako sa may dulo ng kama at sumandal sa ding-ding  habang kinalikot ko naman ang phone ko at nagsimulang maglaro nalang. 

"Ginagawa  mo?" Tanong mo sakin. 

"laro lang." Sagot ko sayo. 

"mamaya na yan,  tabihan mo muna ko dito." Sabi mo sakin. 

 Alam mo ba yang  sinasabi mo? Oo, normal naman talaga sa magkakaibigan yung mga gantong  moments. Magkatabi, naguusap, comfort-comfort. Pero para sakin, mula nung narealize kong gusto pala kita, hindi na ako comfortable sa mga  simpleng bagay katulad ng sinasabi mong gawin ko ngayon.

"Wait  lang, matatapos na to." Sabi ko sayo habang pinipilit kong kalmahin ang sarili ko pero sa mga saglit na yon, kinuha mo ang phone ko sa  kamay ko. 

"Mamaya na kasi yan. lika muna dito damayan mo ako." Sabi mo  sakin habang hila-hila mo ako pahiga sa kama. Hindi ko masukat ang  nararamdaman ko noong mga oras na 'yon. Parang sasabog ang dibdib ko.

"Clingy  mo." Sabi ko sayo. 

"Dali na." Sabi mo at finally, magkatabi narin tayo.  

Hindi ka na nag salita after nun. Tahimik lang din ako kasi baka pag  nagsalita ako, marinig mo sa boses ko ang kaba ako. Ang bilis  ng tibok ng puso ko. Yakap yakap mo pa ako. Nararamdaman mo ba?  Pakiramdam ko kasi mamamatay na ako. 

"Lili,  sa tingin mo, kelan kaya ako makakahanap ng matinong lalaki?" Tanong mo  sakin. 

Nilapit mo lang pala ako sayo para may makausap ka tungkol sa  mga lalaki sa buhay mo. pwede naman natin tong gawin ng nakaupo ako at  yun na sana ang gagawin ko. Kaso ayaw mo akong bitawan. 

"Wag ka kasi mag  madali. Maganda ka, dadating din yung para sayo. Yung mas deserve  mo. Kung kani-kanino mo kasi binibigay yang puso mo." Sabi ko sayo. 

Yun naman talaga ang totoo.

Sasabihin  ko sana na sa akin mo nalang ibigay para hindi ka laging nasasaktan  pero syempre hindi ko yun kayang sabihin sayo sa takot kong baka iwasan  mo ako. So wag nalang. 

"Hindi naman ako nagmamadali, siguro mabilis lang  din talaga ako ma-fall." Sabi mo. 

"Edi wag kang ma-fall. Pag may  nagpakita ng intentions, wag mo nalang munang entertainin. Mahalin mo  muna sarili mo bago ibang tao kasi. Pahalagahan mo yang worth mo." Sabi  ko sakanya. Seryoso naman yun. Hindi ko alam kung bakit sobrang tanga mo.  Matalino ka naman.

"Edi  sayo ko nalang pala ibibigay yung heart ko. Aalagaan mo naman ako  diba?" Sabi mo sakin. 

Tang ina gusto ko ng mag-laslas. Pinapahirapan mo  ako. Yung mga biro mong ganyan sobrang laki ng effect sakin. 

"Inamo  Jennie. Tigilan mo nga ko." Sabi ko sayo at tumawa ka naman. 

"Oh tumawa  kana, okay kana? Uwi kana."  Sabi ko sayo. 

"Naman to. Di mabiro." Sabi  mo sakin. 

"Kala ko ba heartbroken ka? Nakakapag joke kana eh. Balik  nalang tayo school diba may banda." Sabi ko sayo. 

Pakiramdam ko kasi mas  safe tayo dun kasi may ibang tao. Alam ko ako rin nag sabi sayo na umalis tayo dun dahil yung boyfriend mong gago may kasamang ibang babae.

Pero  hindi ko rin kaya tong ginagawa mo sakin. Baka bigla ko nalang sabihing  gusto kita kung pagpapatuloy mo yang ganyang laro mo. Pag nangyari yun,  tapos na. Tapos ang friendship nating dalawa at pakiramdam ko nalalapit na rin ang mga oras na 'yon. Konting time pa. Isip ko sa sarili ko.  Ano kayang sasabihin mo pag inamin ko na sayong gusto kita? Tatawa ka  kaya? Malilito? Magagalit? 

"Ayoko, dito nalang tayo." Sabi mo sakin. 

"Eh ang boring naman wala tayong gagawin dito eh, ano bang gagawin mo dito  mag mumukmok?" Tanong ko sayo. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Sobrang thank you sa mga nagbasa ng fic na to! Grabe natapos din!!!!! *ugly cries*

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 107: ❤️
katrinaabing #2
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #3
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #4
Chapter 84: Gulo mo lisa. Manahimik ka nalang kasi kung di ka pa ready di yung papaasahin mo si baechu. Landi kasi masyado amp
katrinaabing #5
Chapter 54: Ang unfair lang for Jen honestly. Di naman niya alam na mahal siya ni lisa before. Yung ginawa ni lis and joohyun is ever more ed up kesa sa nagawa ni jen. Hay ewan puro sakit nalang nararamdaman ko :(
katrinaabing #6
Chapter 44: Ramdam ko galit mo seul. Kung ako sumapak pako kay lisa bago umalis :/ taena ni lisa, sobrang shallow ng love. Pano ka magkakagusto sa iba kung mahal mo si jen? Haha
katrinaabing #7
Chapter 39: Lisa landi mo pati si joohyun. Sabi mo love mo si jen pero may pa feels so wrong yet right ka pa jan :/
red230 #8
Chapter 44: I hate Lisa sobrang likot sa girls 😝
abbieR_052304
#9
2018 ko pa to binabasa abang every updates nag to 2021 nalang di parin ako maka move on dito kay babahasin ko ulit potaAaaaa
JFRTxJKLM
#10
Chapter 101: ang ganda lang ng chapter ng suelrene , im a jenlisa stan pero naiyak ako sa chapter nila 😭