Chapter 53

Unrequited
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 53

 

 

Marami ng nagbago ever since magka something si Joohyun at Lisa. Although naayos naman na din talaga ang mga bagay bagay nung grad ball, alam naman naming pare pareho na hindi pa talaga nag uusap si Jennie at si Joohyun.

 

 

Sila kasi talaga yung pinaka close saming magkakaibigan. Inseperable ika nga. Para din silang magkapatid dahil pareho din naman silang only child. Si Joohyun ang naging confidant ni Jennie habang parang naging big sister naman ni Jen si Joohyun kaya naman nung magka alaman na sa parking noon, gulat na gulat talaga ang lahat. Sama mo na ako dun kasi hindi ko talaga nakitang mangyayari yun.

 

 

Imaginin mo naman kasi, Si Lisa saka si Joohyun biglang may pag kiss na ganap tangina. Parang biglang pumuti ang mga uwak at ang araw ay nagmistulang buwan. Kasi, kahit pa sa wildest dreams ko, hindi ko naimagine na magpapatulan pala sila, kaya laking gulat talaga naming nung biglang cinonfront sila ni Seulgi. Tangina. Kala ko pa magsasapakan sila dun. Kabang kaba ako.

 

 

After nun, parang bigla nalang talagang natapos ang friendship ni Joohyun at ni Jennie. Lahat ng pinagsamahan nila, biglang nag vanish nalang into thin air. Grabe no? Hindi ko naman din kasi alam dito kay Joohyun kung anong nasa isip niya nung mga panahong nagiging close din sila ni Lisa nun. Kala naman namin dahil mature mag isip si Joohyun, mas kailangan siya ni Lisa. Dahil alam naman ng lahat kung gano magtago ng problema si Lisa.

 

 

Kung alam lang naming na magkakaganun eh sana pala kinulit nalang namin siya ng kinulit sa apartment niya nun. Baka di pa sila nagkadevelopan ni Joohyun. Pero ano nga bang magagawa namin? Mahirap talaga pag puso ang kalaban mo. Mahirap pigilan pag nagsimula ng makaramdam.

 

 

Naawa naman ako siyempre sa part ni Jennie. Alam ko naman hindi siya entirely innocent sa mga pangyayari, kung ibang tao siguro ang nagustuhan ni Lisa, baka hind imaging ganito yung outcome, baka kahit papano, hindi awkward yung group namin, kasi landede din kasi talaga tong si Lisa. Hindi nagpapigil.  Kumulo agad kay Joohyun. Hay.

 

I found out kay Wannie na parang gusto na rin naman kausapin ni Joohyun si Jennie. Alangan naman kasi si Jennie rin yung unang mag reach out, wala naman siyang atraso kay Joohyun kaya it made sense kung si Joohyun nga ang unang mag approach. Hindi lang kami sigurado kung willing makipag usap si Jennie.

 

 

Kahit naman alam naming kaya ni Jennie ang sarili niya, when it comes to the matters of the heart, mahirap siyang pigain. Parang si Lisa lang din. Kung tutuusin, meant to be talaga ang dalawang yan, kasi pareho silang out of this world mag isip at numero uno silang dalawa pag dating sa pananakit sa isa’t isa. Kahit kaibigan ko sila pare-pareho, umaasa padin ako bandang huli na silang dalawa talaga ang magkakatuluyan, pero syempre, sakin nalang yon at opinion ko lang naman din yun.

 

 

“Chu,sigurado ka? Mag wowork to?” Tanong sakin ni Wannie. “Hinde. Pero mas mabuti ng makapag usap na yang dalawa. Sabihin mo kay Joohyun mga 7 na pumunta sa bahay. Pag daan natin kela Jen mamaya mga 4 tayo mag start sa bahay para pag dating ni Joohyun nakainom na tayo.” Page explain ko naman.

 

 

“Tangina, pano pag nag away silang dalawa, kilala mo naman mga yan. Parehong matapang.” Sabi naman ni Wendy. “Pupunta si Chaeng, sasama daw yung friend niya, mukhang heartbroken din kasi ata.” Sabi ko naman. “Sinong friend? Taga school din?” Tanong ni wannie.

 

“Hindi eh.  Sa dati nyang school. Nakalimutan ko na yung pangalan nung girl, pero  sabi niya mabait naman daw kaya sabi ko keri lang.” Pag eexplain ko. “Ayun naman pala, may referee na. Di natin kaya mga yan friend. Buti nalang matangkad jowa mo.” Sabi naman ni Wendy.

 

“Kung hindi mo inaway si Joy, edi sana may kasama ka din ngayon.” Pang aasar ko naman kay Wendy. “Leche ka din eh no. Hindi nga siya matahimik dun sa Sungjae na yon, balak pa yayain sa inyo. Sabi ko bawal hatdog eh bwisit. Kaya iniwan ko siya.” Naiiritang sabi ni Wendy.

 

Natatawa naman ako na naaawa din, ewan ko ba kay Joy, lalaki naman yung kaibigan niya, hindi ko alam kung bakit hindi maiwan iwan. Baka din kasi kaya nagkakaganyan si  Wannie dahil alam niyang Bi si Joy. Ibig sabihin, may chance na magkagusto pa sa lalaki. While Wendy on the other hand, ay undefined parin. Hindi naman niya rin kasi inoopen up kung babae na ba talaga gusto niya o kung gusto niya parin ng mga lalaki. Sa ngayon, since sila ni Joy, syempre babae ang trip niya at si Joy yun. “Papuntahin mo sa bahay. Sige ka baka mamaya kasama nanaman nun si Sungjae.” Sabi ko sakanya.

 

“Eh gusto nga niya isama yung hinayupak nay un. Pag pinapunta ko edi sasama niya.” Sabi ni Wendy. “Edi sabihin mo wag niya isama! Jowa ka diba? Kung di mabigay gusto mo edi makipag hiwalay ka. O ano.” Sabi ko sakanya.

 

 

“Chu naman eh, kala ko ba kaibigan kita?” Pag simangot ni Wendy. “Oo nga, kaya nga sinasabi ko sayo kung anong dapat mong gawin. Kung ipipilit niya isama si Sungjae at alam mong hindi yun okay sayo edi hiwalayan mo. Problem solved. Kung pupunta naman siya mag isa edi bigyan mo ng chance. Sus Wannie. Feeling dalagang Pilipina vibes.” Pang aasar ko sakanya.

 

 

“Dalagang Pilipina naman talaga!” Sabi niya. “Oo, dalagang pilipina yeah, finger din ang hanap yeah.” Pang aasar ko sakanya. “Tangina mo.” Sabi naman ni Wendy. “Text mo na, dali, gusto mo ba ako mag text?” Pag alok ko sakanya.

 

 

“Sige ikaw mag text. Wag mo sabihin na sabi ko ha.” Sabi naman ni Wendy.  “Kita mo na. Inarte kappa diyan, gusto mo din naman pala.” Natatawa kong sabi sakanya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Sobrang thank you sa mga nagbasa ng fic na to! Grabe natapos din!!!!! *ugly cries*

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 107: ❤️
katrinaabing #2
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #3
Chapter 101: Wahhhh may seulrene naman pala eh :""">
katrinaabing #4
Chapter 84: Gulo mo lisa. Manahimik ka nalang kasi kung di ka pa ready di yung papaasahin mo si baechu. Landi kasi masyado amp
katrinaabing #5
Chapter 54: Ang unfair lang for Jen honestly. Di naman niya alam na mahal siya ni lisa before. Yung ginawa ni lis and joohyun is ever more ed up kesa sa nagawa ni jen. Hay ewan puro sakit nalang nararamdaman ko :(
katrinaabing #6
Chapter 44: Ramdam ko galit mo seul. Kung ako sumapak pako kay lisa bago umalis :/ taena ni lisa, sobrang shallow ng love. Pano ka magkakagusto sa iba kung mahal mo si jen? Haha
katrinaabing #7
Chapter 39: Lisa landi mo pati si joohyun. Sabi mo love mo si jen pero may pa feels so wrong yet right ka pa jan :/
red230 #8
Chapter 44: I hate Lisa sobrang likot sa girls 😝
abbieR_052304
#9
2018 ko pa to binabasa abang every updates nag to 2021 nalang di parin ako maka move on dito kay babahasin ko ulit potaAaaaa
JFRTxJKLM
#10
Chapter 101: ang ganda lang ng chapter ng suelrene , im a jenlisa stan pero naiyak ako sa chapter nila 😭