XLIII. Banaag.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Ayokong masaktan ulit.” Paulit-ulit lang niya naririnig ang mga salitang ito mula kanina. Wala siyang alam sa nangyari kay Rina at mukhang wala pa itong balak na magsabi sa kaniya.

 

Iniisip niya kung ganito rin ba ang naramdaman ni Rina noong umiwas siya dito dahil sa iniisip na pag-alis ng bansa. Ayaw niya sanang magkumpara pero sobrang bigat pala ng ganito. Hindi siya makahinga at parang gusto na lang niya umalis sa lugar—malayo kay Rina...kahit sandali lang.

 

Napapikit lang naman siya sa iniisip. Palagi na lang siyang tumatakbo at umaalis kapag may problema siya at hindi na dapat ganito.

 

Nasa may balcony siya ng master’s bed room ng rest house nila. Hindi na ulit sila nakapag-usap ni Rina dahil biglang dumating si Beomgyu. Hinahanap na raw pala sila ng mga kaibigan.

 

Buti na lang at hindi nakita ni Beomgyu ang pag-iyak ni Rina. Likod lang kasi ng girlfriend niya ang nakaharap dito habang magkayakap sila at ngumisi pa ito sa kaniya matapos sabihan sila nitong pumasok na sa loob ng bahay.

 

Dumiretso muna silang dalawa ni Rina sa kuwarto nila. Hinayaan sila ng mga kaibigan na magsama sa iisang kuwarto at wala na silang nagawa. Okay lang naman sana kung roommate nila ang iba para sa trip na ito. Pakiramdam niya nga mas kailangan nilang dalawa ng space ngayon.

 

“Hey...”

 

Lumingon siya sa likuran niya. Nakalabas na pala si Rina sa CR. Mugto ang mata nito at sumisikip ang dibdib niya tuwing maaalala ‘yung pag-iyak ni Rina.

 

“Gusto mo na magpahinga muna?” Tanong niya kay Rina. “P’wede naman na ako ang tumulong kay RJ at Yuna sa pagluluto.”

 

Ngumiti si Rina sa kaniya. Hindi na ito ‘yung pilit na ngiti na madalas niyang makita nitong mga nakaraan. Kahit papaano, gumaan ang kaniyang pakiramdam. “Do you even know how to cook?” Tanong nito.

 

Umikot ang kaniyang mata. “Ako kaya official assistant ni RJ sa kusina,” biro niya.

 

Humakbang na papalapit sa kaniya si Rina. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang kamay at parang nag-iisip kung puwede nitong mahawakan ang kaniyang kamay. Nasasaktan siya kapag ganitong ingat na ingat si Rina sa mga galaw nito.

 

Wala namang masama kung siya muna. Ganito naman si Rina sa kaniya dati noong bago pa lang sila kaya naman siya na mismo ang humawak sa kamay nito. Napatingin naman si Rina sa kaniya at ngumiti lang siya.

 

“I’m sorry I feel like I’m ruining this trip for you...” bulong ni Rina.

 

“Pumunta naman tayo dito para magpahinga. So, rest...”

 

Umiling si Rina at bahagyang lumayo. “I’ll help RJ. You can stay here, tawagin na lang kita if okay na ang lunch.”

 

Tumango na siya at hinayaan na umalis ng kuwarto si Rina.

 

Kailangan niya ng distraction. Masakit na ang ulo niya kakaisip at hindi niya alam kung kailan pa ulit sila makakapag-usap ni Rina. Pumunta muna siya sa living room para hanapin sina Ning. Naabutan niya lang si Lia na kausap si Beomgyu. Magkakasama raw sina Giselle, Ning at Chenle na pumunta sa bayan para bumili ng mga kakailanganin nila para mamaya.

 

Naisipan ng mga ito na mag-bonfire pagkatapos ng dinner. Umupo muna siya sa tabi ni Lia.

 

“Is Rina okay?” Bulong sa kaniya ni Lia.

 

“Hm?”

 

Busy na si Beomgyu sa phone kaya naman silang dalawa na lang ni Lia ang nagkakarinigan. Tinaasan siya ng kilay ni Lia. “Don’t act innocent. Is she okay?” Matalim ang tingin nito sa kaniya.

 

Napansin siguro nito na mukhang galing iyak si Rina. Sino pa nga ba ang posibleng dahilan? Silang dalawa lang naman ang magkasama kanina. Pero napangiti pa rin siya sa pagiging protective ni Lia kay Rina. “Ako hindi mo ako tatanungin kung okay lang ako?” Biro niya dito.

 

Bahagya siyang tinulak ni Lia. “Shut up. Ikaw ‘yung walang galos dito.” Napakunot-noo siya sa sinabi ni Lia. Hindi niya kasi naintindihan.

 

Wala namang pisikalan na nangyari sa pagitan nila ni Rina...

 

Para namang napapagod na nagpakawala nang hininga si Lia. “What I’m trying to say is si Rina ‘yung mukhang galing sa iyak.”

 

“Hindi naman kasi ako umiiyak.”

 

“My God, nakakapagod ka pala kausap!”

 

Napatingin sa kanila si Beomgyu at tumawa ang kaibigan sa narinig. Nagpaalam si Beomgyu na may kukuhanin lang sa room nito at silang dalawa na lang ni Rina ang natira.

 

“We didn’t fight, Lia. She uhm...” iniisip niya kung sasabihin niya ba pero nang magtama ang tingin nila ni Li

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet