LVI. Peace.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Win, kain ka pa,” sambit ng mommy ni Rina habang inaabutan siya ng kanin. Pangatlong sandok na ito ng kanin at hindi niya alam kung paano tatanggi ngayong puro alok lang ang mommy ni Rina. Okay naman ang naging simula ng dinner. 

 

Narito nga rin ang kuya nina Rina at Irene na si Minseok. Minsan niya lang makita ang lalaki kaya medyo kinabahan siya, pero puro ngiti lang naman ang ginagawa nito sa kaniya tuwing magtatama ang kanilang mga mata.  

 

Panay din ang tukso ni Minseok sa bunso nilang kapatid. Nakakapagtaka lang na si Irene pa iyong hindi nanunukso. Pansin niya lang na walang ginawa si Irene kung hindi ang tingnan ang mga kapatid, mga magulang niya at kasama na rin siya na parang kinakabisado nito ang mga mukha nila. 

 

Naisip niya lang din na malapit na ang alis ni Irene. Mamimiss siguro nito ang pamilya kaya medyo emosyonal ang hitsura nito ngayon.  

 

“Uhm, thank you po, Tita. Pero medyo busog na po ako,” nahihiya niyang tanggi.  

 

Tumawa ang tatay ni Rina at pinigilan na ang asawa. “Mahal, kanina mo pa binubusog si Win.” Hindi niya mapigilang mapangiti sa tawag ng tatay ni Rina sa asawa nito habang kita niya ang pagka-cringe ng mga anak nito.  

 

“Dad, sabi ko ‘wag sa harap ng pagkain,” sambit ni Irene. “Mahal...” nagmake-face si Irene na ikinatawa niya. Kung tutuusin, ang sweet lang nito sa paningin niya. 

 

“Rene, anak, ito nga si Win hindi nagrereklamo. Ayaw mo ba no’n mahal na mahal ko mommy n’yo.” sambit ng nakakatandang lalaki. Mukhang ginagawa ito ng tatay nila Rina para asarin sina Irene. Kahit si Rina, napapangiwi sa mga sinasabi ng tatay niya. “‘Di ba, Win? Mas okay na sinasabi mo kahit sa harap ng ibang tao.” 

 

Sunod-sunod ang pagtango niya. “Opo.” Tumingin siya kay Rina sa tabi niya at tinaasan siya nito ng kilay. Napalunok lang siya. Dapat ba ipagsigawan na rin siya sa harap ng maraming tao kung gaano niya kamahal si Rina?  

 

Iniimagine pa lang niya, parang hihimatayin na siya.  

 

“See?” Sambit ng dad ni Rina at tumingin pa sa mga anak nito. Tumango-tango siya at kinuha ang baso para uminom ng juice. “Kayo ba ni Rina, ano tawagan n’yo?” Tanong ng dad ni Rina. Nasamid lang naman siya habang rinig niya ang malakas na tawa ni Irene at Minseok. 

 

Napatingin siya sa mom ni Rina at nakangiti ito sa asawa na naiiling. 

 

“Dad!” Apila ni Rina.  

 

“Wala kayong tawagan? Ganyan na ba mga kabataan ngayon?” Tanong pa ulit nito. Alam na alam na niya kung kanino nagmana si Irene.  

 

“Baby,” sambit ni Irene. Nakahalumbaba itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Rina. Nag-iinit na ang pisngi niya at parang gusto na niyang lumubog sa upuan.  

 

Tumingin siya kay Rina at iniikot nito ang mga mata sa ate nito.  

 

“Hay nako, tigilan n’yo na nga ‘yan. Tapusin n’yo na ang pagkain,” singit ng mommy ni Rina. Nakahinga naman siya nang maluwag at naiba na rin ang topic. Napag-usapan din kung paano naging sila ni Rina. Parang napasobra ang curiosity kasi ng dad ni Rina at bawat detalye gusto nitong malaman. 

 

Game na game naman si Irene sa pagkukuwento dahil ayaw nila magsalita ni Rina masyado. Siya naman ay sumasagot kapag tinatanong.  

 

Nagdaan ang gabi at nagtagal pa sila sa hapag-kainan habang puro kuwentuhan lang. Naimbitahan na rin siya ng dad ni Rina sa mga susunod daw na okasyon o family event na mangyayari sa bahay. Dapat daw palagi siyang present. 

 

Hindi naman siya tatanggi. 

 

Naramdaman niya ang paghawak ni Rina sa kamay niya sa ilalim ng mesa. Parehas silang masaya. 

 

Nang matapos ang dinner, nagpresinta siya na tumulong na mag-ayos sa kusina pero inako na ito ni Minseok at mommy ni Rina. Ngayon nga ay nasa living room sila kasama si Irene at ang dad ni Rina. Panay ang kuwentuhan ng dalawa ang panunukso sa kanila. 

 

“Dad, Ate, dapat kayo ‘yung nasa kusina,” napapagod na sambit ni Rina. 

 

Tinawanan lang si Rina ng mga ito at hindi tumigil. Nang matapos sa gawain ang mommy ni Rina at si Minseok, nagstay ang mga ito sa living room at saglit silang lahat ng movie. Hindi na rin naman ito natapos ng mga magulang ni Rina dahil inaantok na raw sila. 

 

Uuwi na rin dapat siya pero pinilit siyang magstay ni Irene. Si Minseok naman, maaga pa raw bukas. Umuwi lang talaga ang kuya nina Irene para makasama sa dinner.  

 

“Sorry, Win ha. I hav

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Wagplease #1
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #2
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #3
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#4
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#5
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#6
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #7
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.
Kklavs #8
Chapter 11: kilergz
Kklavs #9
Chapter 10: ayieee
kwonjess13 #10
Chapter 60: hi win na di tatakbo. chariz! pero ung story ng parents nya ha nasabi ko na before na familiar. pero ung story ng breakup ng dad nya and ng ex nito...parang familiar din...anyway!!:nandito nga ko para magrelax at hindi magoverthink. so ang gagawin ko ay kiligin after ng i love yous nila.