VII. Ate Rina.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Long weekend. Walang pasok ng Lunes. Linggo pa lang at bukas ng gabi pa sila ng pinsan luluwas. Ihahatid naman ulit sila ng kapatid ni Ryujin.

 

May jowa kasi ito sa Maynila at binibisita niya ito ng madalas. Kuwento lang naman ng pinsan.

 

“Win, pupunta pala sila Gigi ngayon,” sambit ni Ryujin.

 

Naglalaro sila ng Mario Kart sa entertainment room ng pamilya ni RJ nang biglang magsalita ito.

 

“Anong gagawin ko?” Tanong niya. Naka-concentrate lang siya sa paglalaro. Nangunguna na siya at kung iniisip ni RJ na ma-didistract siya sa impormasyon, papatunayan niya na nagkakamali ang pinsan.

 

Pero malamang kasama ulit si Rina, isip niya. Hindi naman naghihiwalay ang apat.

 

Nag-overtake si RJ sa kaniya sabay drop ng banana. Hindi na siya nakaiwas dahil sobrang dikit nila.

 

“Yes! Woooh!” Sigaw ng pinsan. Minsan lang kasi ito manalo sa kaniya. Greatest frustration ni Ryujin ang racing games. Hindi ito masyado expert sa ganoong game. “Win, seriously? Nang dahil sa saging?” Nang-aasar na ngiti ng pinsan habang naka-display ang 1st sa screen.

 

Tapos na pala ang game.

 

“Na-distract kasi ako,” sagot niya.

 

“Huh? Saan?”

 

Hindi na siya nakasagot nang biglang tumunog ang doorbell.

 

“Ikaw muna magbukas ng gate. Ayusin ko lang itong kalat. For sure sina Lia lang ‘yan,” utos ni RJ. Napangiwi siya sa kalat sa room.

 

Nasa lapag sa may carpet ang mga throw pillows—nagpillow fight kasi sila ng pinsan matapos siyang maakusahan ni RJ na nandaya—may balat rin ng chips sa sahig na hindi naman niya natikman.

 

Makalat talaga ang pinsan.

 

Tumungo na siya sa labas at pinagbuksan ang mga dating kaklase.

 

Agad naman siyang sinalubong ng mga ito ng malawak na ngiti.

 

“Thanks, Win,” si Giselle at dire-diretsong pumasok sa bahay.

 

“Tinamad na naman si RJ at ikaw inutusan ‘no?” Sambit ni Lia na tuloy lang rin na nakasunod kay Giselle.

 

“Hi, Win.” Si Rina.

 

Nakahawak lang siya sa gate. Si Rina ay nakatayo pa rin sa labas, parang may hinihintay. “Pasok ka,” sabi niya.

 

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng dating kaklase. “Thank you.” Sabay na sila papasok sa bahay. “So, how’s your weekend so far?”

 

Nagkibit-balikat siya. “Unproductive,” maikli niyang sagot.

 

“Well, it’s weekend. We deserve to laze around.”

 

“Ikaw?” Tanong niya para lang hindi sila balutin ng katahimikan. Parang bigla kasing lumayo ang gate mula sa main door ng bahay.

 

“Shopping with Ate and Mom,” sagot ni Rina.

 

“Kumusta sila?” Tanong niya. Seryoso, bakit nasa porch pa lang kami?

 

“They’re good,” sambit ni Rina. “Palagi ka kinakamusta ni ate sa ‘kin, actually. Hindi ka na daw nag-memessage.”

 

Tumigil sila saglit sa tapat ng pinto. Same org kasi sila ng ate ni Rina. Senior ang ate ni Rina at freshman siya noon.

 

“Ah, baka kasi makaabala ako,” sagot niya. Nag-mental note siya na kumustahin si Ate Irene.

 

Sa wakas, nakarating na sila ng entertainment room. Natagpuan nila si RJ na naghahain ng merienda sa dalawang bisita. Nakaupo si Lia sa bean bag chair niya—paborito niya ito—at si Giselle naman sa couch.

 

“Ang comfy talaga ng bean bag mo, Win.” Bati ni Lia.

 

Ngumiti lang siya.

 

Ano ba ang puwedeng isagot doon? Thanks, sit well?

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet