III. Marites.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Naisipan nilang magkakaibigan na magkita-kita. Noong isang buwan pa ‘yung huling beses na nabuo sila. Lima lang naman sila sa grupo.

 

Napagpasyahan nila na sa isang Japanese restaurant na lang sila sa Makati magkikita-kita. Nagkataon kasi na holiday ngayon at pare-pareho silang stuck sa kani-kanilang dorm dahil sa gitna ng week natapat ang holiday.

 

Lunch out. Nagpa-reserve si Chenle ng isang private room sa restaurant.

 

Hindi kasi sila makakapag-usap kapag madaming tao ang nakapaligid. Mga Marites pa naman ang mga kaibigan niya at mahirap na.

 

Pagkarating niya sa restaurant, binanggit niya lang ang pangalan ng kaibigan at itinuro na siya sa private dining room na reserved para sa kanila. Tatami seating ang arrangement sa room at nakaupo na ang tatlo niyang kaibigan. Pinaulanan naman siya ng yakap ng mga ito.

 

Hindi naman sila pala-yakap noong college sila pero mula nang magkahiwa-hiwalay sila at minsanan na lang magkita-kita, parang naging sobrang affectionate na ng mga kaibigan niya. Hindi mawala ang beso, pagkakita at bago maghiwa-hiwalay.

 

Ganito rin ang pangyayari nang makisali siya sa dinner nina RJ noong isang linggo.

 

Umupo siya sa tabi ni Ning, at kaharap si Chenle na katabi naman si Beomgyu.

 

Isa na lang ang hinihintay, si Yuna na palaging late. Sanay na naman sila sa kaibigan.

 

“Win, naka-dinner mo sina Lia last week?” Paunang-tanong ni Beomgyu.

 

Tumango lang siya habang nakatingin pa rin sa menu.

 

“Anong balita?” Tanong naman ni Chenle.

 

“Saan?” Balik na tanong niya habang hindi pa rin nag-aangat ng tingin mula sa menu.

 

“Sa kanila.”

 

Natapos na siya sa paghanap ng pwedeng orderin at ipinasa ang menu kay Ning na kanina pa nakikisilip sa kanya.

 

“Okay naman. Maingay pa rin sila,” sagot niya. Naalala na naman niya kasi ang kadaldalan at kaingayan ng grupo noong nag-dinner sila. Hindi naman sila sobrang ingay na nakaka-abala sa iba, pero wala ring tigil ang pag-uusap nila.

 

Buti na lang at si Rina ang katabi niya. Mak’wento rin si Rina pero mahinahon ang boses niya. Sina Lia, Giselle at si RJ kasi parang nauuna pa ang excitement sa kuwento nila.

 

Sanay na rin naman siya kapag pumupunta ang tatlo sa bahay nina RJ. Doon din kasi siya nakatira at madalas ay sa bahay nila RJ namamalagi ang mga kaibigan nito lalo na at malapit na ang exams.

 

“Paano niyo pala nalaman?” Tanong niya. Wala naman siyang nabanggit sa kanila na kasama niya sina RJ last week.

 

“Nag-IG story si Rina ng picture n’yo at kasama ka. Mukhang napilitan ka lang,” hagikhik ni Beomgyu.

 

“Uso kasi mag-check ng IG, Win. Naka-tag ka kaya!” Banggit ni Ning.

 

Hindi naman siya mahilig sa social media. Minsan lang din siya magpost o kaya mag-story sa IG at ginagamit niya lang ito para connected pa rin siya sa mga kaibigan. Hindi na kasi nag-fafacebook ang mga kaibigan niya at sa messenger na lang talaga sila active.

 

“Anyway, balita ko may nanliligaw kay Rina,” sabi ni Beomgyu.

 

Napakunot ang noo niya. Bakit kailangan namin pag-usapan ang barkada ni RJ?

 

Bago pa siya makasagot, bumukas ng marahas ang sliding door ng private room. Bumungad si Yuna na pawis na pawis at medyo hinihingal. Agad siyang kumuha ng tissue sa bag at inabot kay Yuna nang makaupo na ito.

 

“Grabe! Ang init sa labas, tapos sobrang traffic pa. Umalis ako sa apartment 1 hour before para makapag-book ng Grab at para fresh pa rin ako pagdating ko dito pero wala akong ma-book! Nag-FX na lang ako at si Manong Driver puno na kami pero grabe pa rin ayaw niya umalis. Sira pa aircon ng sasakyan…”

 

Tuloy-tuloy na kwento ni Yuna habang nagpupunas ng pawis gamit ang tissue na bigay niya. Tumatawa lang naman ang mga kaibigan niya.

 

“Water?” Alok niya kay Yuna.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet