XXXI. Simula.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Alas siete na ng gabi nang matapos sila sa painting. Agad naman siyang nagdrive papunta sa isang restaurant. Sa Makati na lang rin sila. Hindi na siya nagtanong kay Yeji, may alam kasi siya na lugar.

 

Medyo kinakabahan lang ulit siya. Baka kasi over the top ‘yung napili niyang restaurant. It was located at the top of the 33rd floor of the building malapit sa Ayala at kita ang view sa buong city.

 

“You planned this,” sambit ni Rina. Nakapuwesto sila sa may glass window. The place was dimly lit at kahit siya ay ramdam ang romantic ambiance ng place. Nahihiya na tuloy ulit siya dahil parang nanunuksong nakangiti ang kaharap niya.

 

Ngumiti na lang rin muna siya at uminom ng tubig. Kanina pa silang nagsimulang kumain pero tahimik lang sila. “It reminds me of that hotel where I saw you,” nakatungong banggit ni Rina.

 

“Huh?”

 

“Remember? You were with someone...” mahinang sambit nito.

 

Inalala niya ‘yung huling beses na kumain siya sa ganitong restaurant. Napapikit siya nang maalala si Yeonjun at noong nakita niya si Rina.

 

Nahihiya siyang ngumiti. Hindi pa pala nila ito napag-uusapan. “Naalala ko na.”

 

Tumikhim si Rina at tumingin sa kaniya. Parang hindi pa ito sigurado kung magtatanong ba ito sa kaniya. “Uhm... I’ve been meaning to ask you since before pa. Who were you with that time?”

 

“Blind date...” sagot niya. Nakita niya na parang nalito at nagulat si Rina sa sinabi kaya agad rin siyang nagpaliwanag. “It was Yeonjun, ka-blind date sana ni Yeji. Remember Yeji? My workmate?”

 

Tumango si Rina kaya nagpatuloy siya. “She couldn’t go that night dahil may emergency sa work, at ako ‘yung pinakiusapan niya na sumipot sa date.”

 

Tumango ulit si Rina pero hindi pa rin naaalis ang kunot sa kaniyang noo. “So, it’s still a date?”

 

Natawa na siya. Pakiramdam niya may nagawa siyang kasalanan. “Nag-dinner lang kami after ko sabihin na hindi talaga ako ‘yung dapat ka-date niya. Sayang daw kasi ‘yung reservation and...libre.”

 

Sa wakas, ngumiti na rin si Rina. “You and libre,” naiiling nitong sambit. “I’ll pay for tonight,” dagdag nito.

 

Dito naman napakunot ang noo niya. Siya ang nag-aya kaya siya dapat ang gagastos. “Okay lang, Rina.”

 

“You already paid kanina sa studio. Ikaw din ang nagdrive and nagpareserve dito. I think it makes sense na ako naman ngayon,” paliwanag ni Rina.

 

Ngumuso siya at nag-slouch ng kaunti sa upuan. “Hindi naman ako kuripot,” sambit niya. Naalala niya ang palaging tukso sa kaniya ng mga kaibigan. Hindi naman kasi siya kuripot, hindi lang din talaga siya tumatanggi sa libre.

 

Inabot ni Rina ang pisngi niya at pinisil ito ng mariin. “Stop pouting. You’re really testing me today,” bulong ni Rina. Napaayos siya ng upo at bumalik na lang sa pagkain. “So it’s settled na? I’ll pay?”

 

Hindi siya nagsalita.

 

“Please?”

 

Napabuntong-hininga siya at tumango. Hindi talaga siya makatanggi kay Rina. Satisfied naman na tumango si Rina at bumalik sa pagkain.

 

Pero may naalala siya.

 

“Ikaw pala, bakit ka nando’n that time?” Tanong niya.

 

“I was trying to reserve a table,” sagot ni Rina.

 

Siya naman ang napakunot ang noo. Kilala ang restaurant na iyon na place para sa mga couple. Kaya nga doon ‘yung meet-up nina Yeonjun at Yeji. Romantic place kasi ito para sa mga first date. Puro couple rin ang naroon noong araw na iyon.

 

Hindi niya alam kung dapat ba niyang itanong. Nakangiti lang naman sa kaniya si Rina na parang natutuwa sa kaniyang pagkalito. “Sino dapat kasama mo?” Tanong niya. Sinigurado niya na casual lang ang kaniyang pagkakatanong.

 

“Ikaw,” mabilis na sagot ni Rina.

 

“Ako?”

 

“Yes, ikaw sana. Remember? Somewhere nice.” Napatigil siya. Maya-maya ay nagsalita ulit si Rina. “I was planning to ask you after ko sana makapagpa-reserve, but then I saw you with someone and... I don’t know. I kinda took a step back after. You were with a guy. I already like you that time, pero hindi ako sure if it was even okay to make a move on you at all...I thought it was a reality check for me,” nahihiyang sambit ni Rina.

 

Sinubukan niya muna na intindihin ang lahat ng sinabi ni Rina. It was a lot at hindi niya alam na ganoon pa lang kaaga ay naiisip na ito ni Rina. “Gusto mo na ako noong time na ‘yon?”

 

Natawa na si Rina. “I said a lot at ‘yun lang naintindihan mo?” Hindi siya nagsalita at hinintay lang si Rina. Huminga nang malalim si Rina at sumagot. “Yeah. I think I already like you way before we even got close.”

 

Hindi niya alam ang isasagot. Sobra-sobra ‘yung impormasyon na nalaman niya ngayon. Overwhelmed siya and at the same time, masaya siya sa narinig. Parang natunugan ni Rina ang mood niya ngayon at nagtanong na lang ito sa kaniya. “Ikaw? When did you start liking me?”

 

“Dati pa,” sagot niya.

 

Pabirong umirap sa kaniya si Rina. “Define dati pa,” sambit nito.

 

Natatawa siyang umiling at inulit ang sinambit. “Dati pa, Rin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello! The title is Tahan na, but I actually got it from Munimuni's song ulit na Tahanan haha.

Thank you for reading, and for writing comments! I appreciate them a lot and I also learn from your thoughts. It's always a pleasure to read them so thank you talaga hehe.

PS. Malapit na :)
No comments yet