XXXVIII. Tila...

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“So, you basically tricked RJ para magluto kayo ngayon dahil you want me to eat proper food?” Tanong ng girlfriend sa kaniya. Magkatabi silang nakaupo at matatapos na silang kumain.

 

Iyong mga dala niyang fruits na lang ang natitira. Sabi ni Rina, okay lang na magtagal pa sila ng kaunti dahil matatapos na ang mga task nito. Buti na lang at may mga tables and chairs sa roof deck ng building nila.

 

“Oo. Hindi kasi ako kasing galing ni RJ magluto,” napapangiwi niyang sambit.

 

Nang bumaling siya kay Rina, nakatingin lang ito sa kaniya at nakangiti. Kita niya ang saya sa mga mata nito kahit na mukhang pagod na ito. Ilang araw na rin kasi si Rina na gabi na nakakauwi dahil sa dami ng trabaho nito ngayon.

 

“Thank you,” mahinang sambit nito. “Pero hindi mo dapat iniwan si RJ,” natatawang sabi ni Rina. Naikuwento niya rin kasi ang pagmamaktol ng kaniyang pinsan.

 

“Palagi ko na naman nakikita mukha ni RJ,” sagot niya.

 

“And?” Rinig niya ang panunukso sa boses ng girlfriend kaya’t napaiwas siya ng tingin.

 

“Minsan lang kita makita,” nahihiya niyang sambit. Tumawa si Rina sa tabi niya matapos ay inabot ang kaniyang kamay at marahang pinisil ito. Bumaling na ulit siya sa girlfriend na hindi pa rin nabubura ang ngiti.

 

Nakakahawa ang mga ngiti ni Rina kaya pinigilan niya ang sarili. Aasarin lang kasi siya ulit nito.

 

“We see each other everyday,” Rina shrugged.

 

“I see a glimpse of you everyday,” nakasimangot niyang sabi. Tumaas ang kilay ni Rina sa tinuran niya. Hindi talaga siya titigilan ng girlfriend. “Fine. I missed you, okay?”

 

Lumawak ang ngiti ni Rina pero bumitaw ito sa pagkakahawak sa kaniya. “Parang napipilitan ka lang naman eh.”

 

Napaawang lang ang kaniyang bibig habang sinimulan na ni Rina na kainin ang mga prutas na inihanda niya. Nakabaling na ngayon ang atensyon ni Rina sa strawberries.

 

Nagpakawala siya ng hininga. “I’m not...napipilitan. It’s just that...we planned a lot of things that keep on getting cancelled—the Batangas trip, our dates and other get together dinners with our friends and it’s okay. We’re all busy and it’s hard to find time right now.”

 

Tumingin na ulit sa kaniya si Rina. Kitang-kita siguro nito ang frustration sa kaniyang mukha. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas mula noong umuwi siya sa Pinas at parang sobrang kaunti pa lang ang nagagawa nila ni Rina na magkasama.

 

“But even if we had all those times where we eat together when we can, it’s like it’s not enough...so yeah, I’m missing you a lot even though we see each other every day,” pagtapos niya sa sinabi. “And I’m still missing you now that we’re together.” Napapikit siya at malakas ang kabog ng dibdib niya ngayon. Gusto niyang bawiin ang sinabi. Masyado yatang cheesy at kahit siya ay medyo nag-cringe ngayong inuulit niya sa isip ang mga sinambit.

 

Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ng katabi sa kaniyang braso at mas lalo itong dumikit sa kaniya. Para naman siyang kumalma at nagpantay ang kaniyang paghinga. “Ang dami namang miss sa sinabi mo,” biro ni Rina sa kaniya. “I’m sorry, I’ve been busy.”

 

Umiling na siya at huminga nang malalim. Naiintindihan naman niya at walang dapat ika-sorry si Rina. “Okay lang. Lahat naman tayo at kahit ako rin, magiging busy sa mga susunod na linggo.” Narinig niya ang mahinang pagtawa ng katabi. “Bakit?” Nagtataka niyang tanong.

 

“Tama si RJ. Straight english ka magsalita kapag frustrated and now that you seem calm, straight tagalog naman,” natatawang sabi ni Rina. “Kaya ayaw daw ni RJ na galit ka or naiinis, sumasakit daw ang ulo niya,” dagdag pa ni Rina.

 

Natawa na siya. Nabanggit na sa kaniya ito ni RJ dati, wala pa siya sa Pilipinas. Madalas sila magka-usap ni RJ at ito ang nagturo sa kaniyang mag-tagalog. “I’m thinking something...” biglang sabi ni Rina.

 

“Hm?”

 

“You’re calm when you speak in tagalog. Nakakapag-isip ka, so does it mean kapag straight english, hindi ka masyadong nag-iisip? It’s like continuous ang thoughts mo?”

 

Napangiti siya. Ganoon ka-observant si Rina na kahit kung paano siya magsalita, kung anong lenggwahe ang gamit niya, na-analyze na nito ang mood niya. Hindi naman niya iyon napapansin dati at si RJ lang ang nakapagsabi sa kaniya minsan pati na rin sina Ning.

 

“Siguro?”

 

“It’s cute,” sambit ni Rina.

 

“Alin?”

 

“The way you switch your mood. You weren’t in a bad mood kanina, just frustrated and then suddenly parang okay ka na...”

 

Parang saulo na ni Rina ang mood niya, maliban sa isang bagay. Hindi nito alam na siya mismo ang dahilan kung bakit parang gumagaan ang pakiramdam niya. Lihim siyang napangi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet