XXX. Pagbahagi.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Medyo kinakabahan siya. Kanina, tumawag siya kay Yeji para sabihin na nakauwi na siya sa Pinas at papasok na siya bukas. Nasabi na rin naman niya ito sa kaniyang manager bago pa siya lumipad pabalik dito. Pero hindi talaga iyon ang dahilan ng pagtawag niya.

 

Hindi niya kasi alam kung saan maganda pumunta. Hindi naman siya madalas lumalabas at around BGC lang talaga sila namamasyal nina Mark at Yeji. Nagulat pa si Yeji sa biglaan niyang pagtawag. Biniro pa siya nito na kailangan niyang ipakilala kung sino mang kasama niya mamaya kay Yeji.

 

Napakagat siya ng labi. Wala pang alam si Yeji. Alam naman niya na wala lang ito at super open ni Yeji, pero may kaunting kaba rin siya. Hindi na siguro iyon mawawala.

 

Simabi na lang niya saka na lang niya sasabihin ang lahat. Gusto na agad kasi ni Yeji na magset ng isa pang night out kasama sina Yeonjun at Chaeryeong. Pero bago pa malihis ang topic nila kung saan, nagtanong na ulit siya kung saan may alam na hangout place si Yeji.

 

Itinuro siya nito sa Makati.

 

“You always look good when you’re driving,” sambit ng katabi niya. Lumingon siya dito at nanunuksong nakangiti ito sa kaniya.

 

Napangiti na rin siya matapos niya ibalik ang tingin sa harap.

 

“And you’re showing your dimple,” dagdag pa ni Rina. Lumalabas lang ang dimple niya kapag malawak ang kaniyang ngiti. Hindi naman niya napansin na ganun na pala ang pagkakangiti niya.

 

Masamang-masama na talaga ito.

 

“You look good, too,” mahina niyang sambit. “You always look good, Rina.” Narinig niya lang ang mahinang pasasalamat nito at buong biyahe, tahimik na lang sila.

 

Hindi naman ito awkward. Maya’t maya rin ang pagsulyap nila sa isa’t isa at ang pagngiti. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam nang makipag-date.

 

Pinaghalo-halong kaba, excitement at saya ang nararamdaman niya ngayon at siguradong ganun rin si Rina dahil parehas silang hindi mapakali.

 

Dinala niya si Rina sa isang art entertainment sa Makati. May lessons for painting ang studio at provided nila ang materials while serving beverages. May kakilala raw dito si Yeji at tinulungan siya na magpa-reserve sa place.

 

Nakita naman niya na kumislap ang mata ni Rina nang ma-realize kung nasaan sila. Naging mabilis lang ang process at nakapuwesto na rin agad sila. Open session ang pinili niya. Pumili lang sila ni Rina ng pattern para sa ipipinta nila.

 

May mga naka-display na kasi na paintings pagpasok pa lang nila sa studio at puwede nila itong gamitin as a pattern.

 

Medyo may alam naman siya sa arts kahit pa hindi niya forte ang painting. May mga instructors rin na naglilibot sa place so that they can guide them when it comes to color combinations and other technical stuff ng painting.

 

Puwede rin nilang iuwi ang matatapos nilang painting.

 

Habang hindi pa nagsisimula, bumaling sa kaniya si Rina. “I’ve always wanted to check this place out,” sambit nito. “Do you know how to paint? I’ve only seen you sketch.”

 

Kinuha niya ang apron at isinuot ito kay Rina. Nakita niya na parang nagulat pa ito sa ginawa niya pero tuloy lang siya. “Yeah, I’ve tried before pero it’s too much work. Mas nagustuhan ko lang talaga na mag-sketch,” sagot niya habang itinatali ang apron ni Rina.

 

Nang makatapos siya at kinuha ang apron na para sa kaniya, agad itong hinablot ni Rina. “Let me,” bulong nito. Natatawa siyang naiiling.

 

“Ikaw? Kamusta ka when it comes to arts?” Tanong niya. Sobrang lapit ni Rina at sobrang bagal nitong gumalaw. Parang sinasadya ito ni Rina.

 

Medyo hindi siya makahinga.

 

“I think I’m good,” sagot nito. Nasa likuran na niya ito at itinatali na lang ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet