XLI. Creative Block.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Creative block.”

 

“Huh?” Tanong niya sa kaharap na si Yeji. Nasa recreation room sila ng office nila. Naisipan muna nila na maglaro ng chess habang ginagamit ang break ngayong hapon.

 

Hindi rin naman super hectic ang mga gawain nila ngayong week kaya free sila na maglagi sa recreation room nitong mga nakaraang araw. Isa pa, maganda raw na tumigil dito ng kahit trenta minutos hanggang isang oras para ma-refresh ang utak nila.

 

“Sabi ko, baka creative block ‘yung nararanasan mo ngayon,” sambit ni Yeji. Bumalik siya sa pinag-uusapan nila. Naikuwento niya nga pala sa katrabaho na hindi siya makaisip kahit concept man lang sa new project nila. Kahit nga magsketch lang, walang nangyayari.

 

“Magulo kasi ‘yung client,” naiinis niyang sambit. “They can’t make up their mind.”

 

“Didn’t I tell you? Most of the time, alam nila kung anong gusto nila pero they have a hard time explaining it,” paalala sa kaniya ni Yeji.

 

“I’m not a mind reader,” mapait niyang sabi.

 

“Of course not. But you have to figure it out, else, wala talagang mangyayari.” Yeji moved her queen at ngumisi sa kaniya, “checkmate.” Wala na siyang move. Hindi na rin naman kasi siya naka-focus sa game dahil kanina pa lumilipad ang utak niya.

 

“Also, it’s a matter of communicating, Win. Kahit pa hindi mo sila maintindihan, just talk to them.” Tahimik lang siya. Itinaas ni Yeji ang isang kilay nito. “You already know this. You’ve handled a lot more complex project than this...” Totoo rin naman ang sinabi ni Yeji. Nagkaroon na siya ng mga mas demanding na client pero hindi niya alam kung bakit hirap na hirap siya ngayon. “Are you sure you’re okay?”

 

“Sa project and client? Okay naman. Naiisip ko lang din siguro ‘yung stress na aabutin ko kapag pang-gabi na ulit ako,” sagot niya. Malapit na ulit siya malipat sa night shift at hindi na siya sanay. Iyon kasing bago nilang kliyente, sa ibang bansa at  kailangan niyang mag-adjust.

 

“Hm, baka nga mas okay pa sa’yo kapag night shift ka. Parang hindi ka na natutulog eh.” Tumitig si Yeji sa mukha niya at na-conscious naman siya. Malaki na siguro ang eyebags niya. Nahihirapan ulit kasi siyang makatulog nitong mga nakaraang linggo. “Win, okay ka lang ba talaga?”

 

Huminga siya nang malalim. “Okay naman.”

 

“‘Yung client ba talaga ang problema mo or you’re just frustrated that nothing seems to work out for you sa work ngayon? Maybe you’re stressing too much about this project...”

 

Hindi na naman siya nakasagot. Hindi niya rin naman kasi alam ang isasagot.

 

“Or is this something personal?” Maingat na tanong ni Yeji. Tumingin lang siya rito. “I know they always say not to mix your personal affairs with work, but if it gets hard, maybe take a day off?”

 

Tumawa siya nang mahina. “Wala naman akong sinabi na personal ‘to.”

 

Umikot ang mga mata ni Yeji. “You didn’t have to.”

 

Tumingin siya sa chess board, iniiwasan ang mata ni Yeji. Ganoon pala siya kahalata kapag may iniisip. Ayaw niyang aminin sa sarili pero ngayong na-open na ni Yeji, parang wala siyang choice kung hindi ang i-acknowledge ang nangyayari sa kaniya—o sa kanilang dalawa ni Rina.

 

Mula kasi noong gabing ipinakilala niya si Rina kina Yeji, parang doon nagsimula na maging maingat sila sa isa’t isa. Hindi niya maalis sa isip ang reaksyon ni Rina sa sinabi ni Chaeryeong. Parang hindi kasi ito kumportable sa narinig mula sa kaibigan.

 

Ramdam ko hanggang dito ang pagmamahal, Winter. Tuwing naaalala niya ang sinambit Chaeryeong, nakikita niya si Rina.

 

Hindi ito makatingin sa kaniya buong gabi at kahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet