L. Dito, sa ilalim ng buwan.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Kasalukuyang kausap niya si RJ at ang mommy nito. Nakapagpahinga na silang magpinsan at kakatapos lang nilang kumain ng lunch. Nakaupo pa rin silang tatlo sa dining table at nagkukuwentuhan lang nang maalala niya ang kailangan niyang sabihin sa dalawa. 

 

“Tita, malapit na ma-close ‘yung deal sa bahay. Inaasikaso na nina Isa at Tito Art ‘yung mga kailangan,” panimula niya. Napatingin ang mag-ina sa kaniya na parang nag-aalala pero naunang ngumiti ang Tita niya.  

 

“Nakuha mo na naman ‘yung ibang gamit doon ‘di ba?” Tanong ng mommy ni RJ. Tumango lang siya at ngumiti. “Paano ‘yung ibang properties? Naisip mo na ba ang gagawin do’n?” 

 

“Medyo marami pong process ang kailangan gawin kung ibebenta ko lahat. Hindi ko rin po kasi kayang mag-manage kung dito ako sa Pilipinas titira,” sagot niya lang. Malaki rin ang magagastos niya kung sakali at kailangan niya rin magpabalik-balik mula sa Pilipinas at Amerika. 

 

Hindi naman kasi simpleng insurance at trust fund ang naiwan sa kaniya ng mga magulang.   

 

“Ma, bibili na ng sarili niyang bahay si Win,” pagsingit ni RJ. Tinapakan niya nag paa nito sa ilalim ng lamesa. “Aray!” 

 

“Bakit naman? Win, dito ka titira hanggang sa magka-asawa ka, okay? Kahit nga dito kayo tumira ng magiging asawa mo, walang problema sa’kin,” nakangiting sambit ng Tita niya.  

 

Napa-ubo lang siya habang si RJ ay tumawa nang malakas. “Iniisp ko lang Tita na kumuha ng sarili kong place sa Manila. Dito pa rin naman po ako uuwi kapag weekend,” paglilihis niya sa usapan.  

 

“Good,” masayang sambit ng Tita niya. Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol sa mga condominiums at at bahay at kung saang lugar magandang kumuha. Sinabi niya rin na bibitawan nila ang apartment na tinutuluyan ngayon ni RJ. Hindi naman pumayag si RJ at sinabing okay na ang pinsan niya na mag-isa. 

 

“Mas kailangan mo ng sariling space ngayon, Win,” nakangising sambit ni RJ.  

 

Pinipigilan niya ang sariling umirap habang ang Tita niya ay may mapanghinalang tingin sa kanilang dalawa. Pagsasabihan niya nga ang pinsan.  

 

“Ay naku, kayong dalawa, bahala na kayo sa gusto n’yong mangyari. RJ, kung hindi ka titira kay Win, kumuha ka ng apartment na isang room lang,” sambit ng Tita niya bago tumayo at iwanan sila sa dining area.  

 

“Ayaw mo talaga tumira sa’kin?” Tanong niya sa pinsan.  

 

“‘Wag na. Baka kailanganin mo ‘yung space, ‘di ba?” 

 

“Huh?” 

 

Parang napapagod na nagbuntong-hininga si RJ. “Wala ka bang plano na ibahay si Rina?” 

 

Ngumiwi siya sa term. “Magsama kayo ni Ate Irene,” pagsimangot niya sa pinsan. 

 

“Bakit? Natanong na niya ‘yan sa’yo?” 

 

Tumango siya, “may balak kasi siyang pumunta sa ibang bansa at nag-aalala siya kay Rina na maiiwan sa apartment nila.” Para namang nagliwanag ang mukha niya sa naisip. “What if ikaw na sumama kay Rina sa apartment?” 

 

“Win, pinanganak ka ba talagang shunga? Ikaw sinabihan d’yan ni Ate Irene tapos ipapasa mo sa’kin?” 

 

“It’s Rina I’m thinking about. It’s too soon and we haven’t even talked about moving in together yet. Even the thought of opening this topic to her is already too much.” 

 

“Hm, sabagay. I just think it’s a lot more convenient.” Tumango lang siya sa sinabi ng pinsan. “Pero gusto mo?” Tanong nito.  

 

Napalunok siya at naramdaman ang pag-iinit ng mukha. Walang ibang rason para umayaw siya bukod sa isang bagay na naiisip niya: baka masyadong mabilis. Marami pa silang kailangan pag-usapan ni Rina at marami pa rin silang hindi nagagawa.  

 

Matapos nila makapag-usap tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo, parang bago lang ulit ang lahat sa kanila. Iba pala ang epekto kapag alam mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Wala naman sila sa puntong nag-iingat sila sa mga galaw nila pero... 

 

May nagbago talaga—but definitely in a good way. 

 

“Gusto mo,” putol ni RJ sa kaniyang iniisip. Hindi na niya kailangang kumpirmahin. Alam na rin naman ng pinsan niya ang iniisip. “Ipapakilala mo ba si Rina kay mommy bilang girlfriend mo?” Napatingin siya kay RJ sa tanong nito at tumango. Tumawa naman ang kaniyang pinsan. “Dapat sinabi mo na kanina,” sambit nito.  

 

“Dapat alam din ni Rina. Hindi pa kami nag-uusap ng mga ganitong bagay,” sagot niya. 

 

Kunot-noo si RJ sa narinig. “‘Yung totoo, ano ba mga pinag-uusapan n’yo? Puro landian lang ba kayo? Wala kayong plano sa future?” 

 

Nahihiya siyang tumungo sa mga tanong ni RJ. Hindi naman sa wala silang plano ni Rina pero masyado kasing maraming nangyari nitong mga nakaraang linggo. “We just fixed the thing between us,” mahina niyang sambit. Tumaas naman ang kilay ni RJ sa kaniya na parang nanghihingi pa ng detalye. “Hindi sinabi sa’yo ni Rina?” 

 

“Wala pa ulit time na makapagkita kami nina Giselle kaya sabihin mo na sa’kin ngayon,” sagot ni RJ. Ikinuwento naman niya ang mga nangyari sa kanila mula noong mga nakaraang linggo hanggang nitong nagka-ayos silang dalawa. “Gago talaga ex no’n e,” sambit ni RJ nang marinig lahat ng nangyari.  

 

Napahinga na lang siya nang malalim. “It’s all said and done. It’s what he felt and wala tayong magagawa do’n. I just wish he handled it differently. I didn’t like seeing Rina so terrified and hurt. Ngayon ko lang kasi na-realize na Rina was looking at me like she was afraid she’d lose me if she touched me. Those weeks were the hardest,” pagkukuwento niya.  

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet