X. Nakauwi na.
Muni-muni
Giselle: Hey Win.
Giselle: You came home with Rina last Friday, right?
Kinakabahan siya. Minsan lang mag-personal message sa kaniya si Giselle. Sa pagkakatanda niya, nakauwi naman si Rina sa bahay nila.
Nag-text kasi si Rina sa kaniya para ipaalam na nakauwi na siya at muli ay nag-thank you sa kaniya.
Win: Hi, Giselle.
Win: Oo, bakit?
Giselle: Okay good. Thanks, Win.
Giselle: Rina didn’t tell us na may sakit siya that time coz she didn’t want to ruin the night.
Giselle: Like make it make sense? What if may mangyari pala sa kanya pauwi? Grrr!
Ramdam niya ang frustration ni Giselle. Ayun rin kasi ang nag-udyok sa kaniya para samahan si Rina pauwi.
Magrereply pa lang sana siya nang biglang may message ulit na natanggap siya mula kay Giselle.
Giselle: Anyway, I’m thankful that you were with Rina.
Giselle: Sinabi niya ba sayo na may sakit siya?
Giselle: Wala lang, I’m just expecting na susunod ka sa amin if hindi ka tumuloy sa lakad mo.
Giselle: Kasi no one knew about Rina… well, except sayo?
Tinap niya ang gilid ng phone. Para namang pulis itong si Giselle. At hindi ba nasabi ni Rina sa kaibigan ang rason niya?
Win: Haha, oo nga. Masama rin kasi pakiramdam ko kaya naisipan ko na umuwi na rin.
Win: Sakto, pauwi rin si Rina.
Giselle: Wow. You sent a pretty lengthy message.
Giselle: Can you recite that message to me in person? With pauses sana since you’re complete with punctuations and all.
Giselle: And oh, don’t forget the ‘Haha’ part.
Nag-seen lang siya kay Giselle.
Giselle: IM JUST KIDDING OMG DON’T LEAVE ME ON READ!
Pinatay na niya ang phone. Pinag-titripan na naman siya ni Giselle. Monday ngayon. Kahapon, kinamusta niya si Rina kung okay na ang pakiramdam nito. Napaamin niya rin kasi ang kaibigan habang nasa bus sila.
“I’m just feeling under the weather,” sagot ni Rina sa kaniya.
Okay na naman daw si Rina pero hindi pa rin siya nakapasok at nasa bahay pa rin hanggang ngayon. Bukas na daw siya ng gabi luluwas at Wednesday na siya papasok sa office. Tuloy-tuloy lang kasi ang usap nila after niya kumustahin si Rina at kahit pa nga kaninang umaga, nagpapalitan sila ng mensahe at natigil lang noong nag-start na siya mag-work.
Bago ito sa kaniya. Never pa siya nakipag-usap sa iba nang higit sa kumustahan.
Ngayon kasi, parang bawat galaw nila, ikinukuwento nila sa isa’t isa. Panay rin ang pagsend ni Rina sa kaniya ng mga meme at videos na pinapanood. Bored daw siya sa bahay at kailangan niya ng kasama tumawa sa mga nakikita sa internet.
Okay lang naman sa kaniya. Kapag inaantok siya, saglit siyang nag-checheck ng message mula kay Rina.
Tulad ngayon. May dalawa siyang fifteen-minute break every afternoon.
Rina: Look! This cat is soooo cute.
Rina: And masungit pero cute.
Rina: *attached video
Pinanood niya ito. Napangiti rin siya.
Win: Ayaw mo matulog?
Alas dos pa lang kasi ng hapon. Tamang-tama mag-siesta.
Rina: Is that your way of telling me to stop sending you messages? 😣
Win: No.
Win: That’s my way of telling you na magpahinga ka.
Rina: Then you could’ve just said so 😒
Win: Alin?
Rina: Na magpahinga ako.
Win: Sinabi ko naman.
Rina: No. You asked if ayaw ko matulog.
Napahawak siya sa sentido niya. Hindi naman niya alam na makulit at may pagka-demanding si Rina kapag may sakit.
Win: Sleep, Rina.
Win: Or rest your eyes. You’ve been on your phone since morning.
Rina: Okay, doc ☺️
Rina: I’ll you send links again when I wake up para naman happy ka 🤪
Hindi na siya nagreply. Hahaba lang ulit ang usap ni