XXIII. Panatag.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Pagod na pagod siyang humiga sa kaniyang kama. ‘Yung first week niya dito sa Chicago, puro labas lang sila kasama ng mga kaibigan—o si Isa. Kinalimutan na muna niya ang mga iniisip at sinubukang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan. Namiss niya ang mga ito at ang mga kakulitan nila.

 

Parang wala namang nagbago. Makukulit pa rin sina Jaemin, Renjun at Isa. Silang tatlo kasi ang magkakasama sa LA habang si Chaewon ay sa New York nag-aaral. Si Sumin naman, dito pa rin sa Chicago. May business ang parents nito sa city at doon siya nagtatrabaho ngayon.

 

Lumabas rin sila kasama ang parents ni Isa. Maraming gustong gawin ang parents ni Isa na kasama siya. Namiss rin daw kasi siya ng mga ito at masaya na paminsan-minsan ay bumibisita pa rin siya.

 

Buong linggo rin na halos wala silang usap ni Rina. Bukod sa sobrang busy ni Rina, hindi rin magtagpo ang schedule nila sa pag-uusap. Simpleng good morning at good night na lang halos ang palitan nila ng mensahe.

 

Okay lang naman sa kaniya. Ayaw niya rin masyadong abalahin si Rina at mag-isip. Tamang siya na lang ang dapat mamroblema sa kanilang sitwasyon. Si Isa naman ay hindi pa ulit inuungkat ang tungkol sa pag-stay niya dito sa US. Pero nangako siya kay Isa na mag-uusap ulit sila.

 

Naisipan niyang magbukas ng phone. Tunog kasi ito nang tunog habang nasa labas siya kanina at hindi muna ito binuksan.

 

Napangiti siya. Maingay kanina ang mga kaibigan sa Pilipinas sa GC nila. Alas kuwarto ng madaling araw habang sa kanila naman ay alas singko ng hapon. Sabado ngayon sa Pilipinas.

 

RJ: May kuwento ako.

Yuna: RJ, wag kasi!!!!

RJ: HAHAHAHA. Alam nyo ba si Yuna nakita ko kasama yung ex nya.

Chenle: ???

Beomgyu: Yuna wtf?? Akala ko may bagong nanliligaw sayo?

Ning: Ano Yuna di na natuto?

Yuna: Raulo ka RJ, ang daldal mo! Aksidente lang kami nagkita.

RJ: tapos diretso coffee shop kayo?

Giselle: Gurl I thought we’re over him?

Lia: Bakit we? Kasali ka sa relasyon, Giselle?

Giselle: HAHA funny, Lia. Bawal ang pilosopo dito.

Yuna: Lemme explain please 😭😭

Yuna: Win asan ka na ba? Ikaw lang kakampi ko dito balik ka na pls.

 

Natawa siya. Isang linggo pa lang siyang nawawala, hinahanap na niya ang ingay ng mga kaibigan. Hindi naman siya ganito kapag umaalis siya dati. Mahaba pa ang pinag-usapan ng mga kaibigan at kasalakuyan lang siya nag-baback read ng messages. Napansin naman niya na hindi nag-message si Rina at nag-seen lang ito.

 

Bigla naman nagring ang phone niya. Ngumiti siya nang lumitaw ang pangalan ni Rina sa screen at agad itong sinagot.

 

“You’re still awake?” Sambit ni Rina pagkasagot niya sa tawag.

 

“I just got home,” sagot niya.

 

“4 AM?”

 

“Hm. Friday night out na nauwi ng hanggang madaling araw. I was out with friends,” sagot niya lang. “Ikaw?”

 

“I’m home...” Saglit silang natahimik.

 

Sa totoo lang, just a week ago, sapat na sa kaniya na alam niyang nasa kabilang linya lang si Rina. Pero ngayon, gusto niya itong makita at mahawakan. Gusto niya ulit maranasan ‘yung pakiramdam na payapa siya makita niya lang ang mukha ni Rina.

 

“Mag-sleep ka na?” Tanong ni Rina.

 

“I can’t sleep,” pag-amin niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rina.

 

“Okay, I’ll stay. Tell me about your day and the things you will be doing tomorrow.”

 

Pagkasabi noon ni Rina, ikinuwento na niya ang mga ginawa nila ng mga kaibigan ngayong araw. Naglibot lang sila buong araw, lunch and dinner outside at panghuli ay bumisita sila sa sikat na jazz bar sa city.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet