XXIV. Palaisipan.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

“So, do you have any plans on answering my question?”

 

“What question?” Pabalik na tanong niya kay Isa.

 

Kasalukuyan silang kumakain ng dinner sa bahay niya. Nagluto si Isa ng paborito niyang Baked Mac and Cheese.

 

“Who’s Rina?” Ulit ni Isa sa tanong niya noong unang araw niya rito.

 

Akala niya nalusutan na niya ito nang sabihin kay Isa na kaibigan niya si Rina sa Pilipinas pero hindi pala satisfied ang kababata sa tanong niya. Iba rin si Isa.

 

Mahigit na isang linggo na at hindi pa rin pala ito tapos sa topic na iyon. Hindi naman kasi siya nagsisinungaling. Totoo naman kasi na kaibigan niya si Rina—sa ngayon.

 

Siguro.

 

“I said she’s a friend,” simpleng sagot niya.

 

“Her message to you says otherwise. You’ve just been away not even a day when you received that message from her. ‘I already miss you’? And you’ve been checking your phone kahit wala ka namang kausap. ” Kunot-noo na tanong ni Isa.

 

Napangiwi siya. Hindi naman sila maya’t maya na magka-text ni Rina, pero panay naman ang tingin niya sa gc nila at sa inbox nila ni Rina.

 

Tinotoo ni Rina na hindi siya guguluhin nito at bibigyan siya ng space. Nagmemessage pa rin ito sa gabi para sabihan siya na matulog na pero hindi pa rin sapat sa kaniya iyon.

 

Hindi na yata niya kaya—

 

“Maybe she’s a friend to you, but to her… it’s more than that,” putol ni Isa sa iniisip niya. “It’s weird that she sends you messages like that. Are you giving her mixed signals? Because I know you, you’re very nice, but hard to be close with.” Dire-diretsong sambit ni Isa.

 

“What’s weird about that?” Tanong niya.

 

Napatitig sa kaniya ang kaibigan, matalim ang tingin nito na parang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. Hindi naman siya nagpatalo; tumingin siya nang diretso kay Isa.

 

“Woah,” sambit ni Isa. “Don’t tell me…”

 

“She’s not a girlfriend.”

 

“I didn’t even mention a girlfriend—wait!” Hinintay niya na ituloy ni Isa. Kilala siya ng kababata. Alam niyang gets nito ang gusto niyang iparating kahit na hindi malinaw ang kaniyang mga sinabi. “Do you like this girl?” Mahinang tanong ni Isa sa kaniya.

 

“Yeah,” walang pag-aalinlangang sagot niya. Nasasanay na siya sa mga ganitong tanong at sanay na rin siya na sumagot nang hindi na masyadong nag-iisip. Sinabi niya noong una kay Isa na kaibigan lang ito dahil ayaw niyang magpaliwanag—hindi naman talaga sila ni Rina at ayaw niyang isipin ni Isa na pinipigilan siya ni Rina sa pag-alis niya sa Pilipinas.

 

Hindi ganun si Rina. Suddenly, she felt very protective of Rina, kahit wala pa naman sinasabi si Isa.

 

Hindi niya alam pero parang nalungkot si Isa sa sagot niya. “Do you have a problem with it?” Tanong niya. Kinakabahan siya, unang beses pa lang naman siyang aamin kay Isa.

 

“With what?”

 

“The fact that I like a girl.”

 

“No,” mabilis na tanggi ni Isa. “Of course, not. It’s just…this is the first time you’ve liked someone.”

 

Tumango siya.

 

Maya-maya, nagsalita si Isa pero hindi na ito nakatingin sa kaniya. Nakatitig lang ito sa pinggan niya at nilalaro ang pagkain. “Is this the reason why you’re having second thoughts on staying here?”

 

Napabuntong-hininga na lang siya. Napapagod na siya sa ganitong topic.

 

“I’ve been having second thoughts even before the thing with Rina happened.”

 

“So, you guys have a thing…”

 

“It’s not something that’s certain. We just feel the same for now. I have a lot of things on my plate right now and she understands…”

 

“Did she ask you to stay there?” Tumingin na sa kaniya si Isa. Madalas, kaya niyang basahin ang kaibigan. Alam niya kung anong iniisip nito, pero nahihirapan siyang makita kung anong emosyon at kung anong nararamdaman ngayon ni Isa.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet