Balik-tanaw: Bawat Piyesa.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Win: Sabay na tayo. Kakain pa rin ako ng breakfast bago umalis, hintayin na kita 

 

Napangiti si Rina sa nabasa. Minsan, natatawa lang siya sa mga messages ni Win sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang lamig at parang naririnig niya pa ang mahinang boses nito. It was never hard for her to imagine the look on Win’s face every time. Sanay na kasi dito na blangko lang ang mukha nito at ang mga tipid na ngiti nito.

 

At hindi nga nagkakamali si Rina. Nang makarating na siya sa bus na sinasakyan ni Win, at bumati sa kaibigan, agad na tumayo ito. Tipid ang bati at tipid ang ngiti ni Win sa kaniya.

 

Sanay na si Rina.

 

Pero hindi siya sanay na mahimbing ang tulog ni Win sa tabi niya. Hindi niya pa ito nakitang natulog o sobrang relaxed ang katawan sa kahit anong lugar. Natatawa siya habang pinapanood ang paggalaw ng ulo ni Win dahil sa alog ng sasakyan, at mas nakakatawa rin na hindi ito nagigising.

 

Dahil hindi naman siya masamang tao, kinuha niya ang jacket sa bag niya, ginawa niya itong parang unan at inilagay sa balikat niya bago ihilig ang ulo ni Win dito. Inayos niya saglit ang pagkakaunan ng ulo ni Win sa kaniya at umayos sa upo.

 

Mahaba ang biyahe nila at siguradong sasakit ang balikat niya, pero wala siyang pakielam. Ang sabi ni Win, wala pa siyang tulog.

 

Hindi naman masama na tulungan niya ito sa mga ganitong pagkakataon. Narinig ni Rina na humugot ng malalim na hinga si Win. Mukhang himbing na.

 

Napangiti na lamang siya at pumikit. Aayusin na lang ulit niya ang puwesto ni Win mamaya bago ito magising.

 

Alam niya rin kasi na mailap si Win sa tao at hindi niya ito nakikitang dumidikit kung kani-kanino. Hindi niya alam kung noong araw na iyon nagsimula, pero parang gusto niya lang na palaging nakikita si Win.

 

Gusto rin ni Rina kapag si Win ang unang ngumingiti sa kaniya kapag nagkakasalubong sila sa building.

 

Sa mga sumunod na araw, gumagawa siya nang paraan para makasama si Win. Matagal na siyang curious kay Win, kahit noong college pa, pero hindi naman siya umabot sa ganitong punto—‘yung kulang na lang, imbitahin niya ito na lumabas na silang dalawa lang.

 

Medyo nagpanic siya sa naisip.

 

Bigla-bigla rin ang pagbilis ng tibok ng puso niya kapag ngumingiti si Win sa kaniya. Nang malaman niya mula kay RJ na na-sprain ang paa ni Win, sobrang nag-alala siya.

 

Parang may mali, iniisip niya. Kailan pa siya naging sobrang concerned kay Win?

 

Hindi gusto ni Rina ang nakikitang pagngiwi ni Win kapag naglalakad sila. Gusto niya itong hawakan at alalayan, pero hindi niya rin magawa dahil nahihiya siya. Nawala rin siya sa mood noong parang walang interes si Win sa topic na pinag-uusapan nila noong nakasakay sila sa kotse.

 

Alam niyang napansin rin ito ni Win dahil ramdam niya ang pagsulyap sa kaniya ng kasbay, pero nahiya naman siya sa tinuran niya kaya hindi na lang siya umimik buong biyahe nila.

 

Hindi rin niya kasi alam ang sasabihin at naiinis siya dahil hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya.

 

Ang sabi niya noong college sila, hindi na niya iisipin si Win at ang dahilan nito kung bakit sobra na lang ang pagdistansya sa kaniya ng dating kaklase.

 

Tinanggap niya na kasi na baka hindi lang talaga siya gusto kasama ni Win at nakikitungo lang ito sa kaniya dahil kaibigan siya ni RJ, pero tuwing naiisip niya ulit iyon ngayon, para namang may kirot siyang nararamdaman.

 

Para ring naririnig niya sa isip niya ang Ate niya.

 

“Crush mo ba si Win?”

 

Napapikit siya sa naalala. Minsan itong tinanong sa kaniya ng ate niya noong freshman pa lang siya.

 

Mas may interes pa daw kasi siya sa mga kinukuwento ng Ate niya tungkol kay Win kaysa sa mga ganap sa buhay ni Irene. Nahuhuli rin daw siya ni Irene na nakatitig kay Win kapag nasa club room sila ng kapatid.

 

Rina can still remember when Irene pointed out how red she was matapos tanungin siya. Hindi siya nakapagsalita at pinalagpas lang naman ito ng Ate niya.

 

Hindi niya iyon pinansin noon.

 

Wala namang masama, pero...

 

Hindi niya pa lubos na kilala si Win ng mga panahong iyon para sabihing may gusto siya dito.

 

“Gusto ko na nakikita kita.” Alam niya na maraming sinambit si Win noong gabing iyon bago sila maghiwalay, pero ayun lang ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya.

 

Ramdam pa rin niya ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Gustong-gusto niya ang narinig mula kay Win. Rina felt comforted hearing those words from Win. Hindi na siya nakatulog nang gabing iyon kaiisip sa dating kaklase. Somehow, she came back to what her Ate Irene asked her way back.

 

Do I like Win?

 

Hindi naman kasi siya makakaramdam ng ganito kung hindi.

 

Hindi naman niya gugustuhin na palaging makita ang dating kaklase kung hindi.

 

Hindi rin niya hahanap-hanapin ang presensiya nito sa tabi niya kung hindi—kahit pa nga iilang beses pa lang sila na nagkakasama nang matagal.

 

Rina then tried to test the water first. She had always been careful when it comes to this stuff.

 

Rina thought she confirmed it that time when they planned to watch a movie with the whole group. Lahat ng mga kaibigan nila, nagcancel either because of the traffic and rain or their work. Win wasn’t even replying to any of them.

 

Rina could’ve easily canceled the whole thing, too.

 

Sinabihan na rin kasi siya ni RJ na it will not be an issue to Win kung sakali mang tumuloy ito at walang maabutan.

 

Nagtext na rin daw kasi si Ning kay RJ na dadaanan na lang nito si Win sa uptown mall kapag hindi pa rin ito nagreply. Isisingit na lang daw ni Ning sa break niya.

 

But Rina insisted. Sabi niya, okay lang. Nag-confirm si Win sa planong panonood ng movie and she can wait. Wala rin naman siyang gagawin, at ayaw niya rin maabala pa si Ning dahil mas malayo ang opisina nito mula sa uptown mall.

 

Everything went well, kahit pa na may kaunting takot na baka may nangyari na nga kay Win o kaya naman ay hindi ito sumipot. Habang hinihintay niya si Win, kinakabahan siya. Rina was actually feeling ridiculous for being jittery while she waited for Win.

 

Goodness, this is not even a date.

 

Napairap siya sa sarili. Maya-maya lang, nakita na niya si Win na tumatakbo papalapit sa kaniya. Medyo basa ang buhok nito pati na rin ang suot na jacket.

 

“Saan sila?” Tanong ni Win sa kaniya.

 

Matapos niyang maipaliwanag ang rason ng mga kaibgan sa hindi pagtuloy ng mga ito, nagtanong ulit si Win. “Ikaw?”

 

Rina could see Win’s confused face. Sabi niya nga, she rarely saw any emotion sa mukha ni Win pero noong gabing iyon, parang litong-lito ang dating kaklase. Natawa na siya nang mahina. Rina wanted to be honest.

 

First sa sarili niya, and second...kay Win.

 

“RJ said you’re coming,” she answered. Rina knew she was being vague, but she did not want to scare Win kung sabihan niyang gusto niya itong makasama sa panonood ng sine. Win was still distant around her despite their many encounters the past few weeks.

 

Everything she’s doing and will be doing—is a risk.

 

But she wanted to try kahit pa nga hindi niya alam ang preference ni Win. Sa pagkakaalam niya, Win had never been in a relationship—wait!

 

Relationship agad?

 

Nang makapasok sila sa sinehan at makaupo na, nakita niyang nagbukas ng phone si Win para magbasa ng messages. Rina immediately took her phone out—she needed to tell their friends that they’re together...

 

Rina: We’re together na ni Win 😊

 

Lihim siyang napangiti nang maramdaman niya ang tingin sa kaniya ni Win. Tumingin siya rito at tipid na ngumiti. Ramdam niya pa rin na nakatingin si Win.

 

Ganito lang muna.

 

Doon rin natuklasan ni Rina na nag-eenjoy siya na biruin ang dating kaklase. Rina found it endearing when Win reacts funnily to her teases. Akala niya mapipikon si Win, pero marunong itong bumawi at biruin siya pabalik. Rina liked it when Win did that—feeling niya mas naging close siya kay Win.

 

It was also the first time they ate out together na silang dalawa lang. Rina asked for Win’s help para makalusot siya sa invitation ng mga co-workers and Win said yes almost immediately kahit pa nga hindi niya sinabi kung para saan.

 

Rina was supposed to be in a bad mood that night dahil sa mga mapipilit niyang co-workers pero it’s like Win has the switch to her mood—quickly turning off the bad mood and making her feel at ease and safe soon as Win called her name softly.

 

Yeah, that was it. Rina always felt safe whenever Win was around, kahit pa nga noong college pa lang sila that’s why the first person she thought of that night was Win. Rina knew she could take care of herself; alam niyang kaya niya rin ang sarili, pero hindi na rin masama na paminsan-minsan, humingi siya ng tulong.

 

Ganun rin naman ang gagawin niya kung sakaling nabaligtad ang sitwasyon nila.

 

When Rina pulled Win by the arm, away from her co-workers, she instantly felt warm. Mas dinikit niya lang ang sarili niya nang hindi umiwas si Win—she still made sure Win was not uncomfortable with the closeness.

 

Rina liked the feeling of being at ease sa tabi ni Win. Nasa punto na siya na natatakot siyang masanay, pero hindi rin naman niya magawang lumayo.

 

“Gusto mo magdinner ngayon dito?” Win offered when they stopped in front of some ramen house just around the corner from their building. She happily nodded and then she got the chance to talk to Win more. Win opened up a bit to her that night, too.

 

Maraming sinabi si Win pero isa lang ang paulit-ulit na naiisip niya. “...it still led me to you...”

 

Umiling siya. Malala na yata ito.

 

Testing the water, pero parang hindi na siya makakaahon.

 

“I’ve always liked talking to you,” pag-amin niya kay Win. Tumitig lang ito sa kaniya.

 

No rush. Lihim niyang ngiti nang umiwas nang tingin si Win sa kaniya.

 

But just when Rina was getting a little braver each day, she had to step back a little. Rina promised Win a nice dinner to thank her.

 

Nagtanong-tanong pa siya kung saan masarap ang pagkain. It was her Ate Irene who pointed her to that one hotel near her workplace. Sinabihan rin siya nang Ate niya na it’s better if she tried to reserve in person para makita niya ang place and menu.

 

 

Naisip niya na napaka-old fashioned ng Ate niya dahil p'wede naman itong gawin lahat online, pero mahirap daw kasi magpa-reserve dito. Sa huli, napilit siya ng kaniyang Ate na pumunta kahit na pakiramdam niya, pinagtitripan lang siya nito.

 

Rina knew she can be gullible at times.

 

At sana nga, hindi na lang siya nakinig sa Ate niya. Nakita niya kasi si Win na may kasama sa mismong restaurant—and she didn’t feel good sa nakita.

 

Ngumiti naman sa kaniya si Win and even waved at her, pero napaatras na talaga siya.

 

Baka hindi pa dapat ngayon.

 

Baka kailangan pa niya ng oras.

 

Rina tried to weigh her feelings again—not in a way na she was questioning if she liked Win—no. Rina already confirmed her feelings for Win, she just didn’t know if she has enough courage to go for it and possibly ruin their already budding relationship.

 

Rina wanted to think. Then, naging busy siya. She preferred it.

 

Kahit papaano, Win was out of her mind dahil sa mga trabaho niya. The thing was, it also took a toll on her dahil nagkasakit siya. She groaned in frustration. Ayaw niya nang nagkakasakit.

 

Wala ang Ate niya sa apartment at hindi niya kaya mag-isa dito. Rina couldn’t ask Giselle, Lia or even RJ to go with her because of their supposed lakad with their other friends. Rina just prayed na walang masamang mangyari sa kaniya while she’s on the road.

 

And then, Win had to show up, smiling widely at her like she was happy to see Rina. Akala niya may hinihintay lang si Win. Alam niya kasi, may lakad rin ito kasama ang mga katrabaho, pero nagulat siya nang marinig mula kay Win na sasabay siya pauwi.

 

Ang dami niyang tanong at nakikita niyang nahihirapan na si Win na sagutin ang mga ito.

 

Gusto niyang matawa, but she didn’t expect Win’s answer when she told the former na mukha namang hindi ito pagod. Masama daw kasi ang pakiramdam ni Win at pinagpapahinga rin ng doctor niya for the whole weekend.

 

“Hindi na,” nakangiting sagot ni Win sa kaniya.

 

Hindi na.

 

Ayaw niyang isipin at ayaw niyang umasa. Pero sa ngayon, pagbibigyan niya ang sarili. Gigising na lang siya bukas—puwede rin kasi na delusyonal na siya dahil sa lagnat.

 

But when she woke up that morning, she received a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Wagplease #1
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #2
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #3
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#4
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#5
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#6
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #7
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.
Kklavs #8
Chapter 11: kilergz
Kklavs #9
Chapter 10: ayieee
kwonjess13 #10
Chapter 60: hi win na di tatakbo. chariz! pero ung story ng parents nya ha nasabi ko na before na familiar. pero ung story ng breakup ng dad nya and ng ex nito...parang familiar din...anyway!!:nandito nga ko para magrelax at hindi magoverthink. so ang gagawin ko ay kiligin after ng i love yous nila.