XXV. Bitaw.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Maaga siyang pumunta sa sementeryo para bisitahin ang magulang. Mag-isa lang siya, madaling-araw pa lang naman kasi. Naglatag lang siya nang makapal na kumot sa damuhan at umupo. Tahimik lang siya na binubuklat ang mga iginuhit.

 

Hindi maganda ang pagkakaguhit niya pero napapangiti siya kapag nakikita niya ang mga lugar na nakasanayan niyang makita at puntahan. Napansin naman niya ang isinulat niya noong gabing iyon. Binura niya rin ito kaagad.

 

Nadala lang siya sa mga sinabi ni Isa noong huli silang mag-usap at pakiramdam niya, ang sama niyang tao kung kukuwestyunin niya pa si Rina. Alam naman niya na hindi rin madali kay Rina ang lahat. Sino ba naman kasi ang gustong mawalay sa taong gusto nila?

 

Kagabi, tumawag sa kaniya ang Tita niya at si RJ. Umiiyak ang Tita niya, sobrang close rin kasi nito sa kaniyang nanay. Sanay na naman siya. Hindi na siya umiiyak.

 

Huling beses na umiyak siya ay noong mga unang buwan na pamamalagi niya sa Pilipinas.

 

Hindi naman kasi siya sanay.

 

Bukod sa kaniyang magulang, nangulila rin siya sa mga kaibigan. Ang daming nabago, ang dami niyang kailangang matutunan kaya naman sobrang laki nang pasasalamat niya sa pinsan at sa pamilya nito dahil hindi sila nagkulang sa pag-aalaga sa kaniya.

 

Naiisip na naman niya ang bahay nila RJ sa probinsya. Nasanay na siya dito pati sa luto ng Tita niya. Parang noong isang linggo pa niya hinahanap ang luto nito kahit pa nga mas madalas sila ni RJ na mamalagi sa Maynila mula noong nagtrabaho sila.

 

Ayun rin naman ang dahilan kung bakit nila pinipilit na palaging umuwi sa probinsya—mas iba kasi kapag nasa sariling bahay ka. Iba ‘yung pakiramdam na ang kinakain mo ay lutong-bahay at hindi take-out foods na galing sa restaurant o fast food.

 

Marunong rin naman silang magluto ni RJ, pero iba pa rin talaga kapag mismong luto ng Tita niya sa probinsya.

 

Alam rin niya kung bakit hinahanap-hanap niya ito. Parehas kasi magluto ang nanay niya at Tita niya. Parehas sila ng mga recipe na alam kaya kahit papaano, parang naroon rin ang nanay niya.

 

Napag-isipan na rin niya ang lahat. Gusto niyang piliin ang sarili niya.

 

Gusto pa niyang makasama sina RJ—ang pamilya niya;

 

Gusto pa niyang makinig sa mga kuwento nina Ning at ng buong grupo niya;

 

Gusto pa niyang makita si Rina na malawak ang ngiti habang nakatingin lang sa kaniya;

 

‘Yung mga katanungan niya, ‘yung mga bumabagabag sa isip niya—nawala na ang lahat ng ito. Tuwing binabalikan niya ang naging usapan nila ni Rina noong gabing nagtapat sila sa isa’t isa, nawawala lahat ng isipin niya.

 

Sobrang understanding ni Rina at gusto niyang maging deserving para kay Rina. Hindi naman niya iyon magagawa kung mananatili siya dito sa US. Gusto niya ibalik lahat ng ipinaramdam sa kaniya ni Rina kahit na alam niya na kailanman ay hindi ito hihingi ng kapalit.

 

Napatigil siya sa iniisip nang mapabaling ang tingin niya sa harap.

 

Sa may ‘di kalayuan, nakita niya si Isa na naglalakad papalapit sa kaniya. May dala itong mga bulaklak. Alam nito kung anong oras siya dumadalaw sa mga magulang kaya hindi na rin siya nagulat na narito ito nang ganitong kaaga. Hindi niya lang siguro inaasahan na pupunta ito at sasamahan siya ngayon kahit na hindi naging maganda ang pag-uusap nila.

 

Ilang araw na hindi nagparamdam sa kaniya si Isa.

 

Tahimik lang itong tumabi sa kaniya matapos ilapag ang mga bulaklak sa puntod ng mga magulang niya—may kaunting distansiya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet