Balik-tanaw.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“So you’re just gonna continue treating me like this?”

 

Rina didn’t like what she just heard. Kasalukuyan silang nasa sasakyan ni Jeno at nakatigil ang sasakyan nito ilang blocks mula sa bahay niya. Jeno picked her up from RJ’s house. May tinatapos ulit silang paper at late na noong mapansin nila ang oras.

 

Agad naman siyang nagtext kay Jeno at nagtanong kung masusunod siya nito. Si Win kasi at RJ ang naghatid kina Lia. The truth was, it was okay if Jeno wouldn’t be able to pick her up but he insisted before to just message him whenever.

 

They could only spend their time like this ever since they started their first semester sa final year nila. But it seemed like her boyfriend woke up from the wrong side of the bed.

 

Nakaidilip na pala ito sa paghihintay sa kaniya at naka-ilang text siya pero hindi ito nagreply. When Rina called him and told him to just continue his sleep, he insisted to pick her up pero mukhang wala na ito sa mood.

 

“Treat you like what?” Balik niyang tanong kay Jeno. Noong sunduin siya ni Jeno, walang imik ang lalaki pagsakay niya sa sasakyan nito at bigla na lang itinigil nito ang sasakyan sa tabi bago pa sila makaabot sa bahay nila.

 

“I don’t know,” Jeno scoffed. “Late replies? Kapag iniimbitahan kitang lumabas, you always decline and kanina I texted you. Sabi ko update me, but then you didn’t reply at nagising na lang ako sa tawag mo na kailangan mo na pa lang umuwi,” mapait na sabi nito.

 

“I said you can go back to sleep, didn’t I?” Naiinis siya. Hindi naging maganda ang araw niya sa patong-patong na school works na ginagawa niya at dadagdag pa ngayon ang boyfriend niya. “You didn’t have to pick me up. P’wede mo akong iwan if you can’t come.”

 

“You know I don’t do that,” sagot ni Jeno.

 

“Pero isinusumbat mo,” mabilis niyang sagot. Humarap na sa kaniya ang lalaki. Kita sa mukha nito ang galit sa sinabi niya pero hindi pa siya tapos. “Alam mo kung gaano ako ka-busy. We’re graduating, Jeno!” Napalakas ang boses niya at kahit siya ay nabigla.

 

Rina closed her eyes and took a deep breath to calm herself. “Let’s just talk tomorrow. Parehas mainit ang ulo natin,” sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse pero pinigilan siya ni Jeno bago pa siya makalabas.

 

“Stay, Rina,” kalmadong sambit nito. “We won’t be able to talk tomorrow. Busy ka na naman bukas at baka nga sa isang buwan pa mangyari ang talk na ‘yan,” mahinahon ang boses ni Jeno nang sambitin ang mga salita pero rinig niya ang sarkastikong tono nito.

 

Rina slammed the door when she closed it. Ayaw niya sana mag-usap sila ngayon, pero naiinis siya sa tono

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet