XX. Ginhawa.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isa: I’ll pick you up 😘

Win: Aren’t you in LA rn?

Isa: Booked my flight soon as you said you’re coming back 🥰

Win: Just rest, Isa. I know my way to home

 

Binura ni Winter ang huling message bago niya ito i-send kay Isa.

 

Win: Just rest, Isa. I still know the way to the house.

Isa: Just give this one to me 🙄 I’ll pick you up and that’s final.

Isa: And oh, Jaemin and the others will be home too. We should hang out.

Win: Yeah, we’ll see.

Win: See you, Isa.

Isa: Can’t wait to see ya! ❤️

 

Bumuntong-hininga siya habang pinapanood ang mga kaibgan na magkalat sa living room ng apartment nila ni RJ. Napabaling siya kay Rina na kausap si Giselle at Ning sa couch.

 

Parang naramdaman ni Rina ang mata niya at lumingon sa kaniya. Agad itong ngumiti nang makita siya. Ngumiti lang siya pabalik. Kakalabas niya lang kasi ng kuwarto ng makatanggap ng text mula kay Isa.

 

Umupo siya sa tabi ni Yuna at agad naman itong pumulupot sa kaniya. “Win, ‘wag mo ako iwan, please.” Nag-iinarte na sambit nito.

 

Natawa ang mga kaibigan. ‘Yung labas dapat nilang dalawa ni Rina, nauwi rito. Bigla kasing nagplano sina Gyu na mag-hang out sa apartment nila ni RJ bago siya umalis bukas ng gabi.

 

Okay lang naman sa kanila ni Rina.

 

Medyo mahirap lang gumalaw nang maayos kahit na alam naman ng lahat ang tungkol sa kanila. Naikuwento na rin daw kasi ni Rina nang pahapyaw kina Giselle at Lia tungkol sa kanila.

 

Nagulat daw ang dalawa, pero agad naman daw naka-recover sa nalaman. Hindi na niya tinanong kung ano pa ang mga nangyari.

 

Mukhang okay naman kina Giselle at Lia dahil kanina pa siyang nginingitian ng dalawa na parang nanunukso.

 

“Parang hindi naman ikaw ang dapat magsabi niyan, Yuna,” si Giselle. Sumulyap pa ito sa katabi.

 

Nakangiti lang si Rina sa kanila.

 

“Pasalubong, Win,” sabi ni Gyu.

 

Tumango lang siya. Every year naman may mga dala siya para sa mga kaibigan.

 

“Oo nga pala, ‘yung SUV ang dala kong sasakyan. May gusto pa bang sumama sa inyo sa paghatid kay Win?” Tanong ni Chenle. Nag-volunteer si Chenle na ihatid siya. Half-day ito bukas at masusundo sila ni Chenle sa apartment nila ni RJ. Sinabi naman niya na ‘wag na lang pero mapilit ang kaibigan.

 

Start na rin ang leave niya bukas sa opisina kahit na alas diyes pa naman ng gabi ang flight niya. Mahaba ang flight at mapapagod siya kung manggagaling pa sa trabaho.

 

“Bakit kasi Friday ang flight mo? Sana ginawa mong Sabado para hatid-pamilya ka,” sabi ni Ning. Tumawa na ulit sila. Hindi naman sila ganito dati kapag aalis siya.

 

Big deal nga siguro ngayon ang kaniyang pag-alis.

 

“For sure, Rina will be there tomorrow night sa alis ni Win,” banggit ni Lia. Tumingin ito kay Rina na parang nanghahamon.

 

Probably daring Rina to confirm it.

 

Napalunok siya dahil maging ang mga kaibigan ay napatigil sa pagkukulitan sa sinambit ni Lia. First time na ma-acknowledge ang tungkol sa kanila Rina.

 

Sumulyap siya kay Rina at nakangiti lang ito. “Of course,” diretsong sagot ni Rina. Alam naman niya na kasama si Rina dahil napag-usapan na nila ito pero hindi niya inakala na sobrang dali lang para kay Rina na kumpirmahin ang tanong ni Lia.

 

“SHET!!” Sigaw ni Yuna sabay tulak sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet