LII. Inroads.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Mabilis lang na nagdaan ang isang linggo at heto na nga sila ngayon ni Rina na kasama nag-dinner ang buong pamilya niya. Gusto niyang matawa sa dami ng inihanda ng kaniyang Tita kanina at kahit si RJ ay kita niya ang pagpipigil ng tawa habang si Rina naman ay nakangiti lang sa mga sinasabi ng Tita niya. 

 

Kahit ang kuya ni RJ na si Johnny ay parang nagtataka sa dami ng inihanda at ang Tito naman niya ay tuwang-tuwa sa mga nakahain na pagkain. Parang piyesta lang kasi ngayon sa kanila at halos wala na silang paglagyan ng kanilang mga plato dahil puno na ito ng mga ulam. 

 

Hindi niya rin alam kung bakit biglang kumpleto silang lahat ngayon. Nang ipakilala niya si Rina bilang girlfriend niya sa kaniyang pamilya, wala naman ibang sinabi ang pamilya bukod sa pag-welcome ng mga ito kay Rina. Nagbiro pa nga si Johnny na baka raw mula college pa lang ay sila na pero hindi lang nila sinasabi. 

 

“Sabi ni Tita, simpleng dinner lang,” bulong niya kay RJ. 

 

“Favorite ka na pamangkin ni mommy,” bulong pabalik ni RJ. Napailing na lang siya dahil siya lang naman ang pamangkin ng Tita. Mommy niya lang naman ang kapatid ng Tita niya at nag-iisang anak siya. 

 

“You mean favorite na anak?” Pang-aasar niya kay RJ.  

 

“Win, anak!” Tawag sa kaniya ng mommy ni RJ at natawa na lang siya bago sumunod sa kaniyang Tita papunta sa kusina. Tapos naman na silang kumain ng dinner at nag-uusap na lang kanina si Rina at ang Tita niya sa may living room.  

 

Lumingon siya kay Rina na ngayon ay kausap si RJ. Tumingin sa kaniya ang girlfriend at ngumiti.  

 

“Win!” Tawag ulit sa kaniya dahilan ng pagtawa ni Rina at pagsenyas nito na sumunod na. 

 

“Yes, Tita?” 

 

“Iinom ba kayo?” Tanong ng Tita niya habang kumukuha ng mga wine glasses sa cabinet. “Gusto ng Tito mo na uminom. Beer ba or wine? Tanungin mo pala muna sina Rina at RJ. Ang Kuya Johnny mo kasi maagang aalis bukas...”  

 

“Tita?” Tawag niya.  

 

Tumigil naman ang Tita niya sa pagkuha ng mga baso at nakangiting humarap sa kaniya. “Ano ‘yun, anak?” Hindi naman bago sa kaniya na tawagin siyang anak ng Tita niya pero iba ‘yung pakiramdam ngayon.  

 

Lumunok siya. Nakikita niya kasi ang mommy niya sa Tita niya. Sobra rin na magka-mukha silang dalawa at iniisip niya na ganito rin siguro itong kaabala kung ipapakilala niya si Rina sa mga magulang niya. “Thank you po,” mahina niyang sabi. Parang pipiyok pa siya.  

 

Inilapag ng Tita niya ang mga hawak na baso sa kitchen counter at lumapit sa kaniya para yakapin siya. “Miss mo na naman sila?” Tanong ng Tita niya.  

 

Mas humigpit ang yakap niya sa Tita niya at paulit-ulit na tumango sa balikat nito. Hindi lang din mawala sa isip niya ‘yung imahe na narito rin ang mga magulang niya sa isa sa mga pinaka importanteng araw sa buhay niya.  

 

“I’m sure sobrang masaya sila para sa’yo,” bulong sa kaniya ng Tita niya. Tahimik lang siyang humikbi. Hindi na yata talaga mawawala ‘yung kirot kahit gaano katagal nang wala ang kaniyang mga magulang. “Tama na ang iyak, sabihin naman ng girlfriend mo pinaiyak kita,” biro nito. 

 

Kumalas siya at natawa sa sinambit ng kaharap. Agad siyang nagpunas ng mga luha at tumango.  

 

“Beer or wine?” Pag-ulit na tanong ng Tita niya.  

 

“Beer,” sagot niya at tinulungan niya ang Tita niya na kumuha ng mga alak at baso para sa kanilang lahat. Nang makabalik sila sa living room, takang nakatingin sa kaniya sina RJ at Rina. Halata siguro sa mata niya na galing siyang iyak. 

 

Ramdam niya ang nag-aalalang mga mata ni Rina na nakasunod sa kaniya sa bawat galaw niya. Nginitian niya lang ito at bumulong. “I’ll tell you later.” Ngiti at tango lang ang nakuha niya kay Rina at bumalik na sila para makipagkuwentuhan sa pamilya niya. 

 

Hindi na sila uminom ni Rina.  

 

Si RJ naman ang patuloy na nagkukuwento kung paano naging sila ni Rina habang siya ay sumisingit lang sa usapan kapag napapasobra ang kuwento ni RJ. Hindi rin nagtagal ay napagod na ang parents ni RJ at iniwanan na silang tatlo. Si Johnny, kanina pang tulog dahil aalis daw ito bukas. 

 

“Grabe, sobrang busog ako ngayon. Feeling ko pamamanhikan ‘to hindi meet the family,” sambit ni RJ na ikinatawa nilang dalawa ni Rina. Nakasandal na ngayon si RJ sa backrest ng couch habang napapagitnaan nilang magpinsan si Rina.  

 

Medyo nagrelax din si Rina sa tabi niya. Ilang oras na silang magkasama mula kanina pero ngayon lang sila nakapagdikit. May kaunting distansya pa rin kasi sila kanina noong kaharap nila ang parents ni RJ.  

 

“Dito ka na matulog, Rina,” sambit ni RJ. 

 

Umiling naman si Rina, “I can’

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet