XI. Unti-unti.
Muni-muni
Pangatlong araw na ng kaniyang night shift. Inakala niya na fixed na ang sched niya sa day shift pero dahil napunta siya sa international client nila, kinakailangan niya ulit mag-night shift. Two weeks lang naman daw at balik na siya sa dati.
Na-mimiss na niya ang araw. Tulog kasi siya buong umaga hanggang hapon. Hindi na rin tama ang meals niya. Halos dalawang beses isang araw na lang siya kung kumain. Naranasan na naman niya ang mag-night shift dati pero parang mas pagod siya ngayon.
Nag-aayos pa lang siya para sa 9 pm na work niya nang makatanggap ng message. Puwede kasi siya mag-time in sa work until 11 pm.
Si Rina ulit.
Mas napapadalas ang pagpapalitan nila ng mensahe nitong nakaraang linggo.
Rina: Hey, Win. What time is your shift tonight?
Win: Between 9-11 pm. Why?
Rina: Kumain ka na?
Kumain ka na?
Kumain ka na?
Hindi niya alam kung bakit parang nag-eecho ito sa isip niya.
Win: Hindi pa.
Win: Bakit?
Rina: I’ll be out by 8 pm. Let’s have dinner before ng shift mo?
Hindi siya agad nakapagreply kay Rina. Biglang dumating si RJ. Bumati lang ang pinsan sa kaniya at sinabing magluluto muna ito.
“Kumain ka muna bago ka umalis. Maliligo lang ako then magluluto,” sambit ni RJ. Seven-thirty pm pa lang. Marami pa siyang time. Puwede niya rin imbitahan ang pinsan na sumabay sa kanila ni Rina magdinner.
Naguguluhan siya.
Win: Sige.
Bahala na. Baka pagod na si RJ kaya siya dumiretso ng apartment. “RJ, sa labas na ako magdidinner.”
Tumaas lang ang kilay ng pinsan bago tumango. “Okay, ingat ka.” Mabilis siyang nag-ayos ng gamit. Nararamdaman niyang maraming tanong ang pinsan at hindi siya sure kung gusto niyang sagutin ang mga ito.
Napag-usapan lang naman nila ni Rina na sa mismong building na sila magkikita. Saktong 8 PM nang makarating siya sa office. Nag-text lang siya kay Rina na iiwan niya muna ang bag sa locker niya sa opisina. Dinala niya lang ang card holder at phone niya.
May malawak na ngiti si Rina nang salubungin siya sa may elevator ng lobby. Nakatali ang buhok nito, light make-up at blouse na naka-tuck sa kaniyang pencil skirt na umabot just below her knee. Naka-flats na ito. Usually, naka-heels ang kaibigan kapag nakikita niya.
Pansin niya lang na nagsusuot ito ng flats kapag ganitong pauwi na si Rina. Okay pa rin naman, matangkad kasi si Rina.
Parang ang tagal nilang hindi nagkita kahit minsan ay nagkakasalubong naman sila sa building.
Naglalakad na sila ni Rina palabas ng building. Nag-crave naman daw si Rina ng Samgyup. Wala naman masyadong bago, makuwento pa rin si Rina at siya naman ay nakikinig lang. Stress reliever daw ni Rina ang mag-Samgyup. Gusto raw ng kaibigan ‘yung nagluluto dahil kahit papaano, occupied ang isip niya ng meat.
Gusto niyang matawa at sabihing weird ang kasama.
“Until when na ganyan ang shift mo?” Tanong ni Rina. Hinayaan na niya ang kaibigan na magluto ng meat. Mukhang masaya kasi ito habang inihahanda ang mga in