XXXIV. Coffee Break.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Anong sabi mo?” Tanong niya kay Yeonjun. Lunch break niya ngayon at tumawag ang lalaki sa kaniya para mangamusta. Hindi na daw kasi siya nagparamdam pagkabalik niya galing Amerika at gusto ulit nito na magset ng date para lumabas silang lahat.

 

Hindi na din daw siya active sa group chat kaya tumawag na ang lalaki para walang kawala. “I said love at first sight,” pag-ulit nito. Kinukuwento kasi ni Yeonjun ‘yung naka-blind date nito last night at na-love at first daw ang lalaki. Napangiwi na lang siya sa term.

 

“Yeonjun, seryoso ka ba?”

 

“Well, not really mahal ko na agad. It’s just a term, Winter. I like her...”

 

Tumango siya kahit hindi siya nakikita ng kausap. Maya-maya, nabuntong-hining na siya. Tuwi na lang makakarinig siya ng anything related sa word na love, parang dumadami ang isipin niya.

 

Dapat nga, wala na siyang iniisip ngayong okay na siya at alam na niya ang gusto niyang gawin sa buhay.

 

“Lalim naman ng hinga natin,” pagpansin ni Yeonjun. “May problema ba?”

 

“Hm...” Hindi niya alam kung magandang ideya ito pero wala naman masamang magtanong. Hindi kasi siya makapagtanong kina Ning at lalo na kina RJ. Kahit papaano, nahihiya pa rin siya at  sigurado na puro tukso ang aabutin niya sa mga iyon.

 

Si Yeonjun naman, hindi niya kilala si Rina at medyo safe siya. “Hypothetical question...” patuloy niya. 

 

“Okay? Ano ba ‘yun?”

 

Here goes nothing. “Halimbawa, almost three weeks pa lang na naging official na kayo...masyado ba mabilis kapag mahal mo na?”

 

Namagitan ang katahimikan sa kanila at maya-maya, nagsalita si Yeonjun. “Mahal mo na?”

 

“Huh?” Gulat niyang tanong.

 

“Sabi ni Yeji, you’re dating someone. Magbukas ka kasi ng gc natin. Tagal na namin ikaw pinag-uusapan do’n,” natatawang sambit ni Yeonjun. Hindi siya umimik at hinintay na humupa ang tawa ng lalaki.

 

“Sabihin mo next time na lang ang kuwento... ‘yung tanong ko,” paalala niya kay Yeonjun.

 

“Sungit. Hm, okay...pero how long have you known this person ba?”

 

Hindi na niya kailangang mag-isip. Four years sa college at almost two years na silang nagtatrabaho sa iisang building. “Almost six years...pero we’re not close dati.”

 

“Wow,” bulalas ni Yeonjun. “Tapos almost three weeks pa lang kayo na officially dating?”

 

“Yeah,” mabilis niyang sagot.

 

Narinig niya ang mahinang tawa ni Yeonjun. “I’m not an expert, Winter, bakit sa akin ka pa lumapit?”

 

“You mentioned love at first sight?”

 

“It’s dumb, okay? I mean, yeah attracted ako noong nakita ko s’ya and then I liked her after talking and knowing her a little bit and I’m hoping na it wouldn’t be our last date. Hindi naman literal,” paliwanag ni Yeonjun.

 

“Okay?” Impatient niyang tanong. “Then...what do you think about sa sinabi ko? Doesn’t matter if you’re an expert or not.”

 

“You’re really bothered,” seryosong sabi ni Yeonjun na kahit siya ay nag-alala para sa sarili. Hindi siya impatient na tao o kaya ‘yung tipo na diretsong manghihingi ng payo sa iba. Madalas kasi, sinasarili niya ang lahat.

 

Pero iba na rin kasi ang usapan ngayon. Mukhang hindi niya kaya ito nang mag-isa. “Sorry,” mahina niyang sambit.

 

“No, it’s okay,” agad naman na tugon ni Yeonjun. “You said matagal na kayo magkakilala...I think mas magugulat ako if you just met like a month ago or something. Do you feel like it’s wrong ba?”

 

Napakunot siya ng noo. Walang ganun. It felt so right kaya rin siya natatakot. Ni hindi man lang siya nag-isip dahil ramdam niya sa sarili, mahal na niya si Rina. Ang tanging iniisip niya lang ay kung okay lang ba kay Rina na ganito ang nararamdam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet