XLVIII. Kasama Kita.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Hindi ka talaga pumasok dahil gusto mo na ako makausap?” Tanong niya. Magkatabi silang nakaupo ni Rina ngayon sa couch habang nagkukuwentuhan lang sa mga nangyari sa kanila. Nabanggit ni Rina na kinausap siya ng Ate nito kagabi.  

 

Ramdam naman niya na may kinalaman talaga si Irene sa biglaang pag-uusap nila. Ang alam niya kasi, aabutin pa sila ng weekend dahil parehas silang busy sa trabaho. Hindi niya lang maalis ang tuwa nang malaman na mas pinili ni Rina na ayusin ang sa kanilang dalawa.  

 

“Bakit ba hindi ka makapaniwala?” Nagtatakang tanong ni Rina. “I’ve been neglecting you for so long... this is the least that I can do.” 

 

“You’ve done plenty,” sambit niya rito. Kita pa rin niya ang guilt kay Rina sa mga nangyari sa kanila. “Overcoming your fear—taking a risk with me, talking about the past that caused you pain...that’s more than I could ask for. It’s not easy.” 

 

“It wasn’t,” pagsang-ayon ni Rina. “But you made it easy for me, kahit na ikaw ‘yung nahirapan.” 

 

Umiling siya. Kaya naman niya lahat. “It’s weird.” 

 

“What is?” 

 

“I was never the type to try,” sagot niya. “I give up easily kahit saang bagay. There was a time when I failed to get into some university back in L.A., and I could’ve tried again, but instead, I went here sa Philippines. I always run away sa mga problema ko. It’s easier that way, you know? And I could’ve done that too noong nagkaproblema tayo, but I didn’t.” 

 

Hindi siya sigurado kung bakit sinasabi niya ang mga ito kay Rina. Kahit sa sarili niya dati, hindi niya maamin na mahilig siyang tumakas. Kahit si Isa na kaibigan niya, palagi siyang pinagsasabihan sa mga ganitong bagay.  

 

Pero sa unang pagkakataon, tinanggap niya at hindi siya tumakbo. Ang totoo niyan, sawa na siyang tumakbo. Nakakapagod; masasaktan mo ang mga mahal mo sa buhay at kahit na ang sarili mo. Hindi na niya gusto ang pakiramdam ng gano’n, at ayaw niyang iparamdam kay Rina. 

 

Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na kahit isang beses hindi siya natakot. Pero sabi niya nga, kaya niya—basta si Rina sa huli ang makakasama niya.  

 

“I don’t know if I grew up or it’s because of you,” nahihiya niyang sabi. “I feel like...I feel like I can do everything with you.”  

 

“I feel the same,” bulong ni Rina.  

 

“I wish I had known you sooner. High school me would be thrilled,” biro niya na ikinatawa rin ni Rina.  

 

Para namang nagliwanag ang mukha ng kaniyang girlfriend sa narinig. “Baby, you haven’t told me stories about your high school life. I would like to know.” 

 

Napailing na lang siya. Medyo marami siyang kahihiyan na ginawa noong high school siya na hindi na niya gustong balikan. “Hm, that’s a tale for another day. May pasok pa ako mamaya,” pagdadahilan niya. Pinanood niya ang pagtingin ni Rina sa wall clock nila sa apartment at pagkatapos ay sumimangot ito. 

 

“8 pm pa ang pasok mo. We have plenty of time,” sambit nito. 

 

“Kailangan ko matulog.” 

 

Tinaasan siya ni Rina ng kilay, “that didn’t seem like a problem kanina when you said you wanted to talk.” 

 

“Well, you can join me to sleep,” alok niya.  

 

“Tingin mo it would work?” Naniningkit ang mga mata nitong tanong.  

 

Tumango lang siya. Wala naman talaga siyang laban kay Rina simula pa lang. Bigla naman na umirap si Rina at hinawakan ang kaniyang mukha para hilahin siya papalapit para halikan. Nang maglayo sila, pinisil ni Rina ang kaniyang mga pisngi. “Stop being cute!” 

 

Mahina siyang tumawa at hinawakan ang mga kamay ni Rina. Marahan niya itong inalis sa kaniyang mukha pero hindi niya binitawan ang mga kamay nito. “I think we deserve sleep. It was an exhausting week.” Tumayo siya para hilahin si Rina papasok sa kuwarto niya habang ang huli ay nagpadala lang sa kaniya.  

 

Agad naman silang humiga sa kama. Mas natural na sa kanila ngayon ang magtabi kahit na ilang beses pa lang naman talaga silang nagtatabi na matulog. Ipinailalim niya ang braso sa ulo ni Rina at yumakap lang ito sa kaniyang beywang.  

 

“Are we gonna sleep all day? Make sure to alarm your phone,” sambit ni Rina. Nakapikit na ito habang siya ay mulat na mulat pa. Ang totoo niyan, hindi naman siya inaaantok pero kita niya kasi kay Rina na pagod ito. Dalawang beses itong nagluto ngayong araw at walang ginawa kung hindi ang asikasuhin siya. Sigurado rin siya na hindi rin ito nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo.  

 

“Okay.” 

 

Natahimik sila saglit. Ramdam niya ang paghinga ni Rina sa may bandang leeg niya at alam niyang hindi pa rin ito tulog. “Rina?” 

 

“Hm?” mahinang tugon nito.  

 

“Sleep,” bulong niya at marahang tinapik-tapik ang balikat nito. Inayos niya rin ang kumot na nakabalot sa kanilang dalawa.  

 

“Tell me a story,” sambit nito. 

 

“Makakatulog ka ba habang nagsasalita ako?” Natatawa niyang tanong.  

 

Naramdaman niya ang pagtango ni Rina sa kaniyang leeg. “You have a soft voice.” 

 

Napatikhim siya sa narinig na siya namang ikinatawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet