XXXII. Kaganapan.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“So, paano na ‘yung mga papel mo? You have dual citizenship, right?” Tanong ni Chenle sa kaniya. Kasama niya ang mga kaibigan ngayon dahil nag-arrange ng dinner si Ning. Friday naman ngayon at hindi sila uuwi sa probinsya ngayong week.

 

May trabaho rin kasi siya bukas at may mga kailangang habulin na deadlines dahil sa pagkawala niya ng dalawang linggo.

 

“Yeah, inasikaso na ng dad ni Isa lahat ng papel ko dati and may mga properties din kasi na naiwan ang parents ko sa ‘kin,” sagot niya. Sa ngayon, pamilya ni Isa ang nagmamanage ng mga properties na iyon kahit sa kaniya nakapangalan.

 

Nagpresinta kasi ang nanay ni Isa dati na siya ang bahala sa mga naiwan ng parents. Wala raw kasing tiwala ang mga magulang niya sa ibang mga kamag-anak nila sa US. Hindi kasi sila malapit dito at nang maiwan nga siyang mag-isa, mas interesado pa ang mga kaanak niya sa mga ari-arian ng kaniyang magulang kaysa sa kaniya.

 

Naalala niya pa ang unang tanong ng mga ito noong matapos ang libing ng ang kaniyang parents. Tinanong lang naman nila kung paano na raw ang mga pinapaupahan na bahay at apartment ng mga magulang niya at iba pang properties ng mga ito. Hindi man lang nila tinanong muna kung okay lang ba siya o kung gusto niya munang tumuloy sa kanilang bahay pangsamantala.

 

Pamilya lang ni Isa, ang mga kaibigan niya, ang mommy ni RJ at si RJ mismo ang unang nag-alala sa kapakanan niya.

 

Nahihiya na nga siya sa pamilya ni Isa pero wala rin naman daw masyadong pinagkakaabalahan ang nanay nito bukod sa pagpapaganda ng garden niya. Florist rin kasi ang nanay ni Isa at may-ari ito ng flower shop.

 

“Win, bumili ka na ng van,” banggit ni Ning. Napakunot siya ng noo. Ang random na naman nito.

 

“Anong van?” Tanong niya.

 

“Ipapasada natin pag-uuwi sa probinsya. Ako ‘yung magtatawag ng pasahero,” sambit ni Ning. “Extra kita rin every weekend.”

 

“That’s illegal!” Tawa niya sa tinuran ni Ning. Tumawa rin naman ang iba niyang mga kaibigan. Okay lang na maingay sila, nasa isang private room naman ulit sila ng restaurant. Ganitong klaseng restaurant talaga ang pinipili nila dahil maiingay sila.

 

“Pero seryoso, decided ka na talaga?” Tanong naman ni Yuna.

 

“Oo. Pinag-iisipan ko na rin na ibenta lahat ng properties ng parents ko. Nakakahiya na sa parents ni Isa na sila pa nag-aasikaso habang nandito ako sa Pilipinas,” sagot niya. Matagal na kasi niyang pinag-iisipan ito. “Wala rin akong tiwala na ipahawak sa iba ‘yung mga properties. Hindi ko naman matututukan.”

 

Mahinang tumawa si Beomgyu. “Grabe pala ang mga naiwan mo, hindi lang tao. Kung iisipin mo, mabubuhay ka na sa US kahit hindi ka magtrabaho. Pero you still stayed here,” sambit ni Beomgyu. Nakangiti lang ito sa kaniya.

 

Tumango siya. Tama si Beomgyu. Hindi niya kailangang maghirap doon. Sinigurado ng magulang niya na may maiiwan sa kaniya sakaling mawala sila. Bukod sa insurance money na nakuha niya mula sa pagkamatay ng mga magulang, may iniwan rin silang trust fund para sa kaniya.

 

Kinuha niya ang tubig at uminom dito. “I think...mas masaya ako dito,” mahina niyang sambit. Nakatungo lang siya pero ramdam niya ang pagtitig ng mga kaibigan. Bigla rin kasing tumahimik ang lahat. Wala siyang naririnig na pagkalansing ng kutsara at tinidor sa pinggan.

 

Mukhang hinihintay siya ng mga ito na magpatuloy. Umangat na ang kaniyang ulo at isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan.

 

Si Ning, Yuna, Chenle at Beomgyu. Sila ang mga taong tumulong sa kaniya at dahilan kung bakit hindi siya malungkot noong mga panahong bago pa lang siya na naninirahan dito sa Pilipinas. “Masaya ako dito...”

 

“Win...” naiiyak na sambit ni Yuna. Pinaalis nito si Chenle sa tabi niya at lumipat sa puwesto ng lalaki para yakapin siya. Natatawa siya sa ginawa ni Yuna pero yumakap rin siya pabalik.

 

Sa tapat naman niya ay kita niya ang saya sa mata ni Ning. Naluluha rin itong nakatingin lang sa kaniya. Tahimik lang naman na nanonood ang mga lalaki pero may maliit na ngiti sa mga labi nito.

 

Matapos ang yakapan, nagpatuloy na ulit sila sa biruan. Naka-recover na si Yuna sa pagda-drama at ngayon nga ay kung ano-ano ang hinihiling nito sa kaniya. “Ilang beses kaya kami nagdinner nina Rina at Ning noong wala ka,” sambit ni Yuna.

 

Napalingon siya sa katabi habang napansin niya ang paglaki ng mata ni Ning kay Yuna. “Bakit?” Tanong niya.

 

Nagkibit-balikat lang si Yuna. “Baka kasi malungkot siya,” nakangising sabi nito.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet