XXXVI. Tabi.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Rina: Hey, baby 🥰

Rina: Dinner with RJ daw, if okay sayo?

 

Patay. Hindi. Napatingin siya kay Yeji na busy sa binabasang papers. Nagyaya kasi ito ng dinner na silang dalawa lang. Hindi puwede si Mark at siya lang ang available ngayon.

 

Wala namang importanteng mangyayari pero nanghihina na daw si Yeji dahil ilang linggo na itong hindi nakakalabas. Puro office at bahay daw.

 

Wala rin naman silang naka-schedule na date ni Rina pero ang kaso, hindi niya agad nasabi sa girlfriend dahil busy siya buong hapon at nakalimutan na niya.

 

Win: Hey, sorry hindi ko agad nasabi sayo. Nag-aya kasi si Yeji tonight...

Rina: It’s okay 😊

Rina: Biglaan din naman. Kami na lang ni RJ.

 

Napaisip siya. Ilang araw na sila ni Rina na hindi nakakapagsabay mag-dinner. Puro saglit na pagkikita tuwing lunch break lang ang nagagawa nila. Busy kasi sila pareho at kahit nga ang outing dapat nila noong weekend, hindi na rin nila nagawa.

 

Biglaan ang dating ng trabaho ng mga kaibigan. Sila ni RJ ay hindi nakauwi sa probinsya at si Rina naman ay kinakailangang umuwi. Sobrang kaunti lang ng time nila ngayon sa isa’t isa...

 

Win: Is it okay if isama ko si Yeji?

Win: Gusto kita na kasabay kumain tonight.

Rina: Aw, you missed me?

Rina: It’s fine. I don’t think RJ would mind as long as okay din sa friend mo.

Win: Yep, I’ll ask her.

Win: and yes... I miss you.

 

Lumapit na siya kay Yeji at umupo sa harap nito. “Hey, Yej...”

 

“Yes, may kailangan ka?” Tanong ni Yeji.

 

“About the dinner...” kita niya ang biglang pagkunot ng noo ng katrabaho. “Tuloy tayo pero...okay lang ba if may kasama tayo?” Agad niyang sabi.

 

Ngumiti si Yeji. “Sure. Okay lang, I like meeting new people. Friends mo ba ang kasama natin?”

 

Nahihiya siyang ngumiti. Ang weird lang kung hindi pa niya sasabihin ang totoo kay Yeji. Lumapit pa siya kay Yeji, sinisiguradong walang makakarinig sa kaniyang sasabihin. “Pinsan ko and...g-girlfriend ko,” sambit niya.

 

Pinag-aralan niya ang reaksyon ng katrabaho. Nagulat ito pero makaraan ang ilang saglit ay matamis na ngumiti ito sa kaniya. “Girlfriend?” Malokong tanong ni Yeji.

 

Pakiramdam niya, namumula siya habang tumatango.

 

Tumawa na ng tuluyan si Yeji. “Ang cute mo!” Nanggigigil na sabi nito. “Is that the reason why you’re reluctant to tell us?”

 

Umiling siya. Wala namang kaso sa kaniya kung malaman ng iba. Never naman siya na pinilit nina Yeonjun na magkuwento kaya hinayaan na lang niya. Alam niya rin kasi na sooner or later, ipapakilala niya si Rina sa mga ito.

 

“Hindi naman,” sagot niya.

 

“It’s okay, Win. Actually...ako rin,” mahinang sambit ni Yeji.

 

“Hm? May girlfriend ka?” Gulat niyang tanong.

 

Natawa si Yeji at umiling. Lumapit din ito sa kaniya at bumulong. Napangiti siya sa narinig.

 

Ah. Bi.

 

“Now, you know,” sambit ni Yeji nang makalayo ito.

 

“So, okay ka later sa dinner?” Tanong niya ulit.

 

“Of course! I can’t wait to see ‘yung nagpapalabas ng dimple mo,” tawa ni Yeji. Umiling na lang siya at bumalik sa trabaho.

 

Nasabihan na niya si Rina at si RJ naman ay tuwang-tuwa sa balita. Buti raw at makikilala nila ang kaibigan niya sa trabaho.

 

Mabilis din na lumipas ang oras. Mas nauna sina Rina sa restaurant na pinili at ngayon nga ay naglalakad na sila ni Yeji. Malapit lang naman ito sa office.

 

Habang papunta sa lugar, binigyan na niya ng brief description ang mga makakasama sa dinner. Si RJ, walang hiya. Natawa pa si Yeji sa term, pero ang ibig sabihin niya ay kahit sino, nakakasundo nito at hindi nahihiya.

 

Si Rina naman, approachable at friendly. Marunong itong makipag-usap at hindi hinahayaan na ma-out of place ang mga bagong kilala.

 

“Tapos ikaw ‘yung walang pakialam?” Tanong ni Yeji. Narating na nila ang restaurant at kita na niya ang pinsan sa may corner booth.

 

“Hindi ah,” tanggi niya. Huminga siya nang malalim nang makalapit sila sa puwesto nila RJ. Magkatabi sina Rina at si RJ.

 

Gusto niyang ma-disappoint dahil hindi niya katabi si Rina, pero tama lang na ganito ang puwesto nila. Siya lang ang may kilala kay Yeji at kailangan niya itong samahan.

 

Tama na muna ang landi.

 

Tumayo naman agad si RJ at animong pulitiko na inabot ang kamay kay Yeji at nagpakilala. Natatawa siya habang si Yeji naman ay magiliw din na nagpakilala sa pinsan.

 

“Pinsan ni Win,” sambit ni RJ matapos sabihin ang pangalan. RJ na lang din ang ipinatawag nito kay Yeji, mahaba raw kasi ang Ryujin.

 

Napakamot na lang siya sa noo. Parehas naman na dalawang syllable lang ang pangalan at nickname ng pinsan. Tumayo rin si Rina at ngumiti kay Yeji.

 

“Uhm, si Karina,” banggit niya. Napatingin sa kaniya ang girlfriend pero ngumiti lang ito nang bumaling muli kay Yeji.

 

“Rina is okay,” sambit nito. Ang alam niya kasi, hindi nagpapatawag si Rina na Rina lang kapag hindi niya ka-close. Lahat ng schoolmate nila, Karina ang tawag dito at kahit nga mga katrabaho niya.

 

“Girlfriend ko, Yeji...” pakilala niya.

 

Kita niya ang pigil na ngiti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet