XXXVII. Down Bad.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Hey, Isa,” bati niya sa kaibigan. Kasalukuyan siyang nasa apartment. Kauuwi niya lang galing sa trabaho nang biglang tumawag si Isa. Hindi pa nga niya nailalapag ang mga gamit kaya nagstay muna siya sa couch habang kausap ang kaibigan sa video call.

 

“Winter, have you received the email I sent you the other day?” Tanong ni Isa sa kabilang linya.

 

“Not yet. Why?”

 

“Someone liked your house...” Hindi makatingin si Isa sa kaniya. Mabigat pa rin naman ang ganitong topic sa kaniya at alam ng kaibigan niya kung gaano niya kamahal ang bahay na kinalakihan niya.

 

“Hm, that’s good,” sambit niya.

 

“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ng kaibigan.

 

“Why wouldn’t I be?” kunot-noo niyang tanong.

 

Narinig na niya ang tawa ng kausap. “Hey, easy. I just wanna check and make sure that you’re okay now.” Tumango siya at hindi nagsalita. “Are you okay?” Tanong ulit ni Isa.

 

“Right now, yup,” maikli niyang sagot.

 

“I’m talking about your house,” Isa rolled her eyes at her.

 

“I’ll be okay, Isa...”

 

Isa sighed. Rinig niya ang bigat sa paghinga ng kaibigan. Alam ni Isa kung gaano ka-importante sa kaniya ang bahay. “You have us,” sambit nito.

 

Tumango siya, “I know.” Tumango lang rin si Isa sa kaniya at para silang nagkaroon ng kasunduan. Kilala nila ang isa’t isa at hindi na talaga siguro magbabago ang relasyon nila kahit gaano pa sila kalayo sa isa’t isa.

 

Balita niya kina Chaewon, nahihirapan pa rin si Isa sa pagtanggap ng naging desisyon niya pero sinabihan siya ng mga ito na hindi sila aalis sa tabi ni Isa. Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigan sa Amerika.

 

Siya dapat kasi ang mag-aalaga kay Isa, tulad ng ginawang pag-aalaga nito sa kaniya mula noong mga bata pa sila.

 

“You too, Isa. Just call me anytime,” ngiti niya dito.

 

Umikot na naman ang mga mata nito. “As if I can still do that,” mapait na sabi nito.

 

“Why not?”

 

“I don’t know if you’re just clueless or what, but you have a girlfriend now, right?” Tumango siya. Ngayon lang nila ito napag-usapan. Wala pa siyang sinasabi sa mga kaibigan sa Amerika. “Do you think your girlfriend would appreciate it if I just call you anytime I want to?”

 

Hindi ganoon si Rina. “She wouldn’t mind. You’re my bestfriend—”

 

“who is, apparently, still in love with you,” putol sa kaniya ni Isa. Parehas naman silang natigilan sa sinambit ng kausap. Parang naging awkward naman silang pareho ngayon. “And I’d be surprised if you didn’t tell her that.”

 

Tumikhim siya, “I...uhm...”

 

Isa scoffed, “you don’t have to be awkward about it. If she gets jealous, I’ll understand. I would, too if I were in her shoes.”

 

“You’re still my bestfriend, Isa,” mahina niyang sambit. “I should be there when you need me...just like how you’re always there for me every time I need someone.”

 

Malungkot na ngumiti sa kaniya si Isa. “It’s time we stop this, don’t you think? At least for now. You’re right, we will always be the best of friends, but it’s still different for me. If it’s not obvious, I’m trying to move on, Winter.” Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Isa, pero ramdam niya rin ang lungkot mula dito.

 

Tumawa rin siya nang mahina. “Why does it have to be me, of all people? I’m not that great,” biro niya kay Isa.

 

“Ask your girlfriend. She knows the answer,” Isa smirked.

 

Umiling lang siya pero hindi nawawala ang ngiti. “When everything’s okay, I want you to meet her...”

 

Tumango si Isa. She was looking softly sa kaniya at parang masaya sa narinig. “Bring her here the next time you visit and we’ll arrange something for the both of you,” Isa winked.

 

Umikot ang mga mata niya sa kausap. “That sounds like a threat.”

 

Isa shrugged, “well, come here to find out.”

 

“Nah, I’ll pass. I don’t trust you and Jae,” sabi niya.

 

Sina Isa kasi at Jaemin talaga ang pasaway sa grupo. Sobrang kulit ng dalawang ito kaya naman lihim siya na nagpapasalamat dahil madalas na kasama ng dalawa si Renjun. Mediator kasi ito ng grupo. Siya naman ‘yung walang pakialam sa mga nangyayari kapag magulo na ang lahat. Ayaw niya kasing napapasali sa asaran.

 

“You’re still a killjoy!” Nakasimangot na sambit ni Isa. Maya-maya lang, bumalik ito sa pagseseryoso at ngumit sa kaniya. Naalala niya iyong unang beses na nagkakilala sila. It was the same warm smile Isa had when they first met. Iyong ngiti na iyon din ang dahilan kung bakit magaan ang loob niya kay Isa kahit noong mga bata pa lang sila.

 

“But seriously, I am very happy for you, Winter,” mahinang sambit ni Isa. “And I’m still sorry for—”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet