IX. Pahinga.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Sa wakas, matutuloy rin ang lakad ng dalawang grupo. Nagplano kasing muli ang pinsan na magkita-kita sila.

 

Mamayang gabi—sa isang pub sa Makati. Friday ngayon at okay ang schedule ng lahat, except sa kaniya. Bago kasi magplano ang mga kaibigan, may naka-plano na sila nina Yeonjun, Yeji, Mark at ‘yung common friend ni Yeji and Yeonjun. Chaeryeong yata ang name nito. Bowling sa Makati.

 

Hindi niya naisip na magkakaroon pa siya ng ibang mga kaibigan sa loob at labas ng trabaho. Masaya naman siya.

 

Excited rin siya. Nagtanong kasi siya kay Yeonjun kung anong magandang bilhin na board for DnD. Sinabihan siya ng lalaki na meron siyang lumang starter kit set. Ibibigay na lang niya ito sa kaniya dahil hindi na niya ito nagagamit.

 

Nag-offer siya na bayaran ito pero hindi pumayag si Yeonjun. Hindi na rin siya nakatanggi.

 

Tuloy pa rin ang mga kaibigan. Sinabi ng mga ito na next time na lang pero sinabi niya na okay lang. Minsan lang na magtugma ang schedule ng nakakarami sa grupo. Isa lang naman siyang mawawala.

 

Muntik na magtampo ang pinsan. Akala kasi nito, uunahin niya ang trabaho pero noong sinabi niya na lalabas siya kasama ang mga katrabaho, nakangiti itong tumango.

 

Alam niya kung bakit.

 

Never naman siya lumabas dati o nakihalubilo sa ibang grupo. Inisip na lang niya na masaya ang pinsan niya para sa kaniya.

 

Naalala niya ang sinabi ni Rina: nag-aalala si RJ sa kaniya.

 

Tampo naman sina Ning, Chenle, Gyu at Yuna. Kahit sina Lia at Giselle ay muntik na makisali sa pagtatampo. Pero sa unang pagkakataon, sinagip siya ng pinsan sa mga ito.

 

Miss na daw siya ng apat. Iniwan niya ang gc nang magdrama ang mga kaibigan. Nagbago na daw siya. Nakapagtrabaho lang sa Maynila, lumalabas na daw siya ng dis oras ng gabi.

 

Puro tawa na lang naman sina Lia, Giselle at ang pinsan. Tahimik lang si Rina at hindi nag-seseen sa gc.

 

Baka busy.

 

Hindi niya alam pero mabigat ang kaniyang pakiramdam mula noong nakaraang linggo. Hindi niya alam kung masakit lang ba talaga ang katawan niya o marami lang siyang iniisip. May bago kasi silang project at medyo malaki ito kumpara sa mga iba niyang nahawakan dati.

 

Nakaka-pressure. Stress siguro ‘to.

 

Tamang-tama na makakalabas siya ngayon bago magsimula ang paghihirap nila. Sinabi rin ito ni Yeji sa kaniya. Bihira na lang silang makakalabas ng may araw pa sa mga susunod na linggo. Ito na daw lang last chance at sulitin na daw nila.

 

Balak niya rin sumaglit sa clinic nila sa building mamayang break. Baka naman may sakit siyang nakatago, mahirap na. Sabi ng magulang niya, mas okay na daw mapatingnan ito habang maaga pa at kaunti pa lang ang nararamdaman. Buti na lang at included ang clinic sa building sa mga list ng clinic ku

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello! The title is Tahan na, but I actually got it from Munimuni's song ulit na Tahanan haha.

Thank you for reading, and for writing comments! I appreciate them a lot and I also learn from your thoughts. It's always a pleasure to read them so thank you talaga hehe.

PS. Malapit na :)
No comments yet