VIII. DnD.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon.

 

Blind Date. Thursday night dinner.

 

Gusto niyang matawa. Hindi naman niya alam na nakikipag-blind date ang co-worker niya na si Yeji pero at the same time, gusto niya itong sabunutan. Ito yata ‘yung unang pagkakataon na gusto niyang manakit ng pisikal.

 

Nasaktuhan na busy si Yeji ngayong gabi at nakiusap ito na siya ang sumipot para sa blind date. Last minute kasi na pinag-overtime si Yeji ng team lead nila at hindi na rin niya ma-cancel ang blind date.

 

Hindi naman siya papayag kung walang suhol. Kailangan lang naman daw niya magpakita at humingi ng paumanhin sa ka-date ni Yeji.

 

Sampung kape from SB ang pinili niya na p’wede niya i-redeem sa katrabaho anytime. Hindi na rin masama.

 

Kaya heto siya ngayon. Mukhang out of place sa isang mamahaling restaurant sa hotel malapit sa opisina nila. Naka-pants lang kasi siya at pull-over sweatshirt na nakapatong sa dress shirt niya. Wala naman kasing uniform sa opisina. Naiinis lang siya na nagkataong ganito ang suot niya. Minsan kasi kapag nasa mood siya, naka-dress siya.

 

“So, uhmm… you’re Ms. Yeji’s friend and co-worker?” Tanong ng lalaki. Yeonjun daw ang pangalan nito.

 

“Oo,” sagot niya. Akala niya talaga magpapakita lang siya sa lalaki, pero inimbitahan pa rin siyang mag-dinner nito. Sayang daw ang reservation. Treat naman daw ni Yeonjun.

 

Sakto naman petsa de peligro na. Naalala niya tuloy ‘yung ‘somewhere nice’ ni Rina.

 

Sa ganitong klaseng kainan kaya ang tinutukoy ni Rina?

 

“You don’t need to feel uncomfortable, Winter. Susulitin lang natin itong reservation so, it’s fine,” pag-assure ng lalaki.

 

“Hindi naman ako uncomfortable. Hindi lang talaga kita kilala,” sambit niya. Akala niya ma-ooffend ang lalaki pero tumawa ito ng malakas.

 

“That’s fair. Pero don’t worry, hawak na ako ni Ms. Yeji sa leeg. Nagbanta siya na ipapakulong niya daw ako kapag may nangyari sa’yo.”

 

Natawa rin siya. Iba rin si Yeji. Hindi pa ng na-memeet ng katrabaho ang lalaki pero ipapakulong agad.

 

“Uhm… she also told me that she won’t feel bad if ever we clicked tonight.” Ngayon naman ay parang nahihiya sa sinambit ang binata.

 

Ganun rin ang sinabi sa kaniya ni Yeji. Wala siyang gusto sa lalaki at hindi siya manghihinayang kung sakaling sila palang dalawa ang match.

 

“Hindi naman ‘yun ang ipinunta ko dito,” sambit niya.

 

Nakangiting tumango si Yeonjun, “I know. Thanks though, for coming. First time ko sana kakain mag-isa sa ganito if ever. Nakakahinayang if I don't consume the reservation. Sobrang hirap kasi magpa-reserve dito.”

 

“Okay lang,” tipid niyang sagot.

 

Nagsimula na silang kumain. Steak. Wine. Fine Dining. Hindi naman niya first time sa ganito pero first time niya na hindi kilala ang kasama.

 

Magalang si Yeonjun at hindi siya nakaramdam nang pagka-ilang sa lalaki.. Nakikipag-usap ito sa kaniya at nagtatanong pero hindi sobrang personal.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet