XXIX. Challenge Accepted.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Napabalikwas siya.

 

Nasa kuwarto nga pala siya ni Rina at doon siya natulog. Wala na si Rina sa tabi niya at kinuha naman niya ang phone para tingnan kung anong oras na.

 

Mag-aalas onse ng umaga.

 

Napangiwi siya. Maaga kasi siyang magising kahit pa nga sobrang pagod siya at late na natulog. Nakakahiya kay Rina na inabot na siya ng tanghali. Binasa niya ang text sa kaniya ni RJ.

 

Maaga itong umalis at iniwan daw ang kotse sa kaniya. Malapit lang naman kasi ang place nina Rina sa lugar na pinagtatrabahuhan nila. Okay lang daw na maglakad si RJ. Sina Lia at Giselle naman, mas maagang umalis dahil sa Makati pa sila.

 

Nag-ayos muna siya ng sarili bago lumabas ng kuwarto ni Rina. Inayos na rin niya ang higaan ni Rina at tiniklop ang kumot.

 

Unang beses na nagtabi sila ni Rina sa i pero grabe lang ‘yung pagkatulog-mantika niya ngayon. Kahit isang beses, hindi siya nagising.

 

“Good morning, Win!” Masayang sambit ni Irene.

 

Medyo nagulat siya. Nasa may kitchen counter ito at kumakain ng cereals. Naalala niya ang kuwento ni Rina sa kaniya na may addiction daw ang ate nito sa cereals. Gusto niyang matawa pero parang gusto niya rin tumakbo.

 

Iba kasi ang tingin sa kaniya ng Ate ni Rina. Saglit niyang inilibot ang mata para hanapin si Rina at parang nabasa naman agad ng nakakatanda ang nasa isip niya.

 

“Wala si Rina, nag-grocery lang saglit. Magluluto ako later ng lunch. Dito ka kakain, ha?”

 

Napalunok siya. Parang hindi magandang idea na sumabay siya kay Irene.

 

“Wala ba akong good morning d’yan?” Tanong ni Irene.

 

Tipid siyang ngumiti. “Good morning. Uhm...gamit lang ako ng bathroom, Ate?” Paalam niya.

 

Tumawa si Irene. “Bilisan mo. Mag-uusap tayo before makauwi si Rina,” ngisi sa kaniya nito.

 

Tumango lang siya at binilisan ang pag-aayos sa banyo.

 

Nang makalabas siya, naka-upo pa rin si Irene sa may kitchen counter. Umupo siya sa harap nito at inalok siya ng cereal. Puwede naman daw siya mag-heavy breakfast kung gusto niya pero hindi daw recommended ni Irene ito dahil malapit na maglunch at masarap daw itong magluto.

 

Sayang daw kung ‘di niya matitikman.

 

Sa huli, kumain na lang siya ng cereal at parang tuwang-tuwa naman si Irene habang pinaghahanda siya ng bowl. Ito pa mismo ang naglagay ng cereal at gatas sa bowl niya.

 

Ang weird talaga ni Ate Irene.

 

“So...kumusta ang bakasyon mo?” Panimulang tanong ni Irene. Huminga siya nang malalim. Heto na ang interrogation part, sa tingin niya.

 

“Okay naman,” tipid na sagot niya. “May inayos lang talaga ako, Ate at binisita ko lang talaga parents ko.”

 

“Hmm...ito ‘yung yearly visit mo sa Chicago, right? Because of your parents’ death anniversary?”

 

“Oo,” sagot niya bago nagpatuloy sa pagkain ng cereals.

 

“Aalis ka rin ba ulit next year?”

 

Napatigil siya. Para kasing may laman ang mga tanong ng Ate ni Rina. Iniisip niya na may alam na ‘to lalo na kung paano sila biruin nito noong minsan silang nagdinner nina Rina.

 

“Siguro... I’m not sure, Ate pero... pero kung pupunta ulit ako do’n, para lang talaga bumisita,” sambit niya.

 

Tumango-tango si Irene. Pakiramdam niya talaga kinikilatis siya nito.

 

“So, kayo na ba?” Diretsong tanong ni Irene.

 

Nasamid siya sa kinakain. Sunod-sunod ang pag-ubo niya kaya naman tumayo si Irene at ikinuha siya ng tubig.

 

Matapos maka-recover, nakatingin lang sa kaniya ang Ate ni Rina na naghihintay ng sagot niya.

 

Umiling siya. Totoo naman kasi.

 

Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Irene. “Bakit?”

 

“Ha?” Napatunganga siya.

 

Masama ang tingin sa kaniya si Irene. “Hindi pa kayo? Pero magkatabi na kayong natutulog?”

 

“Wala kang work ngayon, Ate?” Tanong niya.

 

Naririnig na niya ang kaluskos sa may pinto. Mukhang dumating na si Rina. Bago pa niya makita si Rina, tumama na sa kaniyang mukha ang tissue na kanina pang nilalaro ni I

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet