Balik-tanaw.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“RJ, will you stop shaking your leg?” Sigaw ni Giselle. Nasa bahay sila ngayon ni RJ doing their papers. Malapit na rin ang finals and soon, they’d be in their last year of college.

 

“Hinihintay ko reply ni Prof. Perez. What if rejected na naman?” Sambit ni RJ. RJ kept on moving her legs, causing the table to shake a bit.

 

Maya-maya ay sumigaw si RJ. “Aray!”

 

Lia was laughing. Sinipa pala nito ang paa ni RJ sa ilalim ng mesa. Rina just rolled her eyes and turned her focus sa laptop niya. It’s almost six pm and hindi sila puwedeng mag-over night ngayon kina RJ since may pasok pa sila bukas.

 

Nangako si Jeno na susunduin siya nito ngayon.

 

Ilang linggo na siyang busy at halos wala na siyang time sa boyfriend. Sa mga ganito na lang sila nagkikita ni Jeno, kapag susunduin siya nito at ihahatid sa bahay nila.

 

“Saan pala si Win?” Tanong ni Lia.

 

“Lumabas kasama sina Gyu,” sambit ni RJ.

 

“I’m so happy Win found her group. ‘Di ba you’re so worried at first kasi sabi mo hindi naman masyado nakikihalubilo si Win?” Si Giselle.

 

Nakikinig lang si Rina. Wala rin naman siya masyadong input sa buhay ni Winter.

 

“Feeling ko nga na-blackmail lang ‘yun nina Ning at Yuna na sumama sa kanila eh,” sagit ni RJ.

 

Gustong tumawa ni Rina sa narinig. Na-iimagine niya kasi si Winter.

 

“Ang sama mo, RJ! Okay naman sina Ning ah.” Sabi ni Lia.

 

“Wala naman akong sinabing hindi,” sagot ni RJ. “Kung ‘di niyo kasi napapansin, sinasama ko sa group natin si Win before pa siya mapasama kay Ning pero... ewan ko dun kung bakit nahihiya yata sa inyo. Buti na nga lang okay na siya kina Ning.”

 

Napatigil si Rina sa pag-tatype. Parang okay naman si Winter kay Lia and Giselle. Siya ba ang problema?

 

“Win is okay with us,” sabi ni Giselle. “Hindi ko naman naramdaman na nahihiya siya. She’s just really quiet.”

 

Tumuloy na ulit siya sa ginagawa.

 

“Same,” pagsang-ayon naman ni Lia. “How about you, Rina?”

 

Do I need to talk and say something about this?

 

“Maybe she’s more comfortable kina Ning.” Sinabi na lang niya. “I mean, understandable since she’s sharing most of her classes with them. Of course, mas marami silang time to get to know each other.”

 

Doon na rin natapos ang usapan nila about Winter dahil maya-maya ay sumigaw si RJ. Approved na daw ‘yung paper niya na ilang beses na pina-revise ng prof nila.

 

“RJ, what time uuwi si Tita?” Si Winter. Dumating na pala ito at lumapit sa kanila. Ngumiti lang ito sa kanila at tumango, acknowledging their presence.

 

“Nag-text siya sa ‘kin nag-take out lang sila ng food ni Dad. Parating na ‘yun,” sambit ni RJ. Tumango lang naman si Winter at nagtuloy sa taas ng bahay. “Dito na raw kayo kumain,” sabi ni RJ.

 

When RJ’s mom arrived, sabay-sabay silang kumain except sa parents ni RJ. Nakakain na raw sila at si Winter naman ay tahimik lang sa tabi ni RJ—specifically, sa tapat ni Rina.

 

Winter also volunteered to wash the dishes after kahit na nakailang protesta sila nina Giselle na sila na ang bahala. “Hindi. Bisita kayo,” sambit ni Winter na ikinatawa naman ng pinsan.

 

“Kung ano-ano natututunan mo, Win. Minsan parang matanda ka na kung magsalita.”

 

Tumawa lang sila. Naputol ang atensyon niya sa tawanan nang makatanggap ng text mula kay Jeno.

 

Hindi daw siya masusundo nito dahil may tinatapos rin silang paper. Rina was fine with it kahit pa na disappointed siya. Siya rin naman kasi busy. She just wanted to spend more time with Jeno because she felt like she’s been neglecting him.

 

“Girls, mag-sleepover ba kayo?” Tanong ng Mommy ni RJ. Umiling lang silang lahat.

 

“No, tita eh. Maaga po

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet