XIX. Pelikula.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Rina: I’m home, Win.

Win: Okay.

 

Lunes ngayon at ilang araw na lang ay aalis na siya. Friday night ang flight niya.

 

Hindi mawala ang kaniyang ngiti. Balik na ulit sila ni Rina sa dati na nag-uusap sa text kapag hindi sila magkasama.

 

May nagbago nga lang dahil ngayon ay sigurado sila sa nararamdaman para sa isa’t isa. Hindi naman niya alam na may isosobra pa pala sa nararamdaman niya para kay Rina.

 

Lalo na nang mag-usap sila noong linggo ng madaling araw. Wala pa siyang nababanggit kay RJ o sa mga kaibigan pero may alam na siguro ang mga ito dahil tinanong siya ng mga ito kung bakit suot ni Rina ang jacket niya noong magkita sila ng umaga.

 

Hindi pala tinanggal ni Rina ang pagkakasuot sa jacket at inuwi pa nga ito sa kanila. Iniisip niya tuloy kung may alam ba sina Giselle at Lia dito. Tahimik lang naman kasi ang dalawa habang ang mga kaibigan naman niya…

 

Ayaw na niya isipin.

 

Naputol naman ang kaniyang pagmumuni-muni nang tumunog muli ang phone.

 

Rina: Okay? That’s it? 🙄

Win: Ano ba dapat?

Rina: Idk… we didn’t see each other since Sunday morning.

Win: Alam ko. Lunes pa lang ngayon.

Rina: God, why are you like this 😭

Rina: You’re lucky I like you.

 

Parang gustong kumawala ng puso niya. Binibiro lang niya naman si Rina. Alam niya kung anong gusto nitong marinig mula sa kaniya.

 

Hindi naman siya manhid.

 

Win: I miss you already, Rina.

Win: Can we see each other before I leave?

Rina: I miss you too, Win

Rina: Yes, please. Let’s go out.

Rina: I can also take you to the airport.

Win: Baka hindi na ako makaalis.

Rina: That’s the plan 😋

Win: Rina…

Rina: I’m just kidding! I’ll talk to you later. Ate’s being asungot na naman.

 

Napag-usapan nila na bibigyan siya ng space ni Rina kapag nakarating na siya sa US. Hindi niya alam kung paano ang setup nila, pero one call away daw si Rina kung gusto niya ng kausap.

 

Pero hindi si Rina ang unang mag-memessage sa kaniya. Pakiramdam niya, sobrang unfair na niya. Hindi puwedeng si Rina lang ang bigay ng bigay.

 

Parehas nilang ginusto ito.

 

Kaya naman sinabihan niya rin si Rina na they can contact each other whenever they want to. Hindi na niya iiwasan si Rina at hindi na siya tatakbo sa nararamdaman.

 

Rina took the leap for them.

 

Habang siya, wala pang nagagawa para kay Rina…

 

“Huy! Nakatulala ka na naman,” bati sa kaniya ni RJ. Kararating lang nito mula sa trabaho at may dalang take-out food. Hindi na sila makakapagluto ngayon dahil parehas silang late nakauwi.

 

Kararating lang rin niya kasi.

 

“Bihis muna ako then let’s eat.”

 

Tumango lang siya sa pinsan.

 

Habang kumakain sila, sinabi niya sa pinsan ang arrangement nila ni Rina. Kita sa mukha ng kaniyang pinsan ang saya at pag-aalala nito. Alam niyang nag-aalala si RJ para kay Rina. Si Rina kasi ang dehado at ang maiiwan kung sakali.

 

“Malalaki na kayo,” sambit ni RJ. “Alam niyo na ang gagawin niyo… just be careful, Win.”

 

Tumango lang siya.

 

Niligpit niya ang pinagkainan at pumasok na sa sariling kuwarto matapos makapag-ayos ng sarili.

 

Nakatanggap naman siya ng message kay Rina. Tinatanong nito kung p’wede itong tumawag sa kaniya.

 

Agad naman nagring ang kaniyang phone matapos sumagot.

 

“Hey,” pagbati ni Rina sa kaniya mula sa kabilang linya.

 

“Hi,” sagot niya. “Tapos na si Ate Irene guluhin ka?” Tanong niya.

 

Para namang nakikita niya ang pagsimangot ni Rina. “She’s aksing who have I been texting.”

 

“Anong sabi mo?”

 

“S

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet