XL. Pagkabigla.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Are you okay?” Bulong niya kay Rina. Humarap sa kaniya ang girlfriend at tumango. Nakikinig kasi ito sa usapan nina Yeji at Chaeryeong. Ngayon ay nasa isang pub sila kasama rin sina Yeonjun at Mark. Pinakilala niya kasi si Rina sa kaniyang mga kaibigan.

 

Nagulat si Yeonjun at Chaeryeong habang si Mark ay alam na dahil nadulas si Yeji sa kaniya noong naglunch sila. Wala naman din sinabi sina Yeonjun at tinawanan pa nga siya ng lalaki dahil sa huling usapan nila sa phone dati. Panay pa ang taas-kilay ni Yeonjun at para silang nag-uusap gamit ang mga mata kanina.

 

Siya ‘yung mahal mo na?

 

Tumahimik ka. Kinailangan pa niyang pandilatan ang lalaki dahil baka kung ano-ano ang sabihin nito.

 

Nang sabihin niya kay Rina na isasama niya ito sa lakad kasama ang mga kaibigan niya, agad naman na pumayag ito. Iba ‘yung pakiramdam na ipapakilala niya si Rina sa iba.

 

Halos lahat kasi ng mga kaibigan niya, kilala na ni Rina. Naiimagine na niya tuloy kapag dumating ‘yung araw na kina Isa naman niya ipapakilala si Rina. Alam niyang mabilis lang nito makakasundo ang mga kaibigan sa Amerika tulad na lang ngayon...

 

Binigyan niya rin ng heads-up si Rina tungkol sa mga kaibigan. Si Yeji, nakasama na naman ni Rina. Si Mark, tahimik lang ang lakaki; si Chaeryeong naman makulit at walang preno minsan sa sinasabi. Medyo na-culture shock nga siya noong una niyang nakausap si Chaeryeong. At si Yeonjun naman, cool lang ang lalaki pero medyo madaldal. 

 

Nakuha na rin agad ni Rina ang loob ng mga ito ng walang kahirap-hirap. Sobrang friendly lang din kasi ng girlfriend niya at kahit nga si Yeji ay panay ang tanong sa kaniya kung kailan niya isasama si Rina sa lakad nila. Muntik lang naman niya itanong kung gusto niya na isama ang pinsan.

 

Pinigilan lang niya ang sarili niya. Isa-isa muna.

 

“It’s cute!” Pag-gush ni Chaeryeong sa kuwento ni Rina na simula college magkakilala na sila at medyo friends. Tumawa ang lahat sa medyo friends. Alam daw nila ang ibig sabihin ni Rina.

 

“Nothing happened talaga until nagtrabaho kayo sa same building?” Tanong naman ni Yeji. May utang nga pala siyang kuwento rito. Gustong-gusto kasi nitong malaman kung paano naging sila. Naisip lang daw ni Yeji na hindi siya ‘yung tipo na mahahalata kapag may gusto sa isang tao at baka matagalan daw kung siya ang hihintayin na gumalaw.

 

Napasimangot lang naman siya noon.

 

“Wala,” sagot niya para sa kanilang dalawa. Wala naman talaga nangyari dahil bukod sa ayaw niyang i-acknowledge ang nararamdaman dati, nagkaroon din kasi ng boyfriend si Rina.

 

Si Juno. Natatawa pa rin siya kapag naalala ito.

 

“Elaborate!” Sambit ni Chaeryeong. Narinig niya ang mahinang tawa ni Rina sa tabi at naramdaman ang pagpisil nito sa hita niya. Kanina pa nga palang nakapatong ang kamay nito sa kaniyang hita sa ilalim ng lamesa.

 

Tumingin siya kay Rina at animo’y nagpapaalam sa sasabihin. Parang alam na ni Rina ang nais niyang sabihin at tumango ito sa kaniya. “Hindi naman kami madalas mag-usap dati and she was in a relationship...”

 

“Oooh, that’s very interesting,” sambit ni Yeji at marahang binunggo ng balikat nito ang kay Rina. Tumawa si Rina at napailing. Umirap lang naman siya sa kaibigan. Lahat yata ng kaibigan niya mahilig sa tsismis.

 

“You didn’t get jealous dati?” tanong ni Yeonjun. Inisip niya saglit kung may pagkakataon ba na nagselos siya kay Rina at Jeno. Wala siyang matandaan na nakasama niya ang dalawa ng matagal bukod sa minsanang lunch ng buong grupo nila kapag isinasama ni Rina ang dating boyfriend nito.

 

Tumingin muna siya saglit kay Rina bago sumagot. “Bakit naman ako magseselos? Medyo friends nga lang kami, ‘di ba?” Tumawa naman ang lahat sa sagot niya at kahit si Rina ay hindi napigilang panggigilan ang pisngi niya at maingat na kinurot ito.

 

“You’re so cute,” bulong nito pero hindi ito nakalagpas sa pandinig ng mga kaibigan at tinukso pa silang dalawa. Humarap si Rina sa mga kaibigan niya at ngumiti. “We were very civil dati although I’ve always been curious about her...”

 

“How about you, Winter?” Tanong ni Mark. Kanina pa tahimik ang lalaki kaya nagulat siya nang magsalita ito.

 

“I liked her from the very start, I think. I was just in-denial because part of me didn’t want to have those feelings sa kah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet