Balik-tanaw.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Summer noong nabalitaan ni RJ ang nangyari sa kapatid ng mommy niya na naninirahan sa US. Kararating niya lang sa bahay nang maabutan niya na umiiyak ang mommy niya habang yakap ito ng kuya niya.

 

Kinabahan siya. Akala niya kung anong nangyari na sa Mommy niya o kaya naman sa daddy niya.

 

“Kuya?”

 

Tumingin sa kaniya nang sabay ang Kuya at Mommy niya.

 

After mahimasmasan ng Mommy niya, nagkuwento na ito sa nangyari.

 

Nasawi sa aksidente ang nakakatandang kapatid ng Mommy niya. Kilalang kilala ni RJ ang mga ito. Ang kaniyang Tita Alice na kapatid ng Mommy niya at Tito Wayne na asawa nito.

 

Sobrang bait ng mga ito sa kaniya kahit pa nga dalawang beses pa lang niya itong nakikita sa personal. May nag-iisang anak rin ang mga ito—si Winter.

 

“Si Win, kumusta?” Agad na tanong ni RJ sa Mommy niya. Kahit naman kasi hindi sila sabay lumaki ni Winter, their parents made sure na close sila sa isa’t isa.

 

Mabait si Winter. Madalas niya itong makausap at tulad niya ay mahilig ito sa computer games.

 

“Hindi raw makausap,” iyak ng Mommy niya. “Try mo tawagan, RJ?” Pakiusap ng Mommy niya.

 

Tumango lang si RJ at nagtungo sa kuwarto. Nanlalambot siya. Hindi maisip ni RJ na mangyayari sa kaniya ang nangyari sa pinsan.

 

Kinuha ni RJ ang phone at nagmadaling tumawag kay Win.

 

Hindi sumasagot ang pinsan.

 

Mga ilang araw ay nakatanggap na lang si RJ ng message mula kay Winter na humihingi ng paumanhin sa hindi pagsagot sa tawag niya. Naiintindihan naman ni RJ.

 

Binasa niya rin ang susunod na mensahe mula kay Winter.

 

Win: RJ, do you think tita would be okay if I stay with you in the Philippines? Just only until I graduate college.

 

Sumakit ang dibdib ni RJ sa nabasa. Napag-usapan na nila ito. Gustong kunin ng Mommy niya si Win. Nag-iisang anak ang tatay ni Winter at puro malalayong kaanak ni Win ang nakatira sa US. Ang kuwento ng Mommy ni RJ, hindi rin close si Win sa mga ito.

 

RJ: Oo naman. Gusto ka rin kausapin ni Mommy tungkol dito. Tawagan ka ba namin? Okay ka na?

 

RJ’s mom was happy sa nalaman. Nakaka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet