XLVI. Pawi.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Ate Irene: Winwin, what time ang out mo today?

 

Katatapos niya lang magbihis nang makatanggap siya ng message mula kay Irene. Hindi naman bago na makatanggap siya ng ganitong message mula sa kapatid ni Rina pero parang may kakaiba ngayon.

 

Win: 9 pm ang pasok ko tonight, ate. Bakit?

Ate Irene: Great! See you sa uptown mall at 7 pm.

Win: ?

Ate Irene: Let’s have dinner. Bawal ang no.

 

Wala na siyang nagawa. Mabilis siya na nag-ayos ng gamit at nagpaalam kay RJ na hindi na sasabay ng dinner dito.

 

Naglalakad na siya papunta sa place nang makatanggap ulit siya ng text mula kay Irene.

 

Ate Irene: Btw, don’t tell Rina 😘

 

Mas lalo lang siyang nagtaka. Biglaan kasi at bawal pa ipaalam kay Rina.

 

Sa isang Italian Restaurant naman ang napili ni Irene na lugar. Nang makarating siya doon, nakaupo na ito at kinawayan siya. “Hello, Win,” bati ni Irene sa kaniya. Bumati siya pabalik at umupo na sa tapat ng nakakatanda. Nag-order lang sila saglit at nagsimulang magkuwentuhan habang hinihintay ang pagkain nila.

 

Nagkukuwento ngayon si Irene tungkol sa katrabaho na kinakainisan nito. Mapresko raw kasi at palagi siyang pinupuntahan sa desk para lang inisin siya. Nakikinig lang naman siya at siya na ang nag-ayos ng mga order nila nang dumating ito.

 

“No wonder Rina fell for you,” biglang sambit nito.

 

Napatigil siya sa pag-wipe ng mga utensils gamit ang table at napkin at napatingin sa katapat. Nakahalumbaba itong nakatingin sa kaniya. “What?” Natatawa niyang tanong.

 

“Wala lang. Maalaga ka kasi,” sagot ni Irene. Inabot na niya ang malinis na kubyertos kay Irene. Natural lang naman ito sa kaniya. Sina Ning kasi madalas inuuna ang kuwento kaysa pagkain kaya siya na ang nag-aayos ng mga ganitong bagay para makapagsimula na sila lahat.

 

Naisip naman niya na biruin si Irene. “Tingin mo ate, ‘yun lang nagustuhan sa’kin ni Rina?”

 

Tumawa naman si Irene. “Ikaw ha, fishing ka. Pero sa dami ng nakuwento ko kay Rina simula college kayo, hindi ko na alam kung alin do’n ang dahilan.”

 

Napangiti lang siya sa sinambit ni Irene. Kahit si Rina ikinukuwento sa kaniya ni Irene. Doon nga yata nagsimula ang lahat sa kaniya. “Pero ate...”

 

“O?”

 

“Why did you call me out today?” Seryos niyang tanong.

 

“Hay nako, Win. P’wede ba na kumain muna tayo? Catch-up gano’n. Na-miss lang din kita ‘no. Pinagdadamot ka na ni Rina sa akin,” nagsusumbong na sabi nito.

 

“Naging busy lang talaga, Ate. Sige na, kain ka na.” Nagsimula na sila sa pagkain pero si Irene walang tigil ang bibig. Bukod sa pag-nguya nito, naisisingit pa talaga nito ang mga kuwento.

 

Tahimik lang naman siya na nakikinig at tumatawa sa mga sinasabi nito. Animated kasi kung magkuwento si Irene.

 

“Kaya ayun, naisip ko na magresign na lang,” sabi nito. Napatigil naman siya sa pagkain dahil sa pagkagulat. Nagkukuwento ito kanina tungkol sa stress na nakukuha sa trabaho tapos ngayon nga ay bigla na lang ito magsasabi na aalis na ito sa trabaho.

 

“Agad-agad?”

 

“Hm, pinag-isipan ko naman ng matagal. Ngayon lang ako nakapag-decide. Balak ko kasi talaga magtrabaho sa ibang bansa.”

 

Nalilito na siya. Parang sunod-sunod na bagsak naman ng impormasyon ang mga sinasabi nito ngayon sa kaniya. “Alam ba ni Rina ‘yan?”

 

Tumango si Irene. “Iniisip ko nga maiiwan siya sa apartment mag-isa...”

 

Uminom siya ng juice at tumango. “Maybe she can ask Giselle and Lia or kahit si Ning na tumira sa kaniya. Malapit lang din naman sa Makati ang place n’yo and Ning is just around here sa BGC.”

 

Hindi muna nagsalita si Irene kaya nagpatuloy siya sa pagkain ng pasta niya.

 

“Ikaw hindi mo ba i-ooffer ang sarili mo?” Sunod-sunod na ubo naman ang natamo niya sa sinambit ni Irene. Sobrang sakit ng lalamunan niya ngayon at nagpasalamat na lang siya nang abutan siya ni Irene ng tubig.

 

Tumikhim siya matapos maka-recover. “Tunog alay naman ‘yung wordings mo, Ate.”

 

Nagkibit-balikat si Irene. “Aarte ka pa ba, sa girlfriend mo naman kita iaalay.”

 

Napailing na lang siya. “We haven’t talked about stuff like that. I think it’s too early sa relationship namin,” sambit niya.

 

Hindi pa nga sila nakakapag-usap nang maayos...

 

“Sorry,” sambit ni Irene. “I didn’t mean na pangunahan kayo. I think mas panatag lang ako kung ikaw makakasama ni Rina.”

 

Sobrang tuwa naman ‘yung naramdaman niya ng marinig iyon sa kapatid ni Irene at pinilit niyang hindi ipahalata. “Thank you sa tiwala, Ate.”

 

“Of course. Pero pag-isipan mo. Iwan mo na si RJ kaya na niya ang sarili niya.”

 

Natawa na ulit siya. Close rin talaga si RJ kay Irene at palagi nitong inaasar ang una. “Ito ba ‘yung agenda mo today? Gawin akong alay?”

 

Nagkibit-balikat lang naman si Irene.

 

“What?”

 

“Rina is not okay. She’s trying to hide it pero hindi naman niya kaya magtago sa akin—lalo na kay Mom.” Napalunok siya. Wala naman siyang kasalanan pero nakakakaba na marinig ang pagbanggit ni Irene tungkol sa nanay nila ni Rina.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet