XIII. Urong?

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isa calling...

 

Inis siyang nag-decline ng tawag. Kasalukuyan silang nasa isang resto-bar sa Makati. May nadiskubre daw kasi si Giselle at Lia na place na may craft beer. Gustong ma-try ng lahat kaya kumpleto sila ngayon.

 

First time.

 

Balik na ulit siya sa day shift at bukas nga ay makikipagkita naman siya kina Yeji and Yeonjun. Parang sobra-sobra na nga ang paglabas niya nitong mga nakaraang linggo.

 

Lumingon siya sa katabi. Ngumiti sa kaniya si Rina.

 

Tama.

 

Ilang beses na siyang lumalabas. Para namang mayroon silang silent truce na silang dalawa lang ang lalabas, except ‘yung time na nakasabay nila si Irene. Hindi rin nila ito nababanggit sa mga kaibigan. Kahit si RJ ay nagtataka na sa maagang alis niya papunta sa trabaho.

 

Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya magawang sabihin ito sa pinsan.

 

Wala namang masama lumabas kasama si Rina...

 

Naputol naman ang kaniyang iniisp nang magring ulit ang phone. Huminga siya nang malalim at muling hindi sinagot ang tawag. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagbunggo ng siko ni RJ sa kaniyang braso. Napapagitnaan kasi siya ni Rina at RJ.

 

“Tumatawag na naman ex mo,” malakas na banggit ni RJ dahilan para mapatingin sa kanilang dalawa ang buong grupo. Tumingin siya sa pinsan. Mapupula na ang mga pisngi nito.

 

Patay na. Lasing na.

 

“Hoy! Anong ex ‘yan?” Nag-eeskandalong tanong ni Ning.

 

“Si Isa,” hagikhik ni RJ at parang bale-walang itinuloy lang ang pag-inom sa beer niya.

 

“‘Wag kayo maniwala kay RJ,” sambit niya lang. Binuksan niya ang phone at mabilis na nag-type ng message.

 

“Daig pa kasi ang ex kung hanapin ka. Parang ang laki ng atraso mo,” paliwanag ni RJ. Malaki naman talaga ang atraso ko, isip niya, pero hindi na niya sinabi.

 

Ramdam naman niya ang tingin ni Rina. Sumulyap siya saglit at para bang nagtatanong ang mga mata nito. Ang mga kaibigan naman ay hindi pa tumitigil sa pagtatanong sa kaniya.

 

“Kaibigan ko lang noong nasa US ako. May mga naiwan kasi ako doon na kailangan ayusin and ‘yung family ni Isa ‘yung tumutulong sa ‘kin,” sagot niya lang.

 

Iniwan na ng mga kaibigan ang topic, pero panigurado na hindi siya titigilan nina Ning sa gc mamaya. Tumuloy lang siya nang pagkain habang nakikinig na sa pinag-uusapan ng grupo. Ayaw niya uminom. Kailangan nilang umuwi ni RJ ng buhay ngayong gabi.

 

Nag-ring na naman ang phone niya. Si Isa ulit.

 

Nakaramdam naman siya ng hawak sa kaniyang braso. “Hey, why don’t you excuse yourself, then answer it muna? Or turn off your phone if ayaw mo talaga?” Si Rina.

 

Naging kumportable na rin si Rina sa paghawak sa kaniya. Ngumiti siya kay Rina at pinatay ang phone. Bakit hindi ko nga ba ito naisip kanina?

 

Hindi na umalis ang pagkakahawak sa kaniya ni Rina. Okupado na naman ang kaniyang isip. Si Rina lang rin naman ang laging laman kahit pa nga katabi na niya ito.

 

Hindi niya kasi alam kung paano ba siya gagalaw. Mas naging close sila ni Rina. Naging normal na rin sa kanila ang mag-update sa isa’t isa.

 

Pero hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet