LVIII. Habangbuhay.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit sa kuwarto nang marinig niyang tumunog ang phone. Sabado ngayon at nasa probinsya siya. Nakakuha na rin siya ng malilipatan at nagsimula na rin siyang bumili ng mga gamit para sa condo niya. 

 

Unti-unti pa lang naman niya ito pinupuno ng mga gamit at madalas ay sinasamahan siya ni Rina, RJ o ng mga kaibigan niya para bumili ng mga gamit. Ngayon naman ay binabawasan niya ang mga gamit sa kuwarto para ilipat sa bagong condo niya. 

 

Kahit si Rina nakakuha na rin ng malapit sa workplace nito. Ilang weeks din silang busy sa pagtingin ng mga place. 

 

Malapit lang naman ang place niya sa magiging condo ni Rina... 

 

Mga sampung hakbang mula sa building ng condo ni Rina. Noong unang sinabi nila ito sa mga kaibigan, tinawanan silang dalawa dahil kulang na lang daw ay sa iisang building na sila tumira. Nakisingit pa si RJ na bakit hindi na lang daw sa iisang condo. 

 

Ilang beses nilang ipinaliwanag na hindi madali ang ganoong desisyon. Mabuti na lang at naintindihan din sila ng mga kaibigan sa huli. Nakakatawa naman kasi talaga ang set-up nilang dalawa ngayon, pero desidido sila na huwag na muna magsama sa iisang place. 

 

Sila naman ang magka-relasyon at sila ang may desisyon sa kung anong gusto nilang mangyari. Sa ngayon, gusto muna nila na malapit lang sila sa isa’t isa. 

 

“Baby, can you check my phone for me?” Request niya sa girlfriend. Nakahiga si Rina sa kama niya habang nagbabasa ng libro. Kumuha kasi si Rina ng libro sa shelf niya at napagpasyahan na magbasa muna habang busy siya sa paglilinis ng kuwarto.  

 

Natatawa pa nga siya sa mga reaksyon ni Rina kanina habang iniisa-isa ang mga libro niya. Nakakunot ang noo nito na parang dahil bago ang impormasyon na ito kay Rina.  

 

Mahilig kasi siya sa thriller, murder, at mystery-themed na libro. Medyo graphic ang description sa librong kinuha ni Rina. Binalaan na niya ito na hindi madaling basahin ang mga ganoong klaseng libro lalo na at first time pero tuloy pa rin ang girlfriend. Curious lang daw ito. 

 

“Uhm...it’s Isa,” sambit ni Rina.  

 

Inaayos niya ngayon ang mga damit sa cabinet. “What did she say?” 

 

“Are you sure you want me to open the message?” Tanong ni Rina. Napatingin siya sa girlfriend at nakaupo na ito nang maayos. Nakataas nang bahagya ang isang kilay nito at natatawa na lang siyang napailing.  

 

“Go ahead. For sure nangangamusta lang ‘yan.”  

 

Tumango si Rina at binuksan ang phone niya. Hindi na muna niya inalis ang tingin kay Rina at pinanood kung paanong nagfocus ito sa message habang pinipilit na hindi kumunot ang noo sa nababasa. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin nang bumaling sa kaniya si Rina. 

 

“Do you want me to read it out loud?” 

 

“Yes, please,” sagot niya.

 

“‘Hey, Win, Sunmi and Chaewon visited us here sa LA. Currently hanging out with the group. Missing you here a lot!’, kiss emoji, heart emoji, and then a selfie of Isa and a group picture with all of your friends,” pagbabasa ni Rina sa message.  

 

Flat ang tono ni Rina at hindi niya alam kung mali ba na ipinabasa niya ang mensahe sa girlfriend mismo. Wala namang masama sa message ni Isa, ganoon naman talaga magmessage sa kaniya ang kaibigan noon pa man. Mas toned-down pa nga ang message nito ngayon kumpara noon.  

 

“Do you wanna reply? Na-seen na rin naman,” sambit ni Rina.  

 

Itinigil niya ang pagkutingting sa cabinet at tinabihan ang girlfriend sa kama.  

 

“Thank you,” sambit niya kay Rina bago kinuha ang phone dito. Mabilis siyang nagreply kay Isa at inilapag ang phone sa bedside table pagkatapos. Nakasandal na ngayon si Rina sa headboard ng kama niya at nagbabasa na ulit ng libro.  

 

Tahimik lang si Rina pero mukhang maraming iniisip ito. Hindi niya alam kung mali ba na pinabasa niya kay Rina ang message, pero wala lang naman kasi sa kanya iyon. Imposible lang din na magselos si Rina. 

 

Tapos na ‘yung kay Isa. Narito na siya ngayon... 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
forkey
Thank you po sa star! May part 2 pala siya hehe :D

Comments

You must be logged in to comment
Zeke_L 0 points #1
Chapter 76: 💙💙💙
Zeke_L #2
Start start
tobykaiii
#3
Chapter 76: This is so good. Part of my faves now!
Wagplease #4
Chapter 76: saan part 2 ssob?? huhu
0h_wtf #5
sana fluff 'to, pagod na ako umiyak sa mga angst stories huhu
emotaeyeon #6
Chapter 76: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
grabe lahams ko na tong fic na to 200% salamat po sa pag write
🤧♥️
iluvjiminjeong
#7
Chapter 13: ang apelyido ba ni Win ay "Hindi makatanggi kay Rina" ?? HAHAHAHAH anywayyy nakakakiligs, ramdam ko na paparating na ang romance 😳
iluvjiminjeong
#8
Chapter 12: ang sakit lang na wala na pala ang parents ni Win :( ang iyak ko sa chapter na 'to!
EzraSeige
#9
Time to relapse eme 😣😶😝😍💙❄
Kklavs #10
Chapter 12: oooh, so itong fic nga pala talaga iyong fic na iyon.