I. Sinungaling.
Muni-muni
Alas kuwatro ng umaga.
Papikit-pikit pa ang kaniyang mga mata na pinipilit na imulat habang binabasa ang mga messages sa kanilang group chat. Hindi niya alam kung paanong gising na agad ang mga kaibigan. Hindi rin niya magawang magtanong dahil hindi pa niya kayang magcompose ng maayos na message. Inaantok pa talaga siya. Kagagaling niya lang sa team dinner kasama ang mga ka-trabaho at umabot hanggang alas dos ng madaling araw dahil nag-aya pa ang mga ito na pumunta sa isang sikat na pub malapit sa opisina nila.
All expenses are paid by the company, ang sabi ng kanyang manager kaya hindi na siya tumanggi pa.
Hindi rin naman siya uminom at naki-kain lang ng pulutan pero ramdam niya ang pagod at sakit ng ulo. Umuwi siya saglit sa apartment niya para magpalit ng damit at matapos ay diretso na siya terminal ng bus para makauwi sa probinsya.
Sabado ngayon at madalas ay Biyernes ng gabi ang uwi niya.
Patuloy lang ang scroll niya sa kanyang phone habang makasakay siya sa jeep papunta sa terminal ng bus. Itatago na sana niya ang kanyang phone para pumikit nang makatanggap ulit siya ng message.
Personal message.
Rina: Hi, Win. Kagabi ka ba umuwi?
4AM. Bakit gising na si Rina?
Agad siyang nagreply. Minsan lang mag-message ang dati niyang kaklase at hindi niya alam kung bakit bigla na lang ang pag-message nito sa kanya.
Win: Hindi. Pauwi pa lang. Bakit?
Wala pang isang minuto, nag-reply na ulit ang dating kaklase.
Rina: Oh, you’re already at the terminal?
Win: Sa jeep pa lang, bakit?
Rina: Hmm sabay sana ako since RJ mentioned Saturday ang uwi mo.
Rina: Anyway, since on the way ka na, next time na lang. Ingat, Win! Thanks :)
Tiningnan niya ang orasan. Siguro naman na makakaabot pa si Rina.
Win: Saan ka ba?
Rina: Sa apartment pa ako.
Win: Okay.
Nag-isip siya saglit.
Win: Hintayin kita?
Rina: What?
Win: Ayaw mo?
Rina: I don’t want you to wait.
Rina: It’s okay, Win.
Panay ang pag-tap niya sa gilid ng phone. Abot pa naman, sigurado siya. Alam niya rin na kung si RJ na pinsan niya ang nasa posisyon niya ngayon (na matalik na kaibigan ni Rina) ay hihintayin nito si Rina.
Isa pa, mas safe kung may ka-kilala ka; madalas kasi may mga bastos o manyak kang makakasakay sa bus lalo na at ganitong madaling araw pa lang.
Pero bakit nga ba ako nagpapaliwanag?
Win: Sabay na tayo. Kakain pa rin ako ng breakfast bago umalis, hintayin na kita.
Sinungaling. Hindi siya kumakain bago bumiyahe.
Hindi niya talaga gusto ang magsinungaling, pero ayaw niya isipin ni Rina makakaabala ito. Gusto rin naman niya ng may kasabay kahit na alam niyang hindi naman talaga sila masyadong mag-uusap ni Rina sa biyahe.
Hindi naman kasi sila close ni Rina. Iisa lang talaga sila ng circle of friends at nagkataon rin na sa isang building lang rin sila ni Rina ang opisina nila.
Rina: If you insist :)
Rina: But you can go ahead if tapos ka na kumain and wala parin ako. Thanks, Win.
Win: Message ka lang kapag malapit ka na.
Pumunta siya sa malapit na kainan sa terminal. May malapit kasi na fast food at nag-take out na muna siya ng pagkain at umupo sa isa sa mga seats para maghintay.
Nakinig muna siya sa music at nagscrol