XXXIX. Wrong Timing.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“RJ,” tawag niya sa pinsan. “Nakapag-I love you ka na ba sa iba? Bukod kina Tita.” Tanong niya. Nabangga ang sasakyan na gamit ni RJ sa laro.

 

“Win! Tactic mo ba ‘yan? Para matalo ako?” Sigaw ni RJ. Nasa bahay sila sa probinsya. Wala namang bago, naglalaro pa rin sila. Pinabayaan na ni RJ ang kaniyang nilalaro at hinampas siya ng unan pero hindi siya gumalaw at nagpatuloy lang. “Se-seryoso ka ba sa tanong mo?”

 

Tumango siya. Nanalo na siya at hindi na sila nagstart ulit ng panibagong game. “Oo naman,” biglang sambit ni RJ. Napalingon siya sa pinsan at natatawa itong tumingin sa kaniya.

 

“Kanino?”

 

“Sa ex ko,” kibit-balikat na sambit ni RJ.

 

“May ex ka?”

 

“Wow, hindi ko alam kung ma-ooffend ba ako or ano.” Sumimangot ang pinsan sa kaniya.

 

Tumikhim siya, “sorry. Uhm...meron nga?”

 

Ngumiti si RJ at tumango. “Oo, noong high school ako. Puppy love hihi—aray!” Hinampas niya ng unan si RJ. Mukhang sira kasi itong humahagikhik habang parang inaalala ang ex nito.

 

“Ayusin mo kasi,” inis na sabi niya.

 

Bumuntong-hininga lang si RJ. “High school ako no’n...” Medyo lumapit pa siya para makinig sa pinsan. “Hmm...one year din kaso sa ibang school siya nag-college. Ayun, nag-break din kami. The end.” Akmang hahampasin niya ulit ang pinsan pero nasangga ito ng kamay ni RJ. “Diretsuhin mo na lang kasi ako, ano ba kasi gusto mo malaman?”

 

“Sinabi mo sa kan’ya na mahal mo s’ya?” Tanong niya.

 

Walang alinlangan namang tumango si RJ. “Oo. Matagal kaya kami ng girlfriend—” bigla naman tumahimik si RJ at hindi itinuloy ang sasabihin. Napangiti siya at nagkatinginan silang dalawa. Maya-maya ay sabay silang tumawa nang malakas. “Alam mo na eh,” nahihiyang sabi ni RJ.

 

“Hindi pa. I had a hunch, but yeah...hanggang doon lang,” sagot niya. ‘Yung tungkol pa lang naman kay Yeji ang nahahalata niya. Noong college kasi, walang ibang inatupag si RJ kung hindi ang mag-aral, sumali sa iba’t ibang clubs, games at barkada. Kapag tinatanong ito ng mga kaibigan nila, wala lang daw matipuhan ang pinsan.

 

Hindi rin siya ganoon ka-observant dati. Kung may napapansin man siya, inaalis niya rin agad ito sa kaniyang isipan hangga’t alam niyang hindi siya apektado.

 

“Akala ko sinabi na sa’yo ni Rina,” sambit nito.

 

“Alam ni Rina?”

 

Tumango si RJ. “Matagal na...college pa lang alam na nila Giselle.” Natahimik sila saglit. Natatawa siya sa sitwasyon nilang dalawa. “Maraming beses na gusto kong sabihin sa’yo...”

 

Lumingon siya sa pinsan. “Alam ko naman na hindi ako makausap nang matino dati,” natatawa niyang banggit. “I’m sorry,” mahinang niyang sambit.

 

“Wala na ‘yon. Naiintindihan namin,” tugon ni RJ. Ngumiti na lamang siya. “Pero balik tayo sa tanong mo...”

 

“Ah, ayun,” mahinang tawa niya.

 

“Ano ba gusto mo malaman?”

 

Hindi naman siya makapagsalita ngayon. Ano nga ba ang gusto niyang itanong? Kung tungkol kasi ito sa nararamdaman niya, sigurado na siya. Kahit naman na unang beses niya na maranasan ang mga ganitong bagay, alam niya sa sarili niya na hindi siya nabibigla o nagpapadalos-dalos. Mahal niya si Rina, walang pero.

 

“Wait!” Humawak sa braso niya si RJ na parang nag-aalala. “‘Wag mo sabihin na sinabihan ka ni Rina na mahal ka niya tapos hindi ka nagsalita man lang?” Sunod-sunod na sabi ng pinsan. Gusto niyang matawa sa hitsura ni RJ pero nang mapatitig siya rito, seryoso ang pinsan. Parang nagpapanic pa nga ito.

 

“Hey, relax,” kinakabahan pero natatawa niyang sambit. Mahigpit na kasi ang pagkakahawak sa kaniya ni RJ. “Walang gano’n, okay?” Matapos niyang sabihin iyon ay parang nahimasmasan si RJ at nagpakawala ng hininga.

 

Nakatitig pa rin sa kaniya si RJ na parang hinihintay siya na magsalitang muli. Napalunok naman siya at napakamot sa gilid ng noo. Kahit pa nga pinsan niya si RJ, sobrang matalik na kaibigan naman ito ni Rina. Mahirap din talaga sa kaniya ang magsabi ng mga ganitong bagay sa pinsan lalo na at tungkol sa kanilang relasyon ni Rina.

 

“Iniisip ko lang kung kailan ‘yung tamang pahanon para sabihin ‘yon...”

 

Sumandal si RJ sa couch. Parang nawalan ito ng energy at tumango-tango habang nakatingin lang sa tv nila. Hindi niya inaalis ang tingin kay RJ. Medyo weird ang pinsan niya ngayon.

 

“Wala namang tamang panahon d’yan,” seryosong sambit ni RJ. “Kung anong nararamdaman mo, sabihin mo. Kaysa naman magsisi ka kasi huli na ang lahat, right?”

 

Huminga siya nang malalim. Tama si RJ. Bakit ba kasi sobra siyang mag-isip ng mga bagay-bagay kahit naman alam na niya ang gusto niyang gawin? Ilang beses na niyang sinabi ito pero siya rin at siya rin lang talaga ang nagpapahirap sa sarili.

 

“Weird ba na palagi kong kailangan kumunsulta sa’yo at sa iba bago ako may gawin?” Tanong niya.

 

Tumawa si RJ, “gano’n talaga kapag mga baguhan, sa expert lumalapit—aray!” Hinampas niya ulit ito ng unan sa mukha. “Nakakailan ka na ha!” Pagmamaktol ni RJ habang siya ay tumatawa lang at umiilag sa mga ganti ng pinsan.

 

Nauwi na sa pillow fight ang tuksuhan. Sobrang magulo na ang kanilang mga buhok at kahit bukas ang AC sa entertainment room nila ay pawisan sila na magpinsan dahil naghabulan pa sila sa loob. Natigil lamang sila matapos marinig ang pagbukas ng kuwarto at...boses ni Giselle.

 

“What the ?” Parang nandidiring sambit ni Giselle. Napaangat siya ng tingin at naroon sa pinto nakatayo ang tatlong kaibigan ni RJ. Si Lia at Giselle ay parang naiinis sa nakikita habang si Rina ay natatawa. Paano kasi, halos mag-wrestling sila ng pinsan sa sahig.

 

Napangiwi siya. Nakalimutan nilang pupunta nga pala ang tatlo sa bahay nila. Matagal-tagal na kasing hindi nagkikita-kita sina RJ, Lia, Giselle at Rina. Nagkataon naman na lahat sila ay nasa probinsya ngayong weekend.

 

Binitawan niya si RJ at nag-ayos silang dalawa ng sarili. Nangingiting lumapit sa kaniya si Rina at tinulungan siyang ayusin ang kaniyang buhok. Mabuti na lang at maikli lang ang kaniyang buhok at madali itong naibalik sa dati.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi 👋

I just finished mapping out the last chapters but I don’t have the time to write them yet so baka matagalan din talaga ang update. Sorry if mabagal ang update these days, medyo maraming nangyayari irl 😅

Anyway, thank you for reading muni-muni! Will try to get back soon as I can!
No comments yet