Balik-tanaw: Solomon.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“!”  

 

Napalingon si Win sa narinig mula sa katabi. Napatingin siya sa sahig at nakita ang nahulog na relo. Agad niya itong pinulot dahil mas malapit sa kanya ang relo.  

 

Orientation day. 

 

Nasa kanan ni Win si RJ na busy makipag-usap sa katabi nito. Kakakilala pa lang ni pinsan doon sa isang babae pero ang dami na nilang napag-usapan. Tahimik lang naman si Win na nakaupo hanggang sa marinig niya nga ang katabi niya sa kaliwa.  

 

“Uhm, here.” Inabot ni Win ang relo sa katabi. Mukhan nasira na ang clasp ng relo.  

 

“Thank you,” sambit ng katabi niya at pilit na isinusot ang relo. Hindi na umimik muli si Win at diretso lang ang tingin sa podium kung saan may nagsasalita para sa orientation. Wala naman siya maintindihan dahil kanina pa lumilipad ang utak niya.  

 

Miss na niya ang mga kaibigan sa US. Summer ngayon doon at malamang, marami na silang napuntahan na lugar. Mahilig kasi silang magtravel, lalo na si Isa.  

 

Napahinga na lang siya nang malalim sa mga naiisip. Parang nagpadalos-dalos nga siya sa pag-uwi dito sa Pilipinas. Ang hirap talaga kapag hindi ganoon pinag-iisipan ang mga bagay-bagay.  

 

Pero kung nanatili naman siya sa US, hindi niya rin alam kung ano magiging estado niya ngayon. At least kasi dito sa Pilipinas, malayo siya sa mga alalala niya sa mga magulang, although it’s stupid. Kahit saan naman kasi siya magpunta, dala niya ang mga memories kasama ang mga magulang at mga kaibigan, 

 

Hindi na yata matatapos ang kanyang mga isipin. Forever na yata siya na overthinker.  

 

Gusto na lang ni Win na magshutdown ang utak niya ng mga isang araw. Para kasing may gyera sa isip niya pero walang nanalo.  

 

Naputol ang pag-iisip ni Win nang mapalingon siya sa katabi na nakatungo at kinukumpuni ang relo.  

 

Ngayon niya lang napagmasdan ang babae. Mahaba at makapal ang buhok nito at maayos na nakahawi sa isang side kaya kitang-kita niya ang bawat parte ng mukha ng babae.  

 

Isa lang naman ang masasabi niya. Maganda. Pero mas na-distract kasi siya sa pilit na pag-aayos nito sa kanyang relo.  

 

“I don’t think you can fix it.” Nagsalita na si Win. Iba kasi ang clasp ng relo ng babae at mga manggagawa lang siguro ng relo ang makakayos nito.  

 

“No, it’s always been like this. Kaya ko naman,” sagot ng babae.  

 

Kaya ko naman. 

 

Kaya. 

 

Naiintindihan naman niya iyon pero kailangan pa ulit niyang ulit-ulitin sa isip niya. 

 

At eto na naman. Lumilipad na naman ang isip ni Win. Si RJ kasi ang main teacher niya sa Tagalog. Sabi ni RJ sa kanya na English naman ang madalas na gamit ng mga magiging prof nila pero iba pa rin daw kasi ‘yung araw-araw na conversation sa ibang tao. Marami raw siya na mapupulot na words na hindi familiar sa kanya. 

 

Mahilig daw kasi mag-imbento ang mga Pinoy ng salita. Hindi na nga matandaan ni Win ang ilang itinuro sa kanya ni RJ.  

 

Wala namang balak si Win na gamitin ang mga iyon pero for context, gusto niyang malaman.  

 

“I guess wala na talaga,” sambit ng babae.  

 

Napalingon ulit siya. Putol na naman iniisip niya. Mas okay siguro na may kumakausap sa kanya para hindi kung saan-saan siya nakakarating? 

 

Hawak na lang nito ang relo at hindi na inaayos.  

 

“Can I?” Tanong ni Win at inilahad ang kamay para kunin ang relo. Hindi siya expert pero may tape kasi siya sa bag.  

 

Sabi ni RJ, dapat kumpleto raw sa materials sa orientation dito sa Pinas. Nagpaloko naman siya at muntik na magdala ng art supplies. Buti na lang hindi siya uto-uto. 

 

Nagkataon lang na naisingit ang maliit na tape sa bag niya. 

 

Ibinigay ng babae ang relo sa kanya. Ito kasi ‘yung klase ng relo na inii-slide ang buckle ng clasp—‘yung puwedeng ma-adjust ang higpit nito sa wrist ng magsusuot. Ganito kasi ‘yung clasp ng mga lumang relo. Hindi na ma-press ang buckle sa clasp kaya hindi na ito kumakapit.  

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi! Wala po ud, I just edited some parts 😅

Also, I don’t think magkakaroon pa ng another chapter since it’s already completed. If ever I decided to write some kind of a continuation ng muni-muni, it would be a part 2 na, not here. Skl 😆 Sorry if na-disappoint po kayo 🤧 kasalanan ni aff haha jk!
No comments yet