XVI. Back to One.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Nakausap na niya si Isa pagkatapos na pagkatapos niyang makausap si RJ. Tinanggihan niya ang alok na dinner ni Rina nang mag-text ito sa kaniya. Ilang araw na rin ang nakalipas. Parang hindi siya handa na harapin si Rina.

 

Hindi naging maganda ang pag-uusap nila ng kababata. Matagal na kasi siyang hinihintay nito at ilang beses na niyang sinabi na bigyan siya ng panahon. Sinabi rin ni Isa na hinihintay rin siya ng mga kaibigan nila. Hindi naman nawala ang contact niya sa mga ito.

 

Marami siyang kaibigan sa US. Sila ang tumulong sa kaniya noong naaksidente ang kaniyang parents pero mostly, it was Isa and her family. Sinabihan pa siya na p’wede siyang tumuloy sa bahay nina Isa pero tinanggihan na niya ito.

 

Marami silang plano ni Isa. Plano nilang pumasok sa iisang school at kumuha ng kursong fine arts. Buong buhay nila, silang dalawa ang magkasamang lumaki at nahirapan siyang iwan ang kababata. Nangako siyang babalik.

 

Balak lang naman talaga niya na mag-aral dito sa Pilipinas at ayun rin ang napag-usapan nila ng Tita niya.

 

Desidido naman siya—noon.

 

Tumingin siya sa phone at binuklat ang last conversation nila ni Rina.

 

Rina: It’s okay, Win. We can rearrange.

Win: Thanks, Rina. I’ll just message you.

 

Hindi na siya mapakali dahil ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Rina kahit sa text man lang. Hindi na niya alam ngayon kung paano kakausapin si Rina.

 

Pauwi pa lang siya papunta sa apartment nang makatanggap siya ng message mula kay Ning.

 

Ning: Win, labas tayo?

 

Ayun lang naman ang message pero naramdaman niya niya agad na gusto siyang kausapin ng kaibigan. Nasabihan na rin siguro ito ni Chenle. Nag-decide na lang sila na magkita sa uptown mall. Nandoon na daw si Ning para wala daw siyang takas.

 

Kararating pa lang ng order ay sinimulan na agad siya ng kaibigan.

 

“Kailan ang alis mo?” Diretsong tanong ni Ning habang kagat-kagat nito ang chicken. Inabutan niya ito ng tissue, medyo may oil kasi sa paligid ng bibig ni Ning.

 

“By the end of the month. Every year naman, ganito ang alis ko ‘di ba?” Sagot niya. Alam na ito ng mga kaibigan. Nakapag file na rin siya ng leave na three weeks sa opisina. Lumagpas na siya sa days na p’wede siyang mag-leave kaya no work no pay na ‘yung ibang days.

 

Buti na nga lang at pinayagan siya ng manager. On call pa rin naman siya kapag may importanteng kailangan ang mga co-workers sa kaniya. At since most of the time sa designing lang siya, hindi niya mapapabayaan ang main tasks niya.

 

“Pero babalik ka pa?” Tanong ulit ni Ning.

 

“Mag-decide man ako na tumira ulit sa US or hindi, kailangan ko pa rin bumalik dito para ayusin ‘yung mga…mga maiiwan ko kung sakali,” sabi niya at sumulyap sa kaibigan.

 

Tumango naman si Ning, “sabagay. Kailangan mo rin mag-resign sa work if ever.”

 

Namagitan naman ang katahimikan sa kanila. Panay ang buntong-hininga ni Ning. Parang may gusto itong sabihin sa kaniya.

 

Natawa na siya sa kaibigan. “Sabihin mo na, Ning.”

 

Umangat ang tingin sa kaniya ni Ning at naluluha itong tumitig. “Gusto ko sana sabihin na ‘wag ka na lang umalis…” Napalunok siya. Hindi niya alam na ganoon siya ka-importante sa mga kaibigan niya. Madalas kasi, tahimik lang siya. Inisip na lang niya na kapag umalis siya, parang wala namang magbabago sa grupo.

 

Maya-maya ay nagpahid si Ning ng namumuong luha sa gilid ng kaniyang mata. Nakahinga siya nang maluwag. Buti na lang at hindi ngumangawa ang kaibigan. Baka isipin ng ibang tao may ginawa siyang hindi maganda kay Ning.

 

“Pero ano bang laban namin sa 18 years?” Pagtutuloy ni Ning. “Eighteen years mo na nakasama ang mga kaibigan mo doon. Eighteen years ka na nasanay tumira sa US habang… habang wala pa sa kalahati doon ‘yung bilang ng taon na nandito ka.”

 

Naramdaman niya ang pagsikip ng lalamunan niya. Kaya ayaw niya ng ganitong usapan. Nauuwi lang sa iyakan.

 

“Hindi pa naman ako umaalis,” mahinahon na sabi niya. “Bibisita pa lang ako.”

 

“Pero torn ka na. Kasi ‘yun na ang plano mo simula pa lang.”

 

Tumango lang ulit siya. 

 

“Sabi nina Chenle, baka mapigilan daw kita.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hello haha.

Last na 'to. Good bye na talaga :D

Thank you again!

PS. Vote vote vote!!!
No comments yet