LIV. Sobra-sobra.

Muni-muni
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Win, inom pa!” Marahas ang paglingon niya sa kaniyang kaliwa. Si Ning may hawak na isang maliit na baso. Tingin niya, delikado ang buhay niya kung iinumin niya pa iyon pero paglingon niya sa kanan, kita niya si Rina na nakangiti sa kaniya.  

 

Nasa isang Family KTV and resto bar sila sa Makati.  

 

“You can say no,” bulong ni Rina sa kaniya.  

 

Ngumiti lang siya at umiling sabay abot ng baso. Napangiwi siya sa lasa. Malakas ang tolerance niya sa alak pero parang matapang talaga ang pinainom sa kaniya ni Ning. Natatawa naman si Rina sa reaksyon niya.  

 

“Kaya pa? You’re already red,” pagpuna ni Rina pero hindi  naaalis ang ngiti nito. Panay lang naman ang tango niya. Ilang beses pa siyang pinainom ng mga kaibigan habang si Rina ay tumigil na kanina pa. Lumingon-lingon siya sa paligin at napangiti sa nakikita. Kumpleto sila ngayon at narito rin si Yeji na busy makipag-usap kina RJ.  

 

Napapalibutan ang katrabaho niya nina Lia, Beomgyu at Giselle at ang pinsan niya na nakangiting pinapanood si Yeji na makipag-usap sa mga kaibigan nila. Napapailing na lang siya. Hindi naman pala magiging awkward ang gabi at mukhang nakakasundo na nga ni Yeji ang lahat. Inimbitahan kasi nila ni RJ si Yeji at game na game naman ito kahit sabi nito noong una na nahihiya raw siya ng kaunti.  

 

Si RJ ang unang nagsabi kay Yeji at siya naman ay inulit ito sa ka-trabaho. Sobrang welcoming naman ng kaniyang mga kaibigan kay Yeji at nangako nga ang mga ito na hindi nila masyadong tutuksuhin ang dalawa. 

 

Naiisip na rin niya tuloy na isama sina Mark, Yeonjun at Chaeryeong next time.  

 

“Hey,” tawag sa kaniya ni Rina. Napalingon siya sa tabi at nag-aalala itong nakatingin sa kaniya. “Baka pagod ka na?” 

 

Umiling lang siya. “I’m not drunk,” sambit niya.  

 

“That’s not what I asked,” pagtawa ni Rina. “Stop drinking na.” 

 

Tumango lang siya ulit. Kahit ano namang sabihin ni Rina, tatango lang siya. “Okay,” sagot niya at bumaling kay Ning. “Ning, ‘wag mo na ako abutan ng baso, magagalit si Rina.” 

 

Narinig naman niya ang tawanan sa paligid niya at napakunot na lang ang noo niya.  

 

“Iuwi mo na kaya ‘yan, Rina.” Sambit ng isa sa kanila. Lumingon siya at nakita niyang si Beomgyu ang nagsalita habang tinatawanan siya. Sinamaan niya lang ito ng tingin.  

 

“Sleep muna,” sambit ni Rina.  

 

Umiling ulit siya. “I’m okay,” sambit niya. Hindi naman talaga siya lasing. Medyo lang siguro, pero alam niya pa ang ginagawa niya at mga nangyayari sa paligid niya.   

 

Ngayon nga ay kumakanta si Yuna.  

 

“Here, drink water,” pag-abot ni Rina ng isang bottled water sa kaniya. Tinanggap niya iyon at ininom.  

 

“Nakita mo na ba malasing si Win?” Tanong ni Ning sa girlfriend niya. Umiling lang naman si Rina. 

 

“Hindi ako lasing,” pagsingit niya pero hindi siya pinansin ni Ning.  

 

“Gan’yan sinasabi niya kapag lasing s'ya,” natatawang sambit ni Ning. Hindi niya maalala 'yung huling beses siyang nalasing. Parang wala pa naman. “Pero mabait ‘yan, sumusunod ‘yan sa lahat ng sasabihin mo,” pahabol ni Ning. 

 

“Hindi 'no,” pagtanggi niya.  

 

“Okay,” kibit-balikat na sagot ni Ning pero nakita niya ang pagkindat nito kay Rina.  

 

“Baby, ‘wag ka maniwala kay Ning. I’m okay,” bulong niya kay Rina.  

 

Mahinang tumawa si Rina at tumango. “Yes, you’re still okay, baby. Now, drink more water.” Napatigil siya saglit. Kapag sinunod niya si Rina, ibig sabihin, tama ang sinabi ni Ning pero napapalunok siya dahil uhaw na rin talaga siya at kahit ilang inom niya yata ng tubig, dry pa rin ang pakiramdam ng lalamunan niya.  

 

“Drink your water, !” Sigaw ni Ning sa may tainga niya at bahagyang umiwas siya rito habang tawang-tawa naman si Rina.  

 

Sinimangutan niya ang kaibigan bago bumaling sa girlfriend. “I’m drinking because I’m thirsty,” sambit niya. 

 

Tumango si Riina, “yes, baby. You’re thirsty.” Rinig niya ang pagpipigil ng tawa ni Rina habang umiinom siya ng tubig.  

 

Natapos din si Yuna sa pagkanta at wala ng kasunod na kumanta rito dahil busy ang lahat sa pag-inom at pagkukuwentuhan. Mga ilang minuto rin ang nakalipas. Puro tubig na lang iniinom niya at kumakain na lang habang nakikinig sa mga kaibigan. 

 

Maya-maya, kinalabit siya ni Ning. “Kanta ka,” sabi nito sa kaniya. Rinig ng lahat ang sinabi ni Ning kaya nagsigawan ang mga kaibigan niya pati na rin si Yeji na nagcheer. Naalala niya lang, narinig na siya ni Yeji kumanta dati dahil bilang bagong pasok sa opisina, pinakanta silang mga bagong empleyado noong nagkaroon sila ng welco

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
witherfork
Hi! Wala po ud, I just edited some parts 😅

Also, I don’t think magkakaroon pa ng another chapter since it’s already completed. If ever I decided to write some kind of a continuation ng muni-muni, it would be a part 2 na, not here. Skl 😆 Sorry if na-disappoint po kayo 🤧 kasalanan ni aff haha jk!
No comments yet